Baladi
Ang Baladi (Arabe: بلدي baladī; kamag-anal na pang-uri "pambayan", "lokal", "rural", na maihahambing sa Ingles na "folk", na may konotasyong pangmbabang-uri) ay maaaring tumukoy sa isang Ehiptong estilong pangmusika, ang estilong pambayan ng Ehiptong sayaw ng tiyan (Raqs Baladi), o ang ritmong Masmoudi Sogheir, na kadalasang ginagamit sa musikang baladi. Minsan din itong binabaybay sa Ingles bilang 'beledi' o 'baladee'.
Sa Ehipto,[1] ang terminong baladi ay hindi lamang nalalapat sa lokal na musika at sayaw, at maaari ding ilapat sa maraming iba pang mga bagay na itinuturing na pambauan, rural, rustiko, o tradisyonal, halimbawa 'tinapay na baladi' o 'Aish Baladi".[2] Inilapat din ito sa mga uri ng pagkain at karamihan sa mga prutas at gulay na nagmumula sa mga nayon sa kanayunan.
Baladi na musika at sayaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ibig sabihin ng Baladi ay "pangnayon" at isang estilo ng katutubong sayaw ng Ehipto mula sa unang bahagi ng ika-20 siglo na napakapopular pa rin. Kaya, ang ibig sabihin ng 'Ehiptong Beledi' ay 'ng nayong Ehipto'.[3] Nangyari ito nang lumipat ang mga magsasaka sa lungsod at nagsimulang sumayaw sa maliliit na espasyo. Ang mga taga-Ehipto ay may mga taong Baladi, tinapay ng Baladi, mga ritmo ng Baladi, musika ng Baladi at sayaw ng Baladi.[4][5]
Maaaring kunin ang Baladi sa anyo ng mga tradisyonal na kanta, kadalasang may estruktura ng berso-koro - kasama sa ilang sikat na halimbawa ang 'That il Shibbak' at 'Hassan ya Koulli'. Mayroon ding improbisadong pormang pangmusika sa estilong baladi.
Improbisasyong Baadi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay isang estrutkurang porma ng improbisasyong baladi, kadalasan sa pagitan ng isang tabla at isang akordiyonista o saksoponista (bagaman paminsan-minsan ang ney ay maaaring ang pangunahing instrumento). Minsan ito ay tinutukoy bilang baladi taqsim, ashra baladi, o baladi progression.
Ang baladi taqsim ay binubuo ng ilang natatanging mga seksiyon. Ang bawat seksiyon ay may tradisyonal na estruktura, at ang pagsasaayos ng mga seksiyon ay sumusunod sa isang maluwag na pattern, bagaman hindi ito palaging sinusunod. Ang mga musikero ay karaniwang hindi isasama ang lahat ng posibleng mga seksiyon, ngunit pipili ng ilan sa mga ito upang bumuo ng isang estruktura para sa piyesa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Egyptian Baladi
- ↑ Aish Baladi - Egyptian Flatbread, EatLikeAnEgyptian
- ↑ "Overview of Belly Dance: Egyptian Folkloric style belly dancing". www.atlantabellydance.com. Nakuha noong 2017-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Learn Bellydance Styles: Egyptian Baladi - Bellydance U". Bellydance U (sa wikang Ingles). 2015-08-01. Nakuha noong 2017-12-27.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elliot, Shira Julie. ""Baladi" by Hossam Ramzy". www.shira.net. Nakuha noong 2017-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)