Pilipino sa Ibayong Dagat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balikbayan)
Jump to navigation Jump to search
Mga Pilipino sa Ibayong-dagat
Overseas Filipinos
Kabuuang populasyon

11–12 milyon (2019)[1][2]
ang mga bilang sa ibaba ay mula sa mga iba't ibang taon, nakasipi ang sangguniang sumusuporta sa bawat isa.

Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Estados Unidos 2,843,071 (2019)[3]
 Saudi Arabia 938,490 (2015[4]
 Nagkakaisang Arabong Emirato 679,819 (2013)[5]
 Australia 293,770 (2019)[6]
 Kuwait 276,000 (2018)[7]
 Japan 251,934 (2017)[8]
 Malaysia 245,000 (2009)[9]
 Qatar 240,000 (2017)[10]
 Singapore 203,243 (2013)[11]
 Canada 188,805 (2017)[12]
 Hong Kong 186,869 (2016)[13]
 Italya 165,783 (2014)[14]
 Espanya ~150,000 (2015)[15]
 United Kingdom 144,000 (2017)[16][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
 Republika ng Tsina 77,933 (2011)[17]
 Timog Korea 50,264 (2007)[18]
 New Zealand 40,347 (2013)[19]
 Israel 36,400 (2013)[11]
 Brunei 32,765 (2013)[11]
 Austria 30,000 (2019)[20][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
 Papua New Guinea 25,000 (2013)[21]
 Alemanya 20,589 (2018)[22][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
 Thailand 17,574 (2010)[23]
 Netherlands 16,719 (2009)[24][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
 Macau 14,544 (2011)[25]
 Ireland 13,976 (2013)[11]
 Sweden 13,000 (2012)[26]
 Norway 12,262 (2014)[27][wala sa ibinigay na pagbabanggit]
 Tsina 12,254 (2011)[28]
 Switzerland 10,000 (2009)[29]
 Kazakhstan 8,000 (2011)[30][wala sa ibinigay na pagbabanggit]

Ang isang Pilipino sa Ibayong Dagat (Ingles: Overseas Filipino) ay isang tao na may pinagmulang Pilipino na nakatira sa labas ng Pilipinas. Ikinakapit ang terminong ito sa lahat ng mga Pilipino na nasa ibang bansa nang walang takda bilang mga mamamayan o permanenteng naninirahan ng ibang bansa at sa mga mamamayang Pilipino na nasa ibang bansa sa panahong limitado at nakatakda, tulad ng may kontrata sa trabaho o bilang mga mag-aaral. Maaari rin itong tumukoy sa taong may lahing Pilipino. Pagsapit ng 2019, mayroong higit sa 12 milyong Pilipino sa ibayong-dagat.[2]

Populasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2013, tinaya ng Komisyon sa mga Pilipinong nasa Ibayong Dagat (CFO) na nakatira o nagtatrabaho ang halos 10.2 milyong tao na may lahing Pilipino sa ibayong dagat.[11] Ang bilang na ito ay bumubuo sa halos 11 bahagdan ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.[31] Isa ito sa mga pinakamalaking populasyon ng diaspora, na umaabot nang higit sa 100 bansa.[32]

Wari bang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (mga OFW) ay bata at balanse ayon sa kasarian. Ayon sa isang surbey na isinagawa noong 2011, ipinapahiwatig ng mga demograpiko kung paano bumubuo ang pangkat ng edad 24-29 sa 24 bahagdan ng kabuuan at sinusundan ng pangkat ng edad 30-34 (23 bahagdan) nagtatrabaho sa ibayong dagat.[33] Nananagot ang mga lalaking OFW para sa 52 bahagdan ng kabuuang populasyon ng mga OFW. Karaniwang mas bata ang mas maliit nang kaunti sa bahagdan ng mga babaeng manggagawa sa ibayong dagat kumpara sa kanilang katapat na lalaki.[33] Nananagot ang mga manggagawa sa produksyon at serbisyo para sa higit sa 80 bahagdan ng pag-alis ng mga manggagawa pagsapit ng 2010 at tuloy-tuloy na tumataas ang bilang na ito, kasama ng kalakaran para sa mga propesyonal na manggagawa, marami rito ay mga nars at inhinyero.[33] Ang mga Pilipinong mandaragat, mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat sa industriyang pandagat, ay may malaking epekto sa pandaigdigang ekonomiya, na bumubuo sa sangkalima hanggang sangkapat ng mga tripulante ng bapor na pangkalakal, na may pananagutan para sa paggalaw ng karamihan ng mga kalakal sa pandaigdigang ekonomiya.[34][35]

Patuloy at unti-unting tumataas ang populasyon ng mga OFW sa paglipas ng panahon at waring bahagyang dahil sa paghihikayat ng pamahalaan sa pag-aalis ng mga manggagawang kontraktwal gaya ng makikita sa mga pahayag sa patakaran, kampanya ng midya, at mga iba pang inisyatibo.[36] Halimbawa, inilalarawan nila ang mga OFW bilang ng mga bayani ng bansa, na naghihikayat sa mga mamamayan na ipagmauri ang mga manggagawang ito.

Epekto sa ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2012, inasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na lalaki ang mga opisyal na padala na dumaraan sa mga bangko at ahente ng 5% sa 2011 patungo sa US$21 bilyon, ngunit ang mga opisyal na padala ay bahagi lamang ng lahat ng mga padala.[37] Noong 2018, tumaas lalo ang mga padala patungo sa $31 bilyon, na naging halos 10% ng GDP ng Pilipinas.[34] Tinataya na ang mga padala na dumaan sa mga di-opisyal, kabilang ang mga ilegal, na lagusan ay 40% mas mataas kasya sa opisyal na bilang ng BSP.[37] Noong 2011, US$20.117 bilyon ang mga padala.[38] Noong 2012, nanggaling ang halos 80% ng mga padala mula sa 7 bansa—Estados Unidos, Canada, the Nagkakaisang Kaharian, Nagkakaisang Arabong Emirato, Saudi Arabia, Singgapura, at Hapon.[38]

Noong 2019, nagpabalik ang mga Pilipino sa Ibayong Dagat ng $32.2 bilyon sa Pilipinas. [39]

Mga isyu[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kondisyon sa pagtatrabaho[baguhin | baguhin ang batayan]

Mahalaga ang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa ibayong dagat sa mga indibidwal na manggagawa at ang kani-kanilang pamilya pati na rin para sa nagpapadalang bansa at ang kanyang paglagong ekonomiko at kapakanan. Kabilang sa mga mahirap na kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga Pilipinong inupahan sa ibayong dagat ang mahahabang oras, mabababang sahod at kakaunting pagkatataon para bisitahin ang kani-kanilang pamilya.[40][41][42] Iminumungkahi ng ebidensya na hinaharap ng mga kababaihan ang emosyonal na kaigtingan ng pagkahiwalay sa pamilya sa pamamagitan ng isa sa mga dalawang paraan: una, sa mga sitwasyon ng pangangalaga sa tahanan, hinahalinhan nila ang kanilang mga anak ng mga anak ng pamilyang kumupkop sa ibinibigay nilang pag-ibig at pagmamahal, at ikalawa, aktibo nilang iinisip ang benepisyo na maidudulot ng kanilang kita sa kinabukasan ng kanilang mga bata.[42] Malimit na napapaharap ang mga kababaihan sa mga kalugihan sa kanilang mga kondisyon sa pagtatrabaho dahil waring nagtatrabaho sila pangangalaga sa nakatatanda/bata at pantahanan.[43] Itinuturing ang mga okupasyong ito bilang di-bihasa at nangangailangan ng kakaunting edukasyon at pagsasanay, at sa gayon napapaharap palagi sa mga di-magagandang kondisyon ng pagtatrabaho.[40] Mas malamang na magbigay ang mga kababaihang napapaharap sa mga makatarungang kondisyon sa pagtatrabaho ng sapat na nutrisyon, mas magandang edukasyon at hustong kalusugan sa kanilang mga bata. May malakas na ugnayan sa pagitan ng karapatan ng mga kababaihan at ang kabuuang kapakanan ng mga kabataan. Samakatwid, isang sentral na katanungan upang itaguyod ang mga karapatan ng mga kababaihan upang itaguyod ang mga kakayahan ng mga kabataan.[44][45] Ayon sa isang ipinahayag noong 2009 ni John Leonard Monterona, ang koordineytor sa Gitnang Silangang ng Migrante, isang organisasyon ng mga OFW na nakabase sa Maynila, sa bawat taon, ang di-mabilang na Pilipino sa Saudi Arabia ay naging "biktima ng mga pang-aabusong seksuwal, pagmamaltrato, di-bayad na sahod, at iba pang pagsamsam sa mga manggagawa".[46][kailangang bahugin]

Patakaran sa pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa kasaysayan, nakatuon ang Patakaran sa Paglilipat ng Paggawa ng Pilipinas sa pagtatanggal ng mga harang para sa mga manggagawa sa ibayong dagat upang madaragdagan ang aksesibilidad para sa empleo sa labas ng bansa. Nag-iiba ang mga kondisyon sa pagtatrabaho sa mga Pilipinong inupahan sa ibayong dagat, at nakasalalay ito kung kinikilala at ipinapatupad ng bansang kumupkop ang mga pandaigdigang pamantayan sa paggawa. Itinatakda ang mga pamantayan ng ILO, na isang ahensya ng UN kung saan nakiiisa ang 185 ng 193 miyembro ng UN. Nag-iiba rin ang mga pamantayan sa paggawa ayon sa mga regulasyon at pagpapatupad ng mga bansang kumupkop. Ang isa sa mga pangunahing dahilan para sa mga malalaking pagkakaiba sa pamantayan sa paggawa ay dahil sa katotohanan na nakakapagrehistro lamang ang ILO ng mga reklamo at hindi magpataw ng mga parusa sa mga pamahalaan.

Waring nag-iiba ang mga patakaran sa emigrasyon sa mga bansa depende kung nangingibawbaw ang mga kalalakihan o kababaihan sa partikular na okupasyon. Ang mga okupasyong pinangingibabawan ng kalalakihan ay waring inuudyukan ng mga insentibong ekonomiko habang ang mga patakaran sa emigrasyon na nakatuktok sa kababaihan ay waring inuudyukan ng mga pinahahalagahan, kumakapit sa mga kinaugaliang papel sa pamilya na pinapaboran ang trabahong suwelduhan ng mga kalalakihan. Dahil karaniwang nakikita ang mga kababaihan bilang mga simbolo ng pambansang dangal at dignidad, waring mas mapagprotekta ang mga patakaran ng mga gobyerno sa mga sektor na pinangingibabawan ng mga kababaihan.


Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Times, Asia (September 2, 2019). "Asia Times | Duterte's 'golden age' comes into clearer view | Article". Asia Times.
  2. 2.0 2.1 "Remittances from Filipinos abroad reach 2.9 bln USD in August 2019 - Xinhua | English.news.cn". www.xinhuanet.com.
  3. "ACS Demographic and Housing Estimates". U.S. Census Bureau. December 2019. Nakuha noong 20 March 2020.-
  4. Government source June 2015
  5. "Know Your Diaspora: United Arab Emirates". Positively Filipino | Online Magazine for Filipinos in the Diaspora.
  6. "Australian Bureau of Statistics Estimated Resident Population by Country of Birth". Australian Bureau of Statistics. Australian Bureau of Statistics. Nakuha noong 28 April 2020.
  7. Michaelson, Ruth (23 July 2018). "Kuwaiti star faces backlash over Filipino worker comments". The Guardian. United Kingdom. Nakuha noong 12 February 2019. The Philippine president, Rodrigo Duterte, asked the estimated 276,000 Filipino workers in Kuwait to return home, appealing to “their sense of patriotism” and offering free flights for the 10,000 estimated to have overstayed their visas.
  8. Osaki, Tomohiro; Masangkay, May (January 3, 2018). "Filipinos and Nepalese face challenges in Japan even as their communities grow" – sa pamamagitan ng Japan Times Online.
  9. "No foreign workers' layoffs in Malaysia - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". 9 February 2009.
  10. Rivera, Raynald C (17 October 2017). "Contribution of over 240,000 Filipinos in Qatar praised". The Peninsula. Qatar. Nakuha noong 12 February 2019. Timbayan underlined the important contribution of more than 240,000 Filipinos in Qatar engaged in various sectors, being the fourth largest expatriate community in Qatar.
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 "Stock Estimate of Filipinos Overseas As of December 2013" (PDF). Philippine Overseas Employment Administration. Sininop mula sa ang orihinal (PDF) noong June 23, 2019.
  12. "Immigrant population in Canada, 2016 Census of Population". Statistics Canada. 2017-10-25. Nakuha noong 2020-04-02.
  13. A122: Population by Nationality, Year and Duration of Residence in Hong Kong Hong Kong Bureau of Statistics. Retrieved April 3, 2020.
  14. "I cittadini non comunitari regolarmente soggiornanti". 31 Disyembre 2014. Sininop mula sa ang orihinal noong 13 November 2014.
  15. "Spaniards have high regard for Filipinos living in their country". Business Mirror. December 20, 2015.
  16. Ann Blake (June 2018). Table 1.3: Overseas-born population in the United Kingdom, excluding some residents in communal establishments, by sex, by country of birth1,2,3 (Ulat). Office for National Statistics. p. Population of the UK by country of birth and nationality. Nakuha noong 12 February 2019. 16 Philippines 144 +/- 18 thousands
  17. "Filipino workers to celebrate Independence Day in Taiwan". Philippine News. June 10, 2011. Sininop mula sa ang orihinal noong September 28, 2011.
  18. Filipinos in South Korea. Korean Culture and Information Service (KOIS). (archived from the original on June 1, 2008)
  19. "2013 Census ethnic group profiles". archive.stats.govt.nz.
  20. "Bevölkerung nach Staatsangehörigkeit und Geburtsland". www.statistik.at (sa Aleman). 2019.
  21. Amojelar, Darwin G. (2013-04-26) New Guinea thumbs down Philippine request for additional flights. InterAksyon.com. (archived from Papua the original on April 27, 2013)
  22. "Ausländeranteil in Deutschland bis 2018". Statista (sa Aleman).
  23. Vapattanawong, Patama. "ชาวต่างชาติในเมืองไทยเป็นใครบ้าง? (Foreigners in Thailand)" (PDF). Institute for Population and Social Research - Mahidol University (sa Thai). Nakuha noong 25 December 2017.
  24. "A brief history of Philippine – Netherlands relations". The Philippine Embassy in The Hague. Sininop mula sa ang orihinal noong 2009-02-15.
  25. "Macau Population Census". Census Bureau of Macau. May 2012. Nakuha noong 22 July 2016.
  26. "pinoys-sweden-protest-impending-embassy-closure". ABS-CBNnews.com. March 1, 2012.
  27. "8 Folkemengde, etter norsk / utenlandsk statsborgerskap og landbakgrunn 1. januar 2009". Statistisk sentralbyra (Statistics Norway). Sininop mula sa ang orihinal noong 2009-05-15. Nakuha noong 3 February 2014.
  28. "President Aquino to meet Filipino community in Beijing". Ang Kalatas-Australia. 30 August 2011.
  29. "Backgrounder: Overseas Filipinos in Switzerland". Office of the Press Secretary. 2007. Sininop mula sa ang orihinal noong 7 September 2008. Nakuha noong 23 October 2009.
  30. Embassy of Kazakhstan in Malaysia website Naka-arkibo 2013-11-11 sa Wayback Machine.. Kazembassy.org.my. Retrieved 28 July 2013.
  31. McKenzie, Duncan Alexander (2012). The Unlucky Country: The Republic of the Philippines in the 21St Century. Bloomington, IN: Balboa Press. p. 138. ISBN 9781452503363.
  32. David K. Yoo; Eiichiro Azuma (4 January 2016). The Oxford Handbook of Asian American History. Oxford University Press. p. 402. ISBN 978-0-19-986047-0.
  33. 33.0 33.1 33.2 IMF (2013). Philippines: Selected Issues. Washington, D.C.: International Monetary Fund Publication Services. p. 17. ISBN 9781484374061.
  34. 34.0 34.1 Almendral, Aurora; Reyes Morales, Hannah (December 2018). "Why 10 million Filipinos endure hardship abroad as overseas workers". National Geographic. United States. Nakuha noong 2 March 2019.
  35. "Unsung Filipino seafarers power the global economy". The Economist. 16 February 2019. Nakuha noong 2 March 2019.
    Kale Bantigue Fajardo. Filipino Crosscurrents: Oceanographies of Seafaring, Masculinities, and Globalization. University of Minnesota Press. ISBN 978-1-4529-3283-5.
    Leon Fink (2011). Sweatshops at Sea: Merchant Seamen in the World's First Globalized Industry, from 1812 to the Present. Univ of North Carolina Press. p. 186. ISBN 978-0-8078-3450-3.
  36. Rupert, Mark; Solomon, Scott (2006). Globalization and International Political Economy: The Politics of Alternative Futures. Lanham: Rowman & Littlefield. pp. 88. ISBN 978-0742529434.
  37. 37.0 37.1 Remo, Michelle V. (14 November 2012). "Stop illegal remittance agents, BSP urged: Informal forex channels a problem in the region". Philippine Daily Inquirer.
  38. 38.0 38.1 Magtulis, Prinz (15 November 2012). "Remittance growth poised to meet full-year forecast - BSP". The Philippine Star.
  39. Lucas, Daxim L. "2018 remittances hit all-time high". business.inquirer.net.
  40. 40.0 40.1 Acedera, Kristel Anne; Yeoh, Brenda SA (2018-09-13). "'Making time': Long-distance marriages and the temporalities of the transnational family". Current Sociology. 67 (2): 250–272. doi:10.1177/0011392118792927. ISSN 0011-3921. PMC 6402049.
  41. Dalgas, Karina Märcher (2016-06-02). "The mealtimes that bind? Filipina au pairs in Danish families". Gender, Place & Culture. 23 (6): 834–849. doi:10.1080/0966369X.2015.1073696. ISSN 0966-369X.
  42. 42.0 42.1 Lindio-McGovern, Ligaya (June 2004). "Alienation and labor export in the context of globalization: Filipino migrant domestic workers in Taiwan and Hong Kong". Critical Asian Studies. 36 (2): 217–238. doi:10.1080/14672710410001676043. ISSN 1467-2715.
  43. Basa, Charito; Harcourt, Wendy; Zarro, Angela (2011-03-01). "Remittances and transnational families in Italy and The Philippines: breaking the global care chain". Gender & Development. 19 (1): 11–22. doi:10.1080/13552074.2011.554196. ISSN 1355-2074.
  44. UN (2007). " A call for equality.". The state of the worlds children. pp. 1–15. Retrieved 2014-05-18
  45. "Gender and Migration: An Integrative Approach eScholarship]". Escholarship.org. Nakuha noong 2014-07-09.
  46. Leonard, John (2008-07-03). "OFW rights violation worsens under the Arroyo administration". Filipino OFWs Qatar. Sininop mula sa ang orihinal noong 2009-01-07. Nakuha noong 2009-01-25.