Palitan ng Balintawak

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balintawak Cloverleaf)
Jump to navigation Jump to search
Palitan ng Balintawak noong 1968.

Ang Palitan ng Balintawak (Ingles: Balintawak Interchange), na kilala rin bilang Trebol ng Balintawak (Balintawak Cloverleaf), ay isang dalawang lebel na palitang trebol sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing sangandaan sa pagitan ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at North Luzon Expressway (NLEx). Isa ito sa mga kauna-unahang proyekto ng Construction and Development Corporation of the Philippines (ngayon ay Philippine National Construction Corporation o PNCC).[1] Itinayo ito noong 1966 sa panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos bilang bahagi ng mga proyektong pang-imprastraktura na magpapalunas sa lumalaking pagsisikip ng trapiko bunsod ng dumaraming bilang ng mga sasakyan. Pinalitan nito ang dating rotonda na nagsilbing sangandaan noon sa pagitan ng EDSA, Abenida Bonifacio, at Lansangang Quirino. Binuksan ito sa mga motorista noong 1968.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°39′26.6″N 121°0′0.7″E / 14.657389°N 121.000194°E / 14.657389; 121.000194