Estasyon ng Balintawak ng LRT

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balintawak LRT Station)
Jump to navigation Jump to search
Balintawak
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Balintawak Station night.jpg
Estasyong Balintawak sa gabi
Estadistika ng estasyon
Direksiyon1179 EDSA, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Lungsod Quezon 1106
LinyaLRT Line 1
EstrukturaOverpass
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Iba pang impormasyon
BinuksanMarso 22, 2010
AksesibilidadHandicapped/disabled access
KodigoBW
Pagmamay-ari ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
Hangganan
Line 1
patungong Baclaran

Ang Estasyong Balintawak ng LRT (Ingles: Balintawak LRT Station) ay isang estasyon sa Unang Linya ng LRT. Itinayo ito noong Line 1 North Extension Project, at binuksan ito noong Marso 22, 2010. Ang estasyong ito, kasama na ang Estasyong Malvar, ay magsisilbi sa mga pasahero papunta at galing sa hilagang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng North Luzon Expressway.

Isa ang Balintawak sa dalawang estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod Quezon, ang isa pa ay Roosevelt.

Matatagpuan ang estasyon sa Barangay Apolonio Samson (Balintawak) sa harap ng Pamilihan ng Balintawak, at malapit sa hangganang Lungsod Quezon - Caloocan. Malapit ito sa Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway (NLEx).

Mga kalapit na palatandaang pook[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa mga pinakamalapit na pook ay Pamilihan ng Balintawak, EDSA-Cloverleaf Interchange, Bantayog ng Sigaw sa Balintawak, St. Joseph the Worker Parish Church, Wilcon Builders Depot at Balintawak Home Depot.

Mga kawing pangpanlalakbay[baguhin | baguhin ang batayan]

May ilang panlungsod at panlalawigan na bus na dumadaan hilaga ng Kalakhang Maynila, tulad ng Victory Liner, Baliwag Transit, at CEM Trans Services.

Estasyong Balintawak na tanaw mula EDSA.

Pagkakaayos ng Estasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

L2
Mga plataporma
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Gilid ng plataporma, nagbubukas ang mga pintuan sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan Pampublikong Pamilihan ng Balintawak

Mga koordinado: 14°39′26.44″N 121°0′14.26″E / 14.6573444°N 121.0039611°E / 14.6573444; 121.0039611