Balud (ibon)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Pink-bellied imperial pigeon
Pink-Bellied Imperial Pigeon.jpg
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Unrecognized taxon (fix): Ducula
Espesye:
Template:Taxonomy/DuculaD. poliocephala
Pangalang binomial
Template:Taxonomy/DuculaDucula poliocephala
(Gray, 1844)
Pink-bellied imperial pigeon
Scientific classification edit
Kingdom: Animalia
Phylum: Chordata
Class: Aves
Order: Columbiformes
Family: Columbidae
Genus: Ducula
Species:
D. poliocephala
Binomial name
Ducula poliocephala

(Gray, 1844)

Ang balud o pink-bellied imperial pigeon ( Ducula poliocephala ), ay matatagpuan sa Pilipinas . Ito ay isang malaking ibong kumakain ng prutas na umaabot sa mga sukat na hanggang 42cm ang haba.

Ang malaking bahagi ng balud ay kulay madilim na berde, maliban sa ulo na maputlang kulay-abo na ulo; tiyan na kulay-rosas, at buntot na may muwestra na kayumanggi, itim, at kulay-abo. Pula ang mga mata at ang ceres ng tuka nito. Ang balud ay naobserbahan nang makipaghalongpugad sa iba pang uri ng mga malalaking kalapati.

Paglalarawan[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang paglalarawan ng balud.

Sa pagsasalarawan ng Ebird, ang balud ay isang malaking kalapating matatagpuan sa bandang mga burol at sa tabing ng mga puno bandang ibaba ng kagubatang bulubundukin, na may puting ulo, dibdib at bandang itaas ng likod na madilim na maasul-abo na dibdib at itaas, pakpak na berden, mamuti-muting kulay-rosas tiyan, at kulay kalawang sa bandang ilalim ng tuntungan ng buntot. May malaking pulang singsing ito sa paligid ng mata. Medyo kahawig nito ang Mindoro imperial pigeon, ngunit ang bulad ay may maitim na leeg at dibdib. Ang huni ay isang malalim, madagundong, at pataas na "doo-dup! doo-dup!” na maririnig kahit sa malayo." Pinaniniwalaang malalakas na lumipad ang mga ibong ito at may kakayahang lumipad sa pagitan ng mga magkakalapit na isla.

Katayuan ng Tirahan at Konserbasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang likas na tiraha nito ay tropikal at halomigmig na Maulang gubat at sa mga bulubunduking gubat hanggang sa taas ana 1,500m. Ayon sa IUCN Red List at sa Red Book ng BirdLife International, ang balud ay inuri bilang near-threatened. Gayunpaman, inuri ng Philippine Red List ang ibong ito bilang Critically Endangered. Ito ay dahil sa pagkawala ng tirahan nito, sa paghuli nito para sa kalakal bilang alagang hayop, at sa pangangaso dito bilang pagkain. Bagama't ito ay pangkaraniwan sa loob ng Pilipinas, ang espesye na ito ay kakaunti at malamang ay may kaliitang populasyon, na pinaghihinalaang nasa may kabilisan ang pagbaba dahil sa pangangaso at ang pagkasira ng tirahan nito sa kagubatan sa mababang bulubundukin. Ang ibong ito ay napakabihira sa Luzon, ngunit mas madalas makita sa Negros Island, Mindoro, Samar at Mindanao. Ito ay naubos sa Cebu .

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 BirdLife International (2016). "Ducula poliocephala". 2016: e.T22691611A93318553. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22691611A93318553.en. {{cite journal}}: Kailangan ng cite journal ang |journal= (help); Kailangan ng |access-date= ang |url= (help) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "iucn status 12 November 2021" na may iba't ibang nilalaman); $2