Banal na Bata ng Cebu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Banal na Bata ng Cebu
Santo Niño de Cebu
Original Image of the Santo Niño de Cebu.jpg
Orihinal na imahen ng Señor Santo Niño de Cebú
LokasyonCebu, Pilipinas
PetsaIka-21 ng Abril, 1521
SaksiFerdinand Magellan
Antonio Pigafetta
Raha Humabon
UriRebultong kahoy
IpinagtibayPapa Inocencio XIII
Papa Pablo VI
Papa Juan Pablo II
Papa Francisco
DambanaBasilica Menor del Santo Niño
Mga katangiankorona, setro, orbe, madilim na balat, pulang magulang na manta

Ang Banal na Bata ng Cebu o Santo Niño de Cebú ay isang Katolikong Romanong titulo ng Batang Hesus na nauugnay sa isang banal na imahen ng Batang Kristo[1] na malawak na pinipitagan bilang mapaghimala para sa mga Katolikong Pilipino.[2][3] Ito ay pinakamatandang artipakto sa Pilipinas,[4] na ito ay isang handog mula sa manggagalugad na si Ferdinand Magellan kay Rajah Humabon at kanyang punong asawa bilang kabuluhan ng kanilang pagbibinyag noong 1521.[5]

Ang madilim na rebultong kahoy ay may sukat na humigit-kumulang na labindalawang pulgadang taas, at nakaukit sa istilong Plamengko. Ito ay naglalarawan ng Batang Hesus, sa matahimik na mukha, at nakadamit na monarkong Kastila.[5][6] Ang imahen ay nakaregalyang imperyal, kabilang ang ginintuang korona, orbe, at mga iba-ibang setro, nagsusuot ng mga magagandang damit, at nagtataglay ng mga alahas na karamiha'y hinandugan ng mga deboto sa loob ng maraming dantaon.

Iginawad ni Papa Pablo VI ang imahen ng Koronasyong Kanonika noong Ika-28 ng Abril, 1965 at kinabukasan itinaas ang dambanang ito sa katayuan ng Basilikang Minor noong Ika-2 ng Mayo, 1965 sa pamamagitan ng kanyang Bulang pampapang Cubanula Religionis bilang palatandaan ng ikaapat na sentenaryo ng Kristiyanismo sa Kapuluang Pilipinas.[7][8][9]

Ang imahen ay kinokopya sa mga iba't ibang bahagi ng bansa na may iba-ibang titulo at isa sa mga pinakamamahal at lubos na kinikilalang imaheng pangkulturang Pilipino. Ang taunang kapistahang pagsasayaw ng Sinulog ay idinadaos tuwing Enero sa ikatlong Linggo sa karangalan nito.[5][10] Sa kasalukuyan, ang tunay na imahen ay permanenteng nakapaloob sa salaming di-matamaan ng bala sa loob ng kapilyang ito sa loob ng Basilikang Minor ng Santo Niño. [11]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang imahen ng Santo Niño de Cebú ay tubong ginawa ng mga artesanong Plamengko, ayon sa hagyograpiya, batay sa isang pangitain ni Santa Teresa ng Avila, isang mistiko ng ika-16 na dantaon.[12]

Noong unang bahagi ng 1521, Si Ferdinand Magellan, ang Portuges na manggagalugad na naglilingkod para kay Carlos V ng Espanya, ay nasa kanyang paglalayag upang hanapin ang rutang pakanluran patungong Kapuluang Palabukan (Spice Islands). Noong Abril 7, 1521, siya ay nakalapag sa Limasawa, Katimugang Leyte, at nakilala ng isang lokal na pinuno na nagngangalang Raha Kulambu, na ipinakilala sa kanya kay Raha Humabon, pinuno ng Pulong Cebu, at ang kanyang punong asawa, Hara Humamay. Noong Abril 14, 1521, naghandog si Magellan sa kanila ng tatlong handog: isang Ecce Homo (Bustong Garing ni Hesus), isang imahen ng Birheng Maria at ang Santo Niño bilang bahagi ng kanilang binyag, at isang madiskarteng alyansa para sa pananakop ng teritoryo. Bilang pinunong punong-abala na pinagtibay ang pananampalatayang Katoliko, tinanggap niya ang pangalang Kristiyano ng Carlos (hango kay Haring Carlos V), habang si Humanay ay nabinyagang Juana (hango kay Juana I ng Castilla, ina ni Carlos V).[13][14] Ayon kay Antonio Pigafetta – kasamahan ni Magellan at manunulat ng talambuhay, kasabay sa pinuno, halos limandaang lalaki, kasabay sa Reyna at apatnapung babae ay ginawang Kristiyano ni Padre Valderrama. Sa seremonya, halimbawa, si Raha Kulambu ng Limasawa ay naging Kristiyano at muling pinangalang Don Juan, habang ang kanyang kapitang Muslim ay nanging Don Cristobal.[15]

Ilang araw pagkatapos ng binyag, nagsagawa si Magellan ng isang ekspedisyong pandigmaan sa ngalan ng bagong pangalang Carlos,[16] nilusob ang Pulong Mactan at sinunog ang mga nayon na nilabanan. Ang mga mamamayan na pinamunuan ni Lapu-Lapu ay sinalag ang mga lusob ni Magellana na may puwersa, at namatay si Magellan noong Abril 27, 1521 sa Labanan ng Mactan, halos tatlong linggo pagkatapos ng kanyang pagdating sa Pilipinas.[17] Pagkatapos ng kamatayan ni Magellan, iniwan ng kanyang mga kasamahang Kastila.[18]

Ang sumunod na ekspedisyong Kastila ay dumating noong Abril 27, 1565, muli upang makakuha ng isang panghahawakan para sa kolonya upang mangalakal ng mga sangkap-pampalasa, at ito ay pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi. Inato niya ng isang mapayapang kolonisasyon, nguni't ang mga pagsisikap nito ay tinanggihan. Pinutukan niya ang Cebu at sinunog ang bayan sa baybayin na nakawasak ng 1,500 tahanan at marahil nakapatay ng 500 katao.[19] Sa mga labi ng pagkasira nito, natagpuan ni Juan Camus, isang marinerong Kastila, ang imahen ng Santo Niño sa isang kahong gawa sa pino. Ayon sa lokal na alamat, ang kaligtasan ng imahen ay nakita bilang tanda ng himala ng mga mananakop, at magmula noon ito ay pinaniwalaang may mapaghimalang kapangyarihan.[20]

Ang imahen ng Santo Niño ay pinakalumang nakaligtas na relikong Katoliko sa Pilipinas, kasama ng krus ni Magallanes.[21] Itinayo ang simbahan upang bahayin ang Santo Niño sa lugar na natagpuan ang imahen ni Juan Camus. Ang simbahan ay unang ginawa sa kawayan at bakawan at inaangking pinakalumang parokya sa Pilipinas. Itinayo ulit ito kalaunan, at itinaas ito ni Papa Pablo VI sa katayuan ng Basilikang Minor sa Ika-400 Pagdiriwang (Kastila: Basílica Menor del Santo Niño).[7]

Kapistahan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga debotong tumutungo sa Basílica Menor del Santo Niño sa panahon ng mga pagsisiyam na misa.

Ang kapistahan, lokal na kilala bilang Fiesta Señor, ay nagsisimula sa Huwebes pagkatapos ng Kataimtiman ng Epipanya. Taun-taon, nagsisimula ang pagdiriwang sa isang prusisyon ng madaling araw kung saan ang imaheng replika ng Santo Niño de Cebú ay dinadala sa mga kalsada. Sinundan ito ng mga pagsisiyam na Misa, na umaabot sa siyam na araw.

Sa umaga ng vísperas (ang araw bago ang kaganapan) ng kapistahan, ang mga imahen ng Santo Niño de Cebu at Nuestra Señora de Guadalupe de Cebú ay ibinalik sa Lungsod Cebu sa isang prusisyon sa ilog na nagtapos na may muling pagsasagawa ng unang Misa at binyag sa mga pulo. Sinundan ito ng isang malaki nguni't mataimtim na prusisyon sa paa sa hapon, na nagtatapos sa isang Misang Pampuntipikang na ipinagdiriwang nang sama-sama ng mga obispo at mga pari. Ang maringal na Pistang Sinulog ay pagkatapos idinadaos sa sumunod na Linggo.

Ang ritong Hubo[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang prusisyong Sinulog ay kabilang sa pagsasayaw at kapistahan bilang pagbigay-galang kay Santo Niño. Sa itaas, isang kalahok ng Sinulog ay nagdadala ng kopya ng imaheng Santo Niño.

Ang kapistahan ay opisyal na nagtatapos sa Biyernes pagkatapos ng araw ng kapistahan ng imahen, at itinatandaan ito ng nakaugaliang ritong Hubo (Sugbuhanon, "paghubad"). Habang nagmimisa, ang mga pari't sakristan ng basilika ay hinubad nang maseremonya at mapitagan ang kasuotan pangkapistahan at regalya ngSanto Niño.

May mahigpit na ayos ng paghuhubad ng imahen: una tatanggalin ang korona, sinundan ng orbe at setro; kasunod ang kapa; pagkatapos ang sintas at tunika, at sa huli, ang mga panloob na damit. Magbibigkas ang pari ng maikling petisyon bago ang bawat pagtanggal, na may tanda ng isang masayang kidkid ng tambol (drum roll). Kasunod na aawit ang pari ng Christe exaudi nos ("Kristo, pakapakinggan Mo kami" sa wikang Latin).

Ang pari ay kasunod na tinataas ang imahen bilang paggalang, dahan-dahang nilulublob sa isang palanggana ng agwa-plorida nang apat na beses, at pinupunasan ito nang tuyo. Kasunod na dinadamit niya sa isang payak na magkakasamang mga sutana, at ipinalitan ang regalya sa baligtad na ayos ng paghuhubad. Sa pagpapalit ng bawat aytem, sinasabay niya ng panalangin at pinamunuan ang konggregasyon sa pag-aawit ng koro ng Laudes Regiæ: Christus Vincit; Christus Regnat; Christus, Christus Imperat ("Si Kristo'y Naglulupig; Si Kristo'y Naghahari; Si Kristo'y Nag-uutos"). Ang mga kidkid ng tambol ay kasunod na ipinapahayag ang sandali habang sinusuot ang insignya.

Ang rito ay naipaliwanag bilang palatandaan ng pagkakumbaba ni Kristo, at sa bahagi ng indibidwal na mananampalataya, dapat itong magbigay ng inspirasyon sa isang panloob, ispirituwal na pagbabago. Noong 1990 lamang ito nang ang mga Agustinong pari na unang nag-aalaga ay ginawang pampubliko ang rito. Ang Misa ng Hubo sa kasalukuyan ay idinadaos sa Biyernes kasunod ang araw ng kapistahan sa Sentrong Peregrino sa labas ng Basilika, at ang mga misang kasunod ay pangkalahatang tinatandaan ang pagwawakas ng mga mahahabang pagdiriwang.[22]

Pagsang-ayong pampuntipika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang orihinal na petsa ng kapistahan para sa imahen ay Abril 28, nguni't sa ika-18 dantaon, nagawa ang mga sumusunod na pagbabago:

  • Si Papa Pablo VI ay naglabas ng isang Koronasyong Kanonika para sa imahe noong Ika-28 ng Abril, 1965 sa pamamagitan ng Legatong pampapa. Sa pamamagitan ng Bulang pampapa "Ut Clarificetur", inangat ng kagayang Pontipiko ang santwaryo sa Basilikang Minor noong Ika-2 ng Mayo, 1965.
  • Si Papa Juan Pablo II ay nagbigay ng kanyang pagkatig na pampapa para sa imahen sa kanyang Misa para sa Pamilya noong 1981.[23]
  • Si Papa Francisco ay nag-endorso muli ang imahen at tinawag ang Santo Niño "tagapagtanggol" ng Pilipinas, sa kanyang homilya sa Liwasang Rizal.[24]

Mga Parangal Pangmilitar[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong panahon ng pananakop ng Kastila, nabigyan ang Santo Niño ng mataas na ranggo ng militar ng Kapitan-Heneral, na may buong titulong "Celentísimo Capitán General de las Esfuerzas Españolas en Filipinas" (Ang Pinakakatangi-tanging Kapitan-Heneral ng Hukbong Kastila sa Pilipinas). [25] Sa kadahilanang ito, ang imahen ay dinamitan sa pulang kapa at sintas, na sumasagisag ng ranggo ng isang heneral, at mga botang pangmilitar.[26]

Sa kasalukuyan, ang ranggo na tinawag na Celentisimo Capitan General de las Esfuerzas en Filipinas, na may "Españolas" ay nilaglag, ganito ang pagsasalin sa Ang Pinakakatangi-tanging Kapitan-Heneral ng Hukbong Kastila sa Pilipinas.[27] Dagdag pa, ang imahen ay pinarangalan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na may titulang "Poong Admiral ng Dagat" sa panahon ng ika-446 na pagdiriwang ng imaheng Kaplag ("paghahanap" or "muling pagtuklas") noong 2011.[28][29] Ginawa ito bilang pagkilala sa "pagkapanginoon sa mga mandaragat, mga marino at ang ekolohiyang pandagat" ni Cristo. Ang imahen ay dinala sa barkong hukbong-dagat na BRP General Emilio Aguinaldo (PG-140) para sa paradang pandagat, itinakdang unang pagkakataon ang sariling bandilang panghukbong-dagat na nagdadala ng iskudo na lumilipad ng lunawang panghukbong-dagat ng Pilipinas. Ang parangal ay isang magkasamang pagsisikap ng Sentral ng Puwersang Panghukbong-Dagat, Tanod-baybayin ng Pilipinas-Distrito ng Cebu, Pangasiwaang sa mga Daungan ng Cebu, Pambansang Pulisya ng Pilipinas Pangkat Pandagat, bukod sa iba pa. [30]

Pagtangkilik[baguhin | baguhin ang batayan]

Orihinal na imahen ng Birhen ng Guadalupe ng Cebu

Ang Santo Niño ay lubos na itinuturing opisyal na pintakasi ng Cebu, subali't isinasawata ng Simbahan sa Pilipinas ang paniwala at nilinaw na hindi ito isang representasyon ng isang santo na namamagitan sa Poong Maykapal ngunit sa halip ang Diyos sa katauhan ni Hesus. Sa halip, ipinahayag ng Arsobispo ng Cebu, Kardinal Ricardo Vidal, ang Birhen ng Guadalupe ng Cebú bilang pangunahing patrona ng Cebu noong 2002.

Ang pamimintuho sa Santo Niño ay karaniwan kasabay ang pandaigdigang pamimintuho sa Batang Hesus ng Praga. Matatagpuan ang imahen sa mga bahay, mga establisyamento, at pampublikong transportasyon. Kinakaugalian, ang imahen ay madalas nakadamit sa isa sa dalawang kulay: ang pula ay karaniwan para sa mga pantahanang imahen, samantala ang luntian – sumasagisag ng magandang kapalaran – ay sinusuot ng mga nagdadambana sa mga kalakala't negosyo. Madalas din itong dinadamitan ng mga munting kasuotan na madalas sumasalamin sa propesyon ng mga deboto nito tulad ng mga manggagamot, nars, pulis, o mga guro. Ang isa pang kilalang pagkakaiba ay ang Batang Hesus ng Atocha kung saan ang bansa ay natatangi sa pusturang nakatayo kaysa sa nakaupo tulad sa bersyong Kastila.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Bautista, Julius (2006). "Ang Paghihimagsik at ang Imahen: Mga Banal na Himagsikan sa Pilipinas". Pahayagang Asyano ng Agham Panlipunan. Brill Academic Publishers. 34 (2): 291–310. doi:10.1163/156853106777371166.
  2. Sally Ann Ness (2016). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. mga pa. 71–73. ISBN 978-1-5128-1822-2.
  3. Damiana L. Eugenio (2007). Panitikang Pambayan ng Pilipinas: Isang Antolohiya. The University of the Philippines Press. mga pa. xxvii, 226–228. ISBN 978-971-542-536-0.
  4. Jan van Harssel; Richard H Jackson; Lloyd E. Hudman (2014). National Geographic Learning's Visual Geography of Travel and Tourism. Cengage. pa. 504. ISBN 978-1-133-95126-1.
  5. 5.0 5.1 5.2 Jonathan H. X. Lee; Kathleen M. Nadeau (2011). Encyclopedia of Asian American Folklore and Folklife. ABC-CLIO. mga pa. 405–406. ISBN 978-0-313-35066-5.
  6. Sally Ann Ness (2016). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. pa. 63. ISBN 978-1-5128-1822-2.
  7. 7.0 7.1 Birgit Mersmann; Alexandra Schneider (2009). Imahen ng Paghahatid: Biswal ng Pagsasalin at Ahensyang Pangkultura. Mga Iskolar na Cambridge. mga pa. 15–17. ISBN 978-1-4438-0471-4.
  8. Sally Ann Ness (2016). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. mga pa. 63–67. ISBN 978-1-5128-1822-2.
  9. Sally Ann Ness (2016). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. pa. 66. ISBN 978-1-5128-1822-2., Panipi: "Bilang kilos ng paggalang, ang mga peregrino ay lalapit sa imahen upang magbigay ng halik o mapagmahal na haplos sa paanan ng paninindigan ng imahen, nagbibigay-kasiyahan sa panghuling pakay ng kanilang paglalakbay: makalapit sa Santo Niño de Cebú".
  10. Geoffrey Wainwright (2006). Ang Kasaysayang Oxford ng Pagsambang Kristiyano. Oxford University Press. pa. 674. ISBN 978-0-19-513886-3.
  11. Bryan Christy (2012), Pagsamba sa garing, National Geographic; Panipi: "Ang mga ibang Pilipino ay naniniwala na ang Santo Niño de Cebu ay si Kristo mismo. Ipinahayag ng mga ikalabing-anim na dantaong Kastila na ang imahen ay mapaghimala at ginamit upang magpasampalatya ang bansa, ang iisang rebultong kahoy, nagtatahan ngayon na pinalibutan ng salaming di-tinatamaan ng bala sa Basílica Minore del Santo Niño ng Cebu, ay ginawang ugat mula kung saan ang lahat Katolisismong Pilipino ay lumaki. Mas maaga sa taong ito ang isang paring pampook ay sinabihang magbitiw pagkatapos nagpayo umano sa mga parokyano na ang Santo Niño at mga imahen ng Birheng Maria at iba pang mga santo ay mga istatwa lamang gawa sa kahoy at semento."
  12. Birgit Mersmann; Alexandra Schneider (2009). Imahen ng Paghahatid: Biswal na Pagsasalin at Ahensyang Pangkultura. Cambridge Scholars Publishing. pa. 13. ISBN 978-1-4438-0471-4., Panipi: Ang imaheng Santo Niño, ang minamahal na bagong imahen, na natagpuan sa kanyang lugar sa kanilang mga katutubong kamag-anak sa tahanan ng Raha, ay produkto ng mga artesanong Plamengko..."
  13. Birgit Mersmann; Alexandra Schneider (2009). Imahen ng Paghahatid: Biswal na Pagsasalin at Ahensyang Pangkultura. Cambridge Scholars Publishing. mga pa. 12–14. ISBN 978-1-4438-0471-4.
  14. Sally Ann Ness (1992). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. mga pa. 61–63. ISBN 0-8122-3110-4.
  15. Samuel Eliot Morison (1986). Ang Mga Dakilang Manggagalugad: Ang Europeong Pagtuklas ng Amerika. Oxford University Press. pa. 639. ISBN 978-0-19-504222-1.
  16. Mark A. Stevens (2000). Merriam-Webster's Collegiate Encyclopedia. Merriam-Webster. pa. 305. ISBN 978-0-87779-017-4.
  17. Samuel Eliot Morison (1986). Ang Mga Dakilang Manggagalugad: Ang Europeong Pagtuklas ng Amerika. Oxford University Press. mga pa. 641–644. ISBN 978-0-19-504222-1.
  18. Samuel Eliot Morison (1986). Ang Mga Dakilang Manggagalugad: Ang Europeong Pagtuklas ng Amerika. Oxford University Press. mga pa. 645–653. ISBN 978-0-19-504222-1.
  19. Nicholas Tarling (1999). Ang Kasaysayang Cambridge ng Timog-Silangang Asya. Cambridge University Press. mga pa. 85–86. ISBN 978-0-521-66370-0.
  20. Sally Ann Ness (2016). Katawan, Kilusan, at Kultura: Kinestetiko at Biswal na Simbolismo sa Pamayanang Pilipino. University of Pennsylvania Press. mga pa. 62–63. ISBN 978-1-5128-1822-2.
  21. Norbert C. Brockman (2011). Ensiklopedia ng mga Banal na Lugar, Ika-2 Paglilimbag. ABC-CLIO. mga pa. 494–495. ISBN 978-1-59884-655-3.
  22. Cebu Daily News, Cebu Daily News (21 Enero 2012). "'Hubo ipinapakita ng pagkakumbaba ni Sto. Niño'". Inquirer.net. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Enero 2016.
  23. "Apostolikong Paglalakbay sa Malayong Silangan, Homilya para sa mga pamilya ng Juan Pablo II, 19 Pebrero 1981".
  24. http://cebudailynews.inquirer.net/50191/sto-nino-reminds-us-we-are-gods-children
  25. "'Lucky to find Sto. Niño'".
  26. "Sto. Niño de Cebu: El Capitan General".
  27. Sa Malacañan sa Sugbu, ang isang patrol na bapor, ang RPS Heneral Emilio Aguinaldo na kauna-unahang barkong hukbong-dagat na gawa sa Pilipinas ay naghihintay sa pagdating, ang mga karangalang pandagat na tinawag na "mga lalaki sa tabi" ay nabigyan bilang El Capitan General na sumakay sa lunawang pandagat. Itinaas ang watawat ng Santo Niño. Ito ay unang pagkakataon na ang sagisag ng Celentisimo Capitan General de las Esfuerzas en Filipinas ay pinapalipad ng barko ng Hukbong-Dagat ng Pilipinas. Ang barkong Tanod-baybayin at ang isang paysanong yate ay pumarada rin sa tabi ng barkong hukbong-dagat bilang bahagi ng kumboy. Isinara ng Tanod-baybayin ang Dagat-lagusan ng Mactan para sa okasyon." - Señor Santo Niño bilang El Capitan General: Poong Admiral ng Dagat
  28. http://archives.pia.gov.ph/?m=1&t=1&id=49150&y=2011&mo=10
  29. http://www.philstar.com/cebu-news/2013/01/17/897988/sto.-nino-de-cebu-el-capitan-general
  30. "Hukbong-Dagat ipinarangal si Sto. Niño bilang kapitan - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Tinago mula sa orihinal noong 2014-10-06.