Bagumbayan, Taguig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Barangay Bagumbayan,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Bagumbayan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayDelio Javier Santos
Pook ng orasGMT (UTC+8)
Pook palahudyatan02

Ang Barangay Bagumbayan (PSGC: 137607002) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong panahon ng Kastila, palibhasa’y kagubatan ang lugar na ito. Walang mangahas manirahan dito maliban sa pamilya ng Tanyag at Garcia na galing pa sa nayon ng Tipas. Noon nagsimulang manirahan dito kaya’t ito'y itinatag ng pamahalaan ng kastila na isang barangay ng bayan ng Taguig, palibhasa’y huling natatag kaya’t ito ay tinawag na Bagong Bayan o Bagumbayan. Unang naging “Cabeza de Barangay” si Ginang Cererina San Juan at ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao dito ay ang pangingisda at pagsasaka. Sumunod na nanungkulan bilang Cabeza de Barangay o Tinyente del Barrio ay ang mga sumusunod: Tandoy Sta. Teresa, Lelay Sta. Teresa at Cepruto Marcelo. Noong panahon ng Amerikano at panahon ng hapon, si Laureano Garcia ang nanungkulan bilang Tinyente del Barrio at sinundan ng mga magigiting na lalaking ito: Victor Padsisihan, Segundo Magundayao, Arturo Tanyag, Francisco Javier, at Nicanor Garcia. Bagamat huling barangay na natatag, pinagkatiwalaan ng mga mamamayan ng buong Taguig na manungkulan bilang konsehal ng bayan ng mga taong ito, Elino Cruz, Benito Garcia, Cerilo P. Santos, Arsenio Javier, Jose Aquino, Francisco dela Rosa, Francisco Tortosa, Claudio Marcelo at Rufino Dacumos.

Taong 1958, ang nayon ay tinawag na “Sleeping Town” sapagkat napakabagal ng pagsulong ng kabuhayan ng mga tao.

Nang dumating ang taong 1959, nagkaroon ng ibang kasiglahan ang mga taga-nayon sapagkat biglang tumaas ang halaga ng lupa na dati’y pinagsasakahan o nakatiwangwang lamang. Ipinagawa ng pamahalaan ang South Super Hi-way at dahil dito ay maraming korporasyon ang bumili ng lupa upang pagtayuan ng pagawaan at ng tanggapan. Noong panahon na iyon nanungkulan si G. Augusto Ma. Garcia bilang Pangalawang Punongbayan at sinundan ng kanyang pinsang Nicanor Garcia. At mula noon ay umunlad at nakilala ang Barangay Bagumbayan.

Ang Patron ng Bagumbayan ay Sagrada Familia at sa kasalukuyan ang barangay na ito ay nasasakupan ng parokya ng Banal na Rosaryo

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mababang Paaralan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • C.M. School, Inc.
  • C.P. Sta. Teresa Elementary School

Mataas na Paaralan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Bagumbayan National High School
  • Mt. Moriah Christian Academy
  • St. Francis of Assisi College System
  • St. Ives School Private


Pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sangguniang Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Kapitan: Delio Javier Santos
  • Kagawad ng barangay:
    • Jesus Jessie T. Concepcion
    • Warren T. Delos Santos
    • Edgardo T. Cruz
    • Sergio B. Cruz
    • Oscar C. Mariano
    • Carmie M. Ogalinola
    • Elmer A. Pagsisihan

Sangguniang Kabataan[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Tagapangulo : Ejay A. Javier
  • Mga Konsehal:
    • Rovina Jane M. Santos
    • Kady E. Gonzales
    • Michael Angelo P. Lopena
    • Elsha Precious C. Naoe
    • Willie Johnson O. Dayot
    • Martin Jhay S. Andrade
    • Jhonniel E. Castillo
  • Kalihim: Jay RJ Eric R. Bernal
  • Ingat-Yaman: Alberto L. Cruz Sr.


Tingnan rin[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]