Pumunta sa nilalaman

Baste Duterte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sebastian Duterte
Duterte noong 2022
Ika-22 Alkalde ng Lungsod ng Dabaw
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hunyo 30, 2025[a]
Bise alkaldeKanyang sarili
Rigo Duterte (Umaakto)
Nakaraang sinundanRodrigo Duterte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2022 – Bise alkalde 30, 2025
Bise alkaldeJ. Melchor Quitain Jr.
Nakaraang sinundanSara Duterte
Sinundan niRodrigo Duterte
Bise alkalde ng Lungsod ng Dabaw
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hunyo 30, 2025
AlkaldeRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanJ. Melchor Quitain Jr.
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2019 – Hunyo 30, 2022
AlkaldeSara Duterte
Nakaraang sinundanBernard Al-ag (umaakto)
Sinundan niJ. Melchor Quitain Jr.
Mga posisyon sa partido
Pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Hunyo 16, 2025[b]
Nakaraang sinundanRobin Padilla
Ehekutibong Pangalawang Pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
Setyembre 5, 2024
Nakaraang sinundanRobin Padilla
Pansariling Detalye
Isinilang
Sebastian Zimmerman Duterte

(1987-11-03) 3 Nobyembre 1987 (edad 37)
Lungsod ng Dabaw, Pilipinas
PartidoPDP (2024–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
Hugpong ng Pagbabago (2018–kasalukuyan)
Hugpong sa Tawong Lungsod (partidong lokal; 2024–kasalukuyan)
RelasyonPamilya Duterte
Anak3
AmaElizabeth Zimmerman
InaRodrigo Duterte
TahananLungsod ng Dabaw, Pilipinas
EdukasyonKolehiyo ng San Beda (sekondarya)
Alma MaterUnibersidad ng Ateneo de Davao University (BA)
TrabahoPolitiko, negosyante

Si Sebastian "Baste" Zimmerman Duterte (ipinanganak noong Nobyembre 3, 1987) ay isang negosyante at politikong Pilipino na kasalukuyang nagsisilbing pansamantalang alkalde ng Lungsod ng Davao simula noong 2025. Dati na rin siyang nagsilbi sa parehong posisyon bilang ika-22 alkalde ng lungsod mula 2022 hanggang 2025.[1] Kasabay nito, siya rin ang kasalukuyang bise alkalde ng Davao simula noong 2025, isang posisyong hinawakan din niya mula 2019 hanggang 2022.

Siya ang bunsong anak ng ika-16 na Pangulo ng Pilipinas at dating alkalde ng Davao na si Rodrigo Duterte at ng dating asawa nitong si Elizabeth Zimmerman. Pumasok si Duterte sa politika noong 2019 nang tumakbo siya bilang bise alkalde nang walang kalaban. Matapos tumakbo ang kanyang kapatid na si Sara, na noon ay alkalde ng Davao, bilang pangalawang pangulo, siya ang pumalit sa kandidatura nito at nanalo nang may malaking lamang. Nang subukang bumalik ng kanyang ama sa pagka-alkalde ng lungsod, tumakbo siya bilang katambal nito at muling nagwagi. Dahil nananatiling nakakulong ang kanyang ama sa The Hague o Ang Haya, itinalaga siya ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) bilang pansamantalang alkalde.[2][3]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Duterte noong Nobyembre 3, 1987, sa Lungsod ng Davao. Siya ang bunsong anak nina Pangulong Rodrigo Duterte at Elizabeth Zimmerman, isang estewardesa o flight attendant na Pilipina na may lahing Aleman-Amerikano. Ang kanyang kapatid na si Paolo ay kasalukuyang kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Davao, habang si Sara naman ay kasalukuyang pangalawang pangulo ng bansa.[4]

Natapos ni Duterte ang kanyang hayskul sa Kolehiyo ng San Beda sa Maynila. Nag-aral siya ng pamamahalang legal sa parehong kolehiyo sa loob ng isang taon bago bumalik sa Davao upang kumuha ng kursong agham pampolitika sa Unibersidad ng Ateneo de Davao.

Noong 2019, tumakbo siya bilang bise alkalde ng Lungsod ng Davao nang walang katunggali, katambal ang kanyang kapatid na si Sara, na noon ay muling tumatakbo bilang alkalde sa ilalim ng tiket ng Hugpong ng Pagbabago.[5][6] Nagwagi ang magkapatid sa halalan.[7] Itinalaga siya bilang pansamantalang alkalde ng lungsod sa dalawang pagkakataon: mula Hulyo 19 hanggang Setyembre 17, 2019, at mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2020.[8][9]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Duterte ay isang manlalangoy at surfer (o manlalakad sa alon), at madalas magbahagi ng mga larawan ng kanyang pagsu-surf.[10] Noong 2017, inilunsad niya ang sariling palabas panlakbay na Lakbai sa TV5. Siya rin ang host (tagapamahala ng programa) ng podcast na Basta Dabawenyo mula nang ilunsad ito noong 2024.[11]

Bagamat hindi pa kasal,[1] si Duterte ay may tatlong anak, dalawa sa kanila ay sa kanyang matagal nang kinakasama.[12]

  1. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ni Rodrigo Duterte ay sinuspinde nang epektibo noong Hunyo 30, 2025, dahil sa kanyang kawalang-kakayahang manumpa sa tungkulin habang kasalukuyang nakakulong sa The Hague. Sa kanyang pagkawala, si Baste Duterte ang tumayong Pansamantalang Alkalde ng Lungsod ng Davao.
  2. Si Robin Padilla ay kasalukuyang nakaliban mula Hunyo 16, 2025, habang si Baste Duterte ang nagsisilbing pansamantalang humalili.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "DUTERTE, SEBASTIAN Z." (PDF). Commission on Elections (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 26, 2025.
  2. Rita, Joviland (2025-07-01). "DILG: Baste Duterte is acting Davao City mayor". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-07-01.
  3. Sampang, Dianne (2025-06-30). "Baste Duterte to serve as acting Davao City mayor – Comelec chief". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-07-01.
  4. "#HalalanResults: Duterte siblings sweep Davao City poll races". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Mayo 14, 2019. Nakuha noong Pebrero 27, 2021.
  5. "Sebastian Duterte running for Davao City vice mayor". Rappler (sa wikang Ingles). Oktubre 17, 2018. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.
  6. "With Baste in, 3 Duterte children seeking Davao posts". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Oktubre 17, 2018. Nakuha noong Oktubre 18, 2018.
  7. "Victory for all 3 Duterte children in Davao City". Rappler (sa wikang Ingles). Mayo 13, 2019. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.
  8. "Baste now acting mayor of Davao City". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Hulyo 22, 2019. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.
  9. "Baste Duterte acting mayor for 1 week". SunStar Davao (sa wikang Ingles). Setyembre 25, 2020. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.
  10. "Baste Duterte joins showbiz, stars in TV reality show". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Mayo 11, 2017. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.
  11. Sigales, Jason (Hulyo 23, 2025). "Baste Duterte dares PNP chief to a fistfight; Torre accepts the challenge". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 26, 2025.
  12. "Meet Baste Duterte's girlfriend, Kate Necesario". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2016. Nakuha noong Pebrero 28, 2021.