Batas ni Ohm

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang V, I, at R ang mga parametro ng batas ni Ohm.

Sinasaad ng Ohm's Law na ang kuryenteng dumadaan sa talaytayan sa pagitan ng dalawang punto ay tuwirang proposyonal sa potential difference sa pagitan ng dalawang puntong ito. Gamit ang resistance bilang konstant ng proporsyonalidad, makukuha ang karaniwang matematikal na ekwasyong nag-uugnay sa mga ito:

I = \frac{V}{R},

kung saan ang I ay ang kuryenteng dumadaloy sa talaytayan na nasusukat sa amperes, V ang potential difference sa magkabilang dulo ng talaytayang nasusukat sa volts at R ang resistance ng talaytayang nasusukat naman sa ohms. Higit pa rito, sinasaad ng batas ni Ohm na ang R sa ugnayang ito ay hindi nagbabago at hindi nakadepende sa kuryente.

Ang batas na ito ay ipinangalan sa pisisistang Aleman na si George Ohm na sa isang nalathalang kasulatan hinggil sa kaalaman noong 1827 ay naglarawan sa mga sukat ng inilapat na boltahe at simpleng elektrikal na sirkit na naglalaman ng iba’t ibang haba ng kawad ng kuryente. Nagpakita rin siya ng ekwasyong bahagyang mas komplikado upang ipaliwanag ang resulta ng mga eksperimento.

Sa pisika, ang terminong Ohm's Law ay ginagamit din upang tukuyin ang iba’t ibang mga pangkalahatang pahayag ng batas na naunang binalangkas ni Ohm. Ito ang pinakapayak na halimbawa nito:

J=σE

kung saan ang J ay katumbas ng current density sa isang lokasyon sa loob ng isang materyal na may mataas na sukat ng resistance, E ay ang electric field at ang σ (Sigma) ay ang conductance. Muling binalangkas ang Ohm's Law dahil kay Gustav Krichhoff.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]