Pumunta sa nilalaman

Bayani Casimiro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bayani Casimiro
Kapanganakan16 Hulyo 1918(1918-07-16)
Kamatayan27 Enero 1989(1989-01-27) (edad 70)
Trabahomananayaw at komedyante
Aktibong taon1936 - 1989
AsawaNieves Manuel
AnakBayani Casimiro, Jr.

Si Bayani Casimiro, Sr. (Hulyo 16, 1918 – Enero 27, 1989)[1] ay isang Pilipinong mananayaw na pangunahing artista sa bodabil noong dekada 30 at 40.[2] Kasama rin siya sa mga pelikulang musikal at ilang mga pelikulang pangkomedya. Tinagurian siyang "Fred Astaire ng Pilipinas" dahil sa pagsaywa niya ng tap dancing.[3][4]

Unang gumanap sa Excelsior Pictures ang Bayan at Pag-ibig. Isa ang ginawa niya sa Del Monte Pictures ang Rosa Birhen at sa Majestic Pictures ang Santa.

Nakadalawang pelikula siya sa X'Otic Pictures ang komedyang Manilena at ang katatakutang Halimaw.

Sa ilalim ng Sampaguita Pictures magkakaibang taon siya doon kung lumabas, ginawa niya ang So Long, America noong 1946, Vod-A-Vil nina Kathy dela Cruz at Tita Duran noong 1953, at ang Tres Muskiteras nina Aruray at Sa Isang Halik mo Pancho na isang Musikal naman ng mag-asawang Tita Duran at Pancho Magalona na kapwa taong 1954.

Taong 1947 ng lumipat siya sa LVN Pictures para simulan ang pelikulang Maling Akala ni Mila del Sol.

Nagpatuloy siya sa pelikula hanggang dekada 80s at sumikat din ang kanyang anak na si Bayani Casimiro Jr sa isang TV Sitcom ng Okey Ka, Fairy Ko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Marge Enriquez (1994). "Philippine Dance". Sa Nicanor Tiongson (pat.). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Bol. V (ika-1st (na) edisyon). Manila: Cultural Center of the Philippines. p. 201. ISBN 971-8546-28-6. {{cite ensiklopedya}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. Nicanor Tiongson (1994). "Philippine Theater". Sa Nicanor Tiongson (pat.). CCP Encyclopedia of Philippine Art. Bol. VII (ika-1st (na) edisyon). Manila: Cultural Center of the Philippines. p. 54. ISBN 971-8546-30-8. {{cite ensiklopedya}}: |access-date= requires |url= (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong)
  3. Fernandez, Doreen (2004-12-16). "Philippine Theater in English". NCCA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-01-16. Nakuha noong 2008-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Villaruz, Basilio Esteban (2004-12-16). "Philippine Dance in the American Period". NCCA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2006-01-17. Nakuha noong 2008-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)