Pumunta sa nilalaman

Bedelyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang bedelyo[1][2] o bedelio[3][4] (Ingles: bdellium; Ebreo: bedolach) ay mga uri ng halamang nagmula sa mga lupain ng Arabia, Babilonia, at India,[2], na napagkukunan ng dagtang kapag natuyo ay nagiging isang mabangong pagkaing nangangata, katulad ng pamamaraang ginagamit para sa pag-iipon ng mga katas ng halamang Commiphora myrrha (mira, myrrh). Kinikilalang ito ang mga uring Commiphora wightii, na tinatawag sa ngayong guggul, bagaman tinatawag ding mga bedelyo ang mga uring matatagpuan sa Aprika (ang Commiphora africana) at maging ang isang uring mula sa Indiya (ang Commiphora stocksiana). Tinatawag din itong Commiphora mukul (Miller). Mas mahal ang halaga ng mga Commiphora myrrha, subalit mas ginagamit para panghalo sa mga pabango ang bedelyong Commiphora wightii.[5]

Lumitaw ang bedelyo sa ilang mga sinaunang sanggunian. Sa wikang Akkadia, tinatawag itong budulhu.[6] Ang pinakaunang manunulat na bumanggit sa halamang ito ay si Theophrastus, na nasundan ni Plautus sa pamamagitan ng pagbanggit nito sa kandyang dulang Curculio. Nilarawan ito ni Pliny bilang isang "punong maitim ang kulay, at kasinglaki ng oliba; ang dahon ay katulad ng sa mga oak at ang bunga ay katulad ng sa ligaw na igos." Ginamit ng mga sinaunang mga manggagamot mula sa Galen hanggang kay Pablo ng Aegina, at sa Greater Kuphi.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Viklund, Andreas. Bedelyo, Ang Bagong Magandang Balita Biblia, Ang Banal na Kasulatan, Tipan.WordPress.com
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Bedelyo, Genesis 2:12, p. 13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bedelio". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Bedelio". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Genesis 2:12
  5. Miller, J. Innes. The Spice Trade of the Roman Empire (Ang Pangangalakal ng mga Panimpla ng Imperyong Romano), Oxford: Clarendon Press, 1969, pp. 69ff.
  6. Miller, Spice Trade, p. 69.
  7. Miller, Spice Trade, p. 71.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Iba pang mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dalby, Andrew. Food in the ancient world from A to Z (Pagkain mula sa matandang mundo mula A hanggang Z), Routledge, London/New York, 2003, ISBN 0415232597, pp. 226-227.

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]