Pumunta sa nilalaman

Belial

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Belial (Hebreo: בְּלִיַּעַל‎, Bəlīyyaʿal) ay katagang matatagpuan sa Lumang Tipan at Bagong Tipan at isang Diablo. Sa Apocryphon ni Juan, siya ang pinuno ng mundong ilalim. Ang etimolohiya ng Belial ay karaniwang isinasaling "walang halaga" [1] mula sa mga beli- (בְּלִי "walang-") at ya'al (יָעַל "magkaroon ng halaga"). Ito ay isinalin ng ilang iskolar na "walang halaga" (Beli yo'il) o "walang pamatok".[2] Sa Digmaan ng mga Anak na Lalake ng Liwanag Laban sa mga Anak na lalake ng Kadiliman, si Belial ang pinuno ng mga anak na lalake ng Kadiliman.[3][4] Sa Patakaran ng Pamayanan, si Belial ang nangangasiwa sa hanay ng mga demonyo na ibinigay sa kanya ng Diyos upang magsagawa ng kasamaan sa mundo.[5] Si Belial ay itinuring ring isang anghel[6]Ang kanyang presensiya ay matatagpuan sa Mga Iskrolyo ng Digmaan at isang puwersa na katunggali ng Diyos. Isinaad rito na "ang unang pagsalakay ng mga Anak na Lalake ng Liwanag ay isasagawa ng mga Anak ng Lalake ng Kadiliman na hukbo ni Belial."[7][8] Siya ay binanggit sa 2 Corinto 6:15:

At anong pakikipagkasundo mayroon si Kristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

Ito ay matatagpuan sa maraming manuskrito bilang Beliar (Βελιάρ) at hindi Belial (Βελίαλ) at ang Beliar ang pinili ng karamihan ng mga iskolar ng Bibliya.[9] Ang pagbabago ng -l sa -r ay karaniwang itinuturo sa karaniwang pagbabago sa bigkas na Aramaiko.[10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Metzger, Bruce M.; Coogan, Michael David, mga pat. (1993). Oxford Companion to the Bible. Oxford, England: Oxford University. p. 77. ISBN 978-0195046458.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. JewishEncyclopedia.com: Belial
  3. 1QM, Col. XIII (=4Q495 2), 10–12
  4. Martínez, Florentino García; Tigchelaar, Eibert J.C., mga pat. (2019). The Dead Sea Scrolls: Study Edition. Grand Rapids, Michigan: Wm. B. Eerdmans Publishing Company. p. 135. ISBN 978-0802877529.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dead Sea Scrolls 1QS III 20–25
  6. Martin, Dale Basil (2010). "When did Angels Become Demons?". Journal of Biblical Literature. 129 (4): 657–677. doi:10.2307/25765960. JSTOR 25765960.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 1Q33;1:1
  8. Nickelsburg, George (1981). Jewish Literature between the Bible and the Mishna.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Metzger
  10. Neil Forsyth The Old Enemy: Satan and the Combat Myth Princeton 1987 Page 201 "The form Beliar (c.g., 2 Cor. 6.15) is due to Syriac pronunciation."
  11. Marvin R. Vincent (1834–1922) Word Studies in the New Testament Part Three – Page 325 – 2004 "The form Beliar, which is preferred by critics, is mostly ascribed to the Syriac pronunciation of Belial, the change of 1 into r being quite common."