Benigno Aquino Sr.
Benigno S. Aquino | |
---|---|
Ika-6 na [[Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan]] | |
Nasa puwesto 25 Setyembre 1943 – 2 Pebrero 1944 | |
Nakaraang sinundan | Jose Yulo |
Sinundan ni | Jose Zulueta |
Kasapi ng Asembleyang Pambansa ng Ikalawang Republika ng Pilipinas mula sa Tarlac | |
Nasa puwesto 25 Setyembre 1943 – 2 Pebrero 1944 | |
Kalihim ng Agrikultura at Komersiyo | |
Nasa puwesto 1938–1941 | |
Kasapi ng Asembleyang Pambansa ng Pilipinas mula sa ika-2 Distrito ng Tarlac | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1941 – 30 Disyembre 1944* Naihalal, ngunit hindi nakapagsilbi sa termino dahil sa pagtatag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 30 Disyembre 1935 – 30 Disyembre 1938 | |
Pinuno ng Mayorya sa Senado ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 1931–1934 | |
Senador ng Pilipinas | |
Nasa puwesto 1928–1934 | |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa ika-2 Distrito ng Tarlac | |
Nasa puwesto 1919–1928 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 3 Setyembre 1894 Mucia, Tarlac, Pilipinas (kasalukuyang Concepcion, Tarlac) |
Yumao | 20 Disyembre 1947 Rizal Memorial Coliseum, Maynila, Pilipinas | (edad 53)
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | Partido Nacionalista Consolidato, KALIBAPI |
Asawa | Maria Urquico* Aurora Aquino |
Tahanan | Mucia, Tarlac |
Alma mater | Pamantasan ng Santo Tomas Kolehiyo ng San Juan de Letran |
Trabaho | Magsasaka, Politiko |
Propesyon | Abogado, Tagapagsilbing Sibil |
|
Si Benigno Simeon "Igno" Aquino, Sr.[1][2][3][4][5] (3 Setyembre 1894 – 20 Disyembre 1947), kilala rin bilang Benigno S. Aquino o Benigno S. Aquino, Sr., ay isang Pilipinong politiko na naglingkod bilang Ispiker sa Asembleyang Pambansa ng Ikalawang Republika ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1944.
Bago nito, siya ang nagsilbing komisyoner sa Kagawarang Panloob ng Philippine Executive Commission sa ilalim ng Hapon. Siya ay nagbitiw sa posisyong ito at kalaunang naging direktor-hineral ng KALIBAPI sa ilalim ng Hapon.
Siya ang ama ni Ninoy Aquino at lolo ng Pangulong Noynoy Aquino.
Karerang pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Benigno "Igno" Aquino ay nahalal bilang kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1919, 1922 at 1925 para sa ika-2 distrito ng Tarlac. Siya ay nahalal na Senado noong 1928 na kumakatawan sa ika-3 distrito ng mga probinsiyang Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Siya ay naging kasapi ng Philippine Independence Mission noong 1931 na naglalayong makamit ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Siya ay nahalal bilang kasapi ng pamahalaan ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Sa ilalim ng Pangulong Manuel L. Quezon, siya ay hinirang na Kalihim ng Agrikultura at Kalakalan.
Nang masakop ng mga Hapones ang Pilipinas, nakipagtulungan siya sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinangasiwaan niya ang partidong KALIBAPI. Siya ang nahalal na Ispiker ng Pambansang Asemblea ng Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Hapon.
Noong mga 1944, habang sumusulong ang mga puwersang Amerikano at Pilipino upang palayain ang bansa mula sa mga Hapones, ang mga opisyal ng pamahalaang Ikalawang Republika na kinabibilangan ni Aquino ay lumipat sa Baguio bago lumipad sa bansang Hapon kung saan sila nadakip at nabilanggo sa Bilangguang Sugamo nang sumuko ang Hapon sa mga Alyado ng Digmaan. Noong 25 Agosto 1946, si Aquino ay ibinalik sa Pilipinas upang humarap sa mga kasong pagtataksil. Siya ay pinayagang makapagpiyansa. Namatay siya noong 20 Disyembre 1947 sa atake sa puso habang nanonood ng larong boksing sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila at bago malitis sa kanyang kaso.[1]
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay nagpakasal kay Maria Urquico na anak ng katipunerong si Antonio Urquico at Justa Valeriano noong Mayo 1916. Sila ay nagkaroon ng apat na anak: Antonio Aquino (1917–1993), Servillano Aquino II (1919–1973), Milagros Aquino (1924–2001), at Erlinda Aquino.
Pagkatapos mamatay ng kanyang unang asawang si Maria noong Marso 1928, siya ay nagpakasal kay Aurora Aquino na ikatlong pinsan noong 6 Disyembre 1930. Sila ay nagkaroon ng 6 na anak:Maria Aurora (Maur), Benigno Aquino, Jr. (Ninoy), Maria Gerarda (Ditas), Maria Guadalupe (Lupita), Agapito (Butz), Paul, at Maria Teresa (Tessie).
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Karnow, Stanley (1989). "Benigno Aquino, Sr.". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Masterpieces in Philippine oratory, and lessons in public speaking (1938) Honorable BENIGNO S. AQUINO - Secretary of Agriculture and Commerce
- ↑ The Philippine Journal of Agriculture (1939) - Hon. BENIGNO S. AQUINO - Secretary of Agriculture and Commerce
- ↑ "I am the son of the late Benigno S. Aquino Sr, a former congressman, a senator, Cabinet member..." - Testament from a prison cell (1984) by Benigno S. Aquino, Jr.
- ↑ Speech delivered by the honorable speaker Benigno S. Aquino, Director-General of the KALIBAPI on constitution day 7 Setyembre 1944