Benjamin Netanyahu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Benjamin Netanyahu
Benjamin Netanyahu, February 2023.jpg
Kapanganakan21 Oktubre 1949
  • (Tel Aviv District, Israel)
MamamayanIsrael
NagtaposSuriang Pangteknolohiya ng Massachusetts
Trabahopolitiko, diplomata, estadista, military personnel, political writer, politologo, international forum participant
Pirma
Benjamin Netanyahu Signature.svg

Si Binyamin “Bibi” Ntanyahu (Ebreo: בנימין נתניהו), ipinanganak Oktubre 21, 1949 sa Tel Aviv-Yafo, ay ang ikasiyam na punong ministro ng Israel. Lumaki si Netanyahu sa Cheltenham, Pennsylvania at kilala siya sa personal niyang gamit na pangalan sa Inggles na Benjamin Netanyahu. Si Netanyahu ay nanilbihan bilang punong ministro ng tatlong beses: mula 1996 hanggang 1999, 2009 hanggang 2021, at nahalal muli noong Nobyembre 2022 na may kaunti pero panalong mayorya sa upuan ng parlamento.[1][2]

Nangakong maghahatid ng pagkakaisa sa bansa, ang kanyang mga reporma ay nagdulot ng iba't-ibang oposisyon at malakihang protesta laban sa kanyang administrasyon. Noong 2019, naakusahan si Netanyahu ng mga alegasyon ng korapsyon. Sinasabi na kumuha siya ng pondo mula sa mga mayayamang negosyante at binayaran niya ang iba't-ibang media at press outlet para makakuha ng positibong imahe. Siya'y napaharap sa paglilitis noong Mayo 2020.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Benjamin Netanyahu | Biography, Education, Party, Nickname, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-03.
  2. Gold, Richard Allen Greene,Amir Tal,Hadas (2022-11-07). "How a rule change helped Netanyahu win Israel's elections". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-03.
  3. "Benjamin Netanyahu, Israel's defiant leader". BBC News (sa wikang Ingles). 2012-05-09. Nakuha noong 2023-04-03.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]


Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.