Binaryong kasarian
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Ang binaryo ng kasarian [1](Ingles: sex binary o gender binary)[2] ay isang biyolohikal na balangkas na nag-uuri sa kasarian ng mga organismo na nagpaparami sa pamamagitan ng gampaning reproduktibo sa dalawang kategorya: lalaki at babae. Ang pangunahing batayan nito ay ang anisogamiya — ang pagkakaroon ng dalawang uri lamang ng gameto (selulang reproduktibo): ang maliit at maraming sperm o tamod (lalaki) at ang malaki at kaunting ovum o itlog (babae). Walang ikatlong uri ng gameto, kaya’t binaryo ang kasarian sa antas ng reproduksyon.[3]
Ang mga kondisyon ng intersex o disorders of sex development (DSD) ay bihirang pagkakaiba-iba sa loob ng binaryong sistema, hindi ebidensya ng “ikatlong kasarian” o third sex. [4][5]
Ebolusyon ng anisogamiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang anisogamiya ang pundasyon ng binaryong kasarian. Mula sa mas simpleng isogamy (parehong laki ng gameto), nag-ebolb ang dalawang magkaibang gameto dahil sa dalawang pangunahing puwersa:
- Kompetisyon ng gameto – pabor sa maliliit at maraming gameto (isperma).
- Kakulangan ng gameto – pabor sa malalaki at may maraming sustansya (ova).[6][7]
Ang ebolusyon na ito ay matatag at naobserba sa halos lahat ng sekswal na nagpaparaming organismo mula lumot hanggang mamalya.[8]
Biyolohikal na saligan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga mamalya kabilang ang tao, ang kasarian ay pangunahing tinutukoy ng mga kromosomang kasarian:
- XX → babae (likas na landas)
- XY → lalaki (dahil sa SRY hene sa Y kromosoma)[9]
Ang SRY hene ang nagsisilbing pangunahing tagapag-udyok na nagpapasimula sa pagbuo ng bayag; kapag wala ito, ang embriyo ay magkakaroon ng obaryo at babaeng anatomiya.[10]
Mga kondisyong Intersex o Differences of Sex Development (DSD)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga differences/disorders of sex development (DSD) o intersex ay mga bihirang medikal na kondisyon (tinatayang 0.018% ng populasyon) kung saan atipikal ang pag-unlad ng kromosoma, gonad, o genitalia. Gayunman, hindi ito lumilikha ng panibagong kasarian; kadalasan, malinaw pa rin kung alin sa dalawang landas ng pag-unlad (lalaki o babae) ang sinusundan. [11] Halimbawa, sa Klinefelter syndrome (XXY), ang indibidwal ay lalaki pa rin dahil sa presensya ng SRY.
Mga iba't ibang kritika at maling pakahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga alternatibong palagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]May ilang mananaliksik na nagsasabing ang kasarian (sex/gender) ay "spectrum" batay sa baryasyon sa kromosoma, hormona, o pangalwang katangian ng katawan.[12] Gayunpaman, itinuturing ito ng maraming biologong ebolusyonaryo at pangkaunlaran bilang category error dahil ang kahulugan ng kasarian sa biyolohiya ay nakabatay sa uri ng gameto, hindi sa continuum ng ibang katangian.[13]
Mga kritika sa di-binaryong palagay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga tulad nina Wright at Hilton (2020) ay nagsasabi na ang pagtanggi sa likas na dalawang anyo ng kasarian (sex denialism) ay mapanganib. Ayon sa kanila maaari itong makaapekto sa karapatan at proteksyon ng kababaihan, bata at pamayanan ng lalaki/babaeng homosekswal – lalo na sa mga lalaking peminino/mga babaeng maskulino. [14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino". www.kwfdiksiyonaryo.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-11-17.
- ↑ TagalogLang (2023-02-25). "KASARIAN (Tagalog)". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-12-07.
- ↑ Goymann, Wolfgang; Brumm, Henrik; Kappeler, Peter M. (2023). "Biological sex is binary, even though there is a rainbow of sex roles". BioEssays (sa wikang Ingles). 45 (2): 2200173. doi:10.1002/bies.202200173. ISSN 1521-1878.
{{cite journal}}: CS1 maint: article number as page number (link) - ↑ Sax, Leonard (2002). "How common is intersex? A response to Anne Fausto-Sterling". The Journal of Sex Research. 39 (3): 174–178. doi:10.1080/00224490209552139.
- ↑ Rehman, Rashad (2023-05). ""Intersex" Does not Violate the Sex Binary". The Linacre Quarterly. 90 (2): 145–154. doi:10.1177/00243639231155313. ISSN 0024-3639. PMC 10265381. PMID 37325430.
{{cite journal}}: Check date values in:|date=() - ↑ Lehtonen, Jussi; Parker, Geoff A. (2014). "Gamete competition, gamete limitation, and the evolution of the two sexes". Molecular Human Reproduction. 20 (12): 1161–1168. doi:10.1093/molehr/gau068.
{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: authors list (link) - ↑ Togashi, Tatsuya; Cox, Paul Alan, mga pat. (2011-04-14). "The Evolution of Anisogamy". doi:10.1017/cbo9780511975943.
{{cite journal}}: Cite journal requires|journal=() - ↑ Bachtrog, Doris; atbp. (2014). "Sex Determination: Why So Many Ways of Doing It?". PLoS Biology. 12 (7): e1001899. doi:10.1371/journal.pbio.1001899.
{{cite journal}}: Explicit use of et al. in:|author=()CS1 maint: article number as page number (link) CS1 maint: unflagged free DOI (link) - ↑ Kashimada, Kenichi; Koopman, Peter (2010). "Sry: the master switch in mammalian sex determination". Development. 137 (23): 3921–3930. doi:10.1242/dev.048983.
{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: authors list (link) - ↑ Barresi, Michael J. F.; Gilbert, Scott F. (2023-03-01), "Sex Determination and Gametogenesis", Developmental Biology, Oxford University Press, ISBN 978-0-19-757459-1, nakuha noong 2025-11-16
{{citation}}: CS1 maint: work parameter with ISBN (link) - ↑ Witchel, Selma Feldman (2018-04). "Disorders of sex development". Best Practice & Research Clinical Obstetrics & Gynaecology (sa wikang Ingles). 48: 90–102. doi:10.1016/j.bpobgyn.2017.11.005. PMC 5866176. PMID 29503125.
{{cite journal}}: Check date values in:|date=() - ↑ Hyde, Janet Shibley; Bigler, Rebecca S.; Joel, Daphna (2019). "The future of sex and gender in psychology". American Psychologist. 74 (2): 171–183. doi:10.1037/amp0000307.
- ↑ Goymann, Wolfgang; Kubke, M. Fabiana; Wingfield, John C. (2023). "A binary of me or not me – there is no spectrum". BioEssays. 45 (4): 2200173. doi:10.1002/bies.202200173. PMID 36718072.
{{cite journal}}: CS1 maint: article number as page number (link) - ↑ Hilton, Colin M. Wright and Emma N. (2020-02-13). "Opinion | The Dangerous Denial of Sex". Wall Street Journal (sa wikang Ingles). ISSN 0099-9660. Nakuha noong 2025-11-17.