Pumunta sa nilalaman

Abenida Bonny Serrano

Mga koordinado: 14°36′37″N 121°03′11″E / 14.6102777°N 121.0530555°E / 14.6102777; 121.0530555
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bonny Serrano Avenue)

Abenida Bonny Serrano
(Bonny Serrano Avenue)
Daang Santolan
(Santolan Road)
Abenida Bonny Serrano pasilangan mula 8th Avenue sa Cubao.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan
Haba4.42 km[1] (2.75 mi)
Bahagi ng
  • C-5 C-5 (bahaging Katipunan–E. Rodriguez)
  • N11 (bahaging Katipunan–E. Rodriguez)
  • N185 (bahaging EDSA-Abenida Katipunan)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye P. Guevarra / Kalye Pinaglabanan sa San Juan
 
Dulo sa silangan N11 (Abenida Eulogio Rodriguez Jr.) / Daang FVR sa Marikina
Lokasyon
Mga lawlawiganKalakhang Maynila
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon at San Juan
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida Koronel Bonny Serrano (Ingles: Colonel Bonny Serrano Avenue), na mas-kilala bilang Abenida Bonny Serrano (Ingles: Bonny Serrano Avenue), ay isang pangunahing lansangan mula silangan pa-kanluran sa Distrito ng Silangang Maynila ng Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan sa pagitan ng Lungsod ng San Juan at Lungsod Quezon. Apat ang mga linya nito at ang haba nito ay 4.42 kilometro (2.75 milya). Bumubuo ito sa hilagang hangganan ng San Juan at katimugang hangganan ng New Manila at Cubao ng Lungsod Quezon at nag-uugnay ng himpilan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) sa Kampo Crame sa himpilan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo. Dumadaan ang abenida mula sa hangganan ng mga barangay ng Corazon de Jesus, St. Joseph, at Little Baguio sa San Juan sa kanluran hanggang sa mga nayon ng Libis at Blue Ridge B sa Lungsod Quezon, malapit sa hangganan nito sa Marikina, sa silangan.

Ang Abenida Bonny Serrano ay dating tinawag na Carretera de Santolan (o Santolan Road) na dumaan mula sa Santolan pumping station sa Ilog Mariquina hanggang El Deposito water reservoir sa San Juan del Monte, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa mga residente ng Maynila noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Itinayo ito noong mga 1901 noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano, sa halagang $150 (o ₱150).[2] Noong 1935, ang daan na kilala din noon bilang San Juan–Santolan Road, ay naging lokasyon ng Kampo Murphy, ang himpilan ng Departamento sa Pilipinas ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at di-kinalaunan, ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas. Ang nasabing kampo ay pinangalanan mula kay gobernador-heneral Frank Murphy. Ang kampo militar ay naging Kampo Aguinaldo at Kampo Crame noong nakamit ng Pilipinas ang kalayaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging San Juan–Lungsod Quezon ng Santolan Road ay binigyan ng bagong pangalang Colonel Bonny Serrano Avenue noong 1970, mula kay Venancio "Bonny" Serrano, sundalong binigyan ng karangalan dahil sa kanyang pagsisilbi noong Digmaang Koreano.[3] Pinalitan ito ng pangalan tatlong buwan pagkaraan ng pagpanaw ni Serrano.[4] Subalit kilala pa rin ito bilang "Santolan Road" sa mga lokal na residente.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bahaging C-5/N11 ng Abenida Bonny Serrano (Daang pang-ilalim ng Katipunan-E. Rodriguez).

Nagsisimula ang pang-apatan na abenidang ito bilang isang karugtong ng Kalye Pinaglaban at Kalye P. Guevarra sa lungsod ng San Juan. Tutungo ito pasilangan at dadaan sa hangganan sa pagitan ng Bagong Lipunan ng Crame ng Lungsod Quezon at West Crame ng San Juan. Dadaanin nito ang Sementeryong Munisipiyo ng San Juan bago dadating sa hilagang gilid ng Kampo Crame. Sa silangan ng sangandaan nito sa Abenida Epifanio de los Santos, dadaan ang abenida sa hilagang hangganan ng Kampo Aguinaldo kasama ang mga nayon/distrito ng Socorro (Cubao), San Roque. at Bayanihan, at magbabagtas sa ika-15 Abenida sa Unang Tarangkahan ng Kampo Aguinaldo. Babagtasin naman nito ang Abenida Katipunan sa pamamagitan ng isang daang pang-ibabaw, at dadaan sa mga barangay ng Blue Ridge A, Saint Ignatius, at Blue Ridge B bago matapos sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr. sa Libis malapit sa Kampo Atienza. Magtutuloy ang abenida bilang Daang FVR patungo sa Lansangang Marikina–Infanta sa Calumpang, Marikina at Santolan, Pasig.

Ang maikling bahagi ng abenida mula Abenida Katipunan hanggang Abenida Eulogio Rodriguez Jr. ay itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (o Daang C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N11 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Mula Abenida Katipunan, dadaan ang C-5 sa isang daang pang-ilalim (underpass) na liliko pasilangan sa ilalim ng Abenida Bonny Serrano. Sa puntong ito aakyat ang C-5 sa isang flyover na agad-agad durugtong sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr.. Hindi bahagi ng alinmang ruta ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan ang natitirang bahagi ng abenida, ngunit ang bahaging EDSA-Abenida Katipunan ng abenida ay itinakdang bahagi ng N185 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Road and Bridge Inventory". Department of Public Works and Highways (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-22. Nakuha noong 2 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Public laws and resolutions passed by the United States Philippine Commission, during the quarter" (sa wikang Ingles). United States Philippine Commission. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bikol awardees give back to their birthplaces" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)}
  4. "Introducing Mrs. Bonny Serrano" (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)}

14°36′37″N 121°03′11″E / 14.6102777°N 121.0530555°E / 14.6102777; 121.0530555