Pumunta sa nilalaman

Boxer briefs

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Boxer briefs

Ang karsonsilyong pangboksingero o brief na boksingero, na mas kilala bilang "boxer briefs" (Ingles), ay isang uri ng damit panloob ng lalaki na mahaba ang bahaging pambinti katulad ng sa salawal na bokser o "boxer shorts" ngunit ito ay mas masikip, katulad ng sa karaniwang karsonsilyo o "briefs" kaya masasabing ito ay isang halo ng dalawang pangunahing damit panloob ng lalaki. Depende sa tagayari, maaari rin itong baybayin sa Ingles bilang isang salita: boxerbriefs. Kung minsan ay tinatawag din itong "trunks" sa Australia.


Pagpili ng idadamit panloob

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang ang ilan ay nasisikipan sa pangkaraniwang "briefs", ang iba naman ay naluluwagan sa "boxer shorts". Kadalasang tinatahian ng supot sa harap ang "briefs", "boxer shorts" at "boxer briefs" upang bigyang puwang at maiharap ang bayag at titi. Kadalasang ginagamit ang "boxer briefs" sa palakasan kaysa sa, o kasama ng "jockstrap", ngunit madalas din itong gamitin araw-araw.

Katangian ng "boxer briefs"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binabagay ang disenyo ng "boxer briefs" sa hubog ng lugar mula baywang hanggang taas ng hita bilang ito ay sinusuot hanggang baywang. Kadalasang gawa ang tela nito sa pinaghalong bulak at spandex o sa malambot na materyal na gawa sa hinabing pranela. Depende rin sa disenyo, maaaring lagyan ito ng keyhole na butas sa harap, butones sa harap, supot o puwang para sa ari ng lalaki o maaari ring wala itong butas sa harap. Kadasang gawa ang sintas sa baywang sa isang hiwalay na mahabang piraso ng nababanat na materyal na magkalayo ang kulay mula sa pinaka-materyal ng "boxer shorts" na gawa sa bulak o pranela. Kadalasan ring nakalimbag ang pangalan ng tagayari (hal. "Calvin Klein, "DIM", "Croota", "Bench") sa sintas. Pwede ring dagdagan ng lastiko ang dulo ng bandang hita ng panloob. Ang iba namang "boxer shorts" ay nakalagay ang tahi sa bandang likod upang mabigyang-linaw ang hugis ng puwitan at maiwasan ang tahi sa gitnang harap.

Hindi Katulad ng "briefs", mas madalas na walang mahigpit na lastiko sa dulo ng bandang hita ng "boxer briefs". Ang pinakasuporta nito ay nakasalalay sa pangkabuohang pagkalastiko ng telang ginamit kaya mas maginhawa ang pakiramdam sa bandang lusutan ng mga paa.


Ang "trunks" ay isang uri ng "boxer briefs" na mas maikli ng unti sa parteng binti na pwede ring gamitin bilang damit panlangoy. Maaari rin itong gamiting pang-ilalim sa "boardshorts".


Iba't ibang larawan ng boxer briefs

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawing sa labas ng Wikipedia

[baguhin | baguhin ang wikitext]