Bulakan
Bayan ng Bulakan | |
---|---|
![]() | |
![]() Mapa ng Bulacan na nagpapakita sa lokasyon ng Bulakan. | |
Mga koordinado: 14°47′34″N 120°52′44″E / 14.79278°N 120.87889°EMga koordinado: 14°47′34″N 120°52′44″E / 14.79278°N 120.87889°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) |
Lalawigan | Bulacan |
Distrito | Unang Distrito ng Bulacan |
Mga barangay | 14 |
Lawak | |
• Kabuuan | 72.90 km2 (28.15 milya kuwadrado) |
Populasyon (15 Agosto 2015)[1] | |
• Kabuuan | 76,565 |
• Kapal | 1,100/km2 (2,700/milya kuwadrado) |
Zip Code | 3017 |
Kodigong pantawag | 44 |
Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan[2] |
PSGC | 031405000 |
Websayt | [www.bulakanph.com] |
Senso ng populasyon ng Bulakan, Bulacan | |||
---|---|---|---|
Senso | Populasyon | +/- | |
1903 | 11,589 | ||
1918 | 10,423 | -0.7% | |
1939 | 11,931 | 0.6% | |
1948 | 13,242 | 1.2% | |
1960 | 18,395 | 2.8% | |
1970 | 26,750 | 3.8% | |
1975 | 28,361 | 1.2% | |
1980 | 34,920 | 4.2% | |
1990 | 48,770 | 3.4% | |
1995 | 54,236 | 2.1% | |
2000 | 62,903 | 3.23% | |
2007 | 72,289 | 1.94% | |
2010 | 71,751 | -0.10% | |
2015 | 76,565 | 0.90% | |
Source: Philippine Statistics Authority[3][4] |
Ang Bayan ng Bulakan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa layong 35 kilometro (22 milya) hilaga ng Maynila. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 76,565 katao.
Ang Bulakan na isa sa pinakamatandang mga bayan sa Pilipinas ay naging "encomienda" o kabisera ng Provincia de la Pampanga, at paglaon ay naging unang kabisera ng lalawigan ng Bulacan bago inilipat ito sa Malolos noong 1930, pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano. Sa bayang ito ipinanganak si Marcelo H. del Pilar, isang Pilipinong makabayan na naglimbag ng babasahing La Solidaridad. Dito rin ipinanganak ang kanyang pamangking si Gregorio del Pilar, isang Pilipinong Heneral noong himagsikan, at ni Soc Rodrigo, dating senador ng Pilipinas.
Kaugnay sa paggamit ng mga titik "c" o "k" upang itukoy sa bayan ng Bulakan, isinasaad sa Kabanata 2, Seksiyon 15 ng Bagong Panlalawigan na Kodigong Pampangasiwaan ng Bulacan (Ordinansa Blg. C-004) noong 2007 na ang salitang "Bulakan" ay tumutukoy sa bayan at ang unang kabisera ng lalawigan habang sa mismong lalawigan naman ang salitang "Bulacan."[5]
Mga Barangay[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang bayan ng Bulacan ay nahahati sa 14 na mga barangay.
- Bagumbayan
- Balubad
- Bambang
- Matungao
- Maysantol
- Perez
- Pitpitan
- San Francisco
- San Jose (Pob.)
- San Nicolas
- Santa Ana
- Santa Ines
- Taliptip
- Tibig
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ https://www.psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/hsd/pressrelease/R03.xlsx.
- ↑ https://psa.gov.ph/classification/psgc/?q=psgc/barangays/031405000.
- ↑ "Region III (CENTRAL LUZON)". Census of Population (2015): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). PSA. Hinango noong 20 Hunyo 2016.
- ↑ "Region III (CENTRAL LUZON)". Census of Population and Housing (2010): Total Population by Province, City, Municipality and Barangay (Report). NSO. Hinango noong 29 Hunyo 2016.
- ↑ "New Provincial Administrative Code of Bulacan" (PDF). Hinango noong 3 Hunyo 2014.