Bulebar Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N170 (Philippines).svg

Bulebar Quezon
Quezon Boulevard
Bulebar Quezon pahilaga sa tabi ng Pamantasan ng Dulong Silangan.
Impormasyon sa ruta
Haba: 1.1 km (0.7 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: N170 (Philippines).svg N170 (Abenida Lerma) sa Sampaloc
 
Dulo sa Timog Tulay ng Quezon at Kalye Palanca sa Quiapo
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Bulebar Quezon (Ingles: Quezon Boulevard) ay isang maikling kahabaan ng lansangan sa Maynila, kabesera ng Pilipinas, na dumadaan mula hilaga-patimog sa distrito ng Quiapo. Isa itong bulebar na may anim hanggang sampung linya, may haba na 1.1 kilometro (0.68 milya), at pinaghahatian ng pangitnang harangan sa gitna. Itinakda itong bahagi ng Daang Radyal Blg. 8 (R-8) ng Kamaynilaan, na nag-uugnay ng pusod ng Maynila sa North Luzon Expressway sa hilagang Kamaynilaan. Inuugnay rin nito ang lumang kabayanan ng Maynila sa Quezon Memorial Circle at Batasang Pambansa Complex sa Lungsod Quezon sa pamamagitan ng isang tunel patungong Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na binubuo ng mga lansangan tulad ng Bulebar Espanya at Abenida Commonwealth. Isa rin itong pangunahing daan papuntang Simbahan ng Quiapo at isa ito sa mga pangunahing lansangan ng paligid ng University Belt.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinimulan ang Bulebar Quezon bilang bahagi ng isang pambansang panukalang pandaan upang maiugnay ang pusod ng pamahalaan ng Maynila sa Liwasang Rizal sa ipinapanukalang bagong kabesera sa Diliman estate. Itinayo ito noong 1939 sa ibabaw ng dating Calle Regidor na pinalawak sa pamamagitan ng pag-giba ng mga gusali at kabahayan sa silangang gilid nito at di-kalauna'y isinama sa dating Calle Martin Ocampo.[1] Sa taong 1939 din pinalitan ng makabagong bakal na tulay-arko na Tulay ng Quezon ang dating Puente Colgante (na nagugnay noon ng daan sa Abenida Padre Burgos sa timog ng Ilog Pasig).

Noong panahon ng mga Kastila, kilala ang Calle Regidor bilang Calle Santa Rosa, at Calle Martin Ocampo bilang Calle Concepcion. Pinalitan ang mga pangalang ito noong unang bahagi ng dekada-1900s, mula kay Antonio Maria Regidor, manunulat sa La Solidaridad, at Martin Ocampo, patnugot ng El Renacimiento at La Vanguardia. Ang bagong bulebar na pumalit sa mga ito ay ipinangalan mula kay Manuel Luis Quezon, pangulo ng Pilipinas noong panahon ng Komonwelt.

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Quezon papuntang Plaza Miranda sa timog.

Nagsisimula ito sa Tulay ng Quezon sa tabi ng Pamilihan ng Quinta sa Kalye Carlos Palanca (dating Calle Echagüe) bilang tagapagpatuloy ng Abenida Padre Burgos na galing sa Intramuros sa timog ng Ilog Pasig. Tutumbukin naman nito ang mga sumusunod na daan: Kalye Arlegui (papuntang distrito ng San Miguel at Palasyo ng Malacañang), Kalye Hidalgo (dating Calle San Sebastián, papuntang Simbahan ng San Sebastian), at Kalye Gonzalo Puyat (dating Calle Raón, papuntang Simbahan ng Santa Cruz sa distrito ng Santa Cruz, bago nito tumbukin ang Abenida Recto. Dadaan ito sa Plaza Miranda at Simbahan ng Quiapo sa pagitan ng Kalye Hidalgo at Kalye Gonzalo Puyat. Papasok ito sa distrito ng Sampaloc paglampas ng Abenida Recto, kung saan tatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Lerma. Paglampas, tutuloy ito bilang Kalye Alfonso Mendoza (dating Calle Andalucía) patungo sa San Lazaro Tourism and Business Park.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°36′11″N 120°59′5″E / 14.60306°N 120.98472°E / 14.60306; 120.98472