Bundok

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Bundok (paglilinaw).
Bundok Damavand, Iran

Ang bundok (Kastila: montaña, Pranses: Montagne, Aleman: Berg, Ingles: mountain[1], mont [katawagang pang-heograpiya][1], at mount[1] [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. [2] Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22% ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, bulubundukin ang 24% ng lupain sa Daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. [3] Nagmula sa mga bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.[4][5]

Impluho sa wikang Ingles[baguhin | baguhin ang batayan]

Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[6] Ang salitang boondocks umiiral din sa wikang Hapon (ブーンドック).

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8
  2. Montañas (Bundok), nasa wikang Kastila, Los Libros de la Catarata, 2016, dahon 5-21, ISBN 978-8-49097-218-2
  3. Montagne spectaculaire (Mga Nakamamanghang Bundok), nasa wikang Pranses, Glénat Livres, 2017, dahon 11-31, ISBN 978-2-34402-351-8
  4. "International Year of Freshwater 2003". http://www.wateryear2003.org/en/ev.php-URL_ID=3903&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html. Hinango noong 2006-12-07. 
  5. "The Mountain Institute". http://www.mountain.org/mountains/whymtns.cfm?slidepage=water. Hinango noong 2006-12-07. 
  6. Williams, Edwin B. (general editor) [patnugot-panlahat]. The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0-553-26496-6


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.