Pumunta sa nilalaman

Bundok Pulag

Mga koordinado: 16°35′0.86″N 120°53′0.93″E / 16.5835722°N 120.8835917°E / 16.5835722; 120.8835917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bundok Pulag
Bantay Pulag (Ilokano)
Panoramikong kuha ng taluktok ng Bundok Pulag
Pinakamataas na punto
Kataasan2,928 m (9,606 tal)[1]
Prominensya2,928 m (9,606 tal)[1]
Ika-107 sa ranggo
Isolasyon668 km (415 mi) Edit this on Wikidata
Mga koordinado16°35′0.86″N 120°53′0.93″E / 16.5835722°N 120.8835917°E / 16.5835722; 120.8835917
Heograpiya
LokasyonLuzon
BansaPilipinas
Mga rehiyonRehiyong Administratibo ng Cordillera at Lambak ng Cagayan
Mga lalawiganBenguet, Ifugao at Nueva Vizcaya
Mga munisipalidadBokod, Kabayan, Kayapa at Tinoc
Magulanging bulubundukinKabundukan ng Cordillera
Heolohiya
Uri ng bundokNatutulog na bulkan
Arko ng bulkanMabulkang Arko ng Luzon
Pag-akyat
Unang pag-akyatc. 2000 BK ng mga katutubong Ibaloi.
Pinakamadaling rutaDaanang Ambangeg

Ang Bundok Pulag (Ilokano: Bantay Pulag)[2] ay ang pinakamataas na tuktok sa Luzon na may taas na 2,928 metro (9,606 tal) mula sa kapantayan ng dagat. Ito rin ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas, at ang ika-26 na pinakamataas na tuktok sa pulo sa buong mundo.

Ito ang ikalawang pinakaprominenteng bundok sa Pilipinas. Matatagpuan sa mga hangganan ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya, nakatagpo ang mga hangganan ng mga ito sa taluktok ng bundok. Ikatlo sa pinakamataas ang Bundok Pulag, kasunod lang ng Bundok Apo at Bundok Dulang-dulang.[3]

Pinaniniwalaang tahanan ang buong bundok ng mga espiritong tinmongao at sagradong libingan ng mga kaluluwa ng mga Ibaloi at iba pang katutubo sa lugar.[4]

Ginagawang momya ng mga Ibaloi ang mga patay at ibinabahay nila sa mga yungib sa bundok. Itinuturing ang libinigang yungib sa Kabayan, isa sa mga pangunahing atraksiyon sa pook, na pambansang yamang pangkalinangan ng Pilipinas sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 432.[5]

Ipinroklama ang Bundok Pulag bilang pambansang liwasan sa bisa ng Proklamasyon ng Pangulo Blg. 75 na nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino noong Pebrero 20, 1987, na sumasaklaw ng 11,550 ektarya (28,500 akre).[6] Bahagi ito ng Bioheograpikong Sona ng Cordillera at isa itong pook sa Pambansang Programa ng Integradong Protektadong Lugar (NIPAP).[7]

Tinatahanan ang pambansang liwasan ng mga iba't ibang pangkat-etniko tulad ng mga Ibaloi, Kalanguya, Kankana-ey, Karao, at Ifugao.[8]

Tropikal ang klima sa bundok na ito na may ulan sa malaking bahagi ng taon. Karaniwang nasa 4,489 mm bawat taon ang presipitasyon kasama ang Agosto sa pinakabasang buwan na may karaniwang presipitasyon na 1,135 mm.

Halaman at hayop

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroon mga 528 na dinukumentong specie ng halaman ang bundok na ito. Dito ang likas na tirahan ng endemikong duwendeng kawayan, (Yushania niitakayamensis) at ang pinong Benguet (Pinus insularis). May mga 33 specie ng ibon ang matatagpuan dito kasama ang ilang mga nanganganib na mga mamalya tulad Filipinong usa (Philippine deer), malalaking mga daga at mahabang-buhok na paniki na kumakain ng prutas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 de Ferranti, Jonathan; Maizlish, Aaron. "Philippine Mountains – 29 Mountain Summits with Prominence of 1,500 Meters or Greater" [Mga Pilipinong Bundok – 29 Taluktok ng Bundok na may Prominensiyang 1,500 Metro o Higit Pa]. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 17, 2015. Nakuha noong Enero 31, 2011.
  2. "Highest Mountains of the Philippines!" [Mga Pinakamataas na Bundok ng Pilipinas!]. Tagalog Lang (sa wikang Ingles). Hulyo 25, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 23, 2022. Nakuha noong Nobyembre 10, 2019.
  3. Lasco, Gideon (Enero 24, 2016). "The 10 Highest Mountains in the Philippines (2016 Update)" [Ang 10 Pinakamataas na Bundok sa Pilipinas (Update Noong 2016)]. Pinoy Mountaineer. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 22, 2018. Nakuha noong Enero 22, 2018.
  4. "Benguet Folk to Appease Mount Pulag Spirits" [Mga Espiritu ng Bundok Pulag, Papayapain ng Mga Taga-Benguet]. The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 21, 2019. Nakuha noong Nobyembre 10, 2019.
  5. Cariño, Delmar (Abril 27, 2009). "Respect Mummies, Pulag Trekkers Told" [Respetuhin Ang Mga Momya, Sinabihan Ang Mga Naglalakbay sa Pulag]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 28, 2009. Nakuha noong Marso 5, 2012.
  6. "Proclamation No. 75; Declaring As Mount Pulag National Park Certain Parcels of Land of the Public Domain Embraced and Situated in the Municipalities of Buguias and Kabayan in Benguet, Kiangan in Ifugao and Kayapa in Nueva Viscaya, Island of Luzon" [Proklamasyon Blg. 75; Pagdedeklara Bilang Pambansang Liwasan ng Bundok Pulag Ilang Parsela ng Lupa ng Pampublikong Dominyo ay Niyakap at Nakapuwesto sa Munisipyo ng Buguias at Kabayan sa Benguet, Kiangan sa Ifugao at Kayapa sa Nueva Viscaya, Pulo ng Luzon.]. Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Pebrero 20, 1987. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2016. Nakuha noong Oktubre 4, 2016.
  7. Leprozo, Dave Jr. (Disyembre 25, 2009). "Mapping out Mount Pulag" [Pagmamapa sa Bundok Pulag]. GMA News Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2016. Nakuha noong Oktubre 4, 2016.
  8. McShane, Thomas O.; Wells, Michael P., mga pat. (2004). Getting Biodiversity Projects to Work: Towards More Effective Conservation and Development [Pagpapagana sa Mga Proyekto sa Biodibersidad: Tungo sa Mas Epektibong Konserbasyon at Pagpapaunlad] (sa wikang Ingles). New York: Columbia University Press. p. 186. ISBN 978-0-231-12764-6.