Butas ng katawan
Itsura
Ang butas ng katawan (sa Ingles: body orifice) ay isang bukana, butas o bukas na bahagi ng katawan ng tao o hayop. Sa karaniwang katawan ng mga mamalya, katulad ng sa katawan ng tao, ang mga butas ay ang mga sumusunod:
- Ang mga butas ng ilong (nostril), para sa paghinga at may kaugnayan sa pang-amoy.
- Ang mga mata, para sa pagtingin at pag-iyak.
- Ang bibig o bunganga, para sa paghinga at pagsasalita.
- Ang mga kanal ng tainga, para sa pandinig.
- Ang butas ng puwit (anus), para sa pag-tae o pagdumi.
- Ang butas ng titi o butas ng puke (uretra), para sa pag-ihi, at para sa ehakulasyon (paglabas ng semilya) sa mga lalaki.
- Ang puke (vagina) ng mga babae, para sa pagtatalik, menstruwasyon at panganganak o pagluluwal ng sanggol.
- Ang butas ng suso, para sa pagdaloy ng gatas na nagsisilbing pagkain ng isang sanggol.
Ang kabuuang bilang ng butas sa katawan ng tao batas sa mga isinasaad sa itaas ay 11 sa lalaki at 12 sa babae.
Sa ibang mga nilalang o organismo na may naiibang plano ng katawan, may ibang mga butas ng katawan katulad ng kloaka sa mga reptilya, at ang siphon ng mga sepalopoda.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mukosa
- Hangganang mukokutanyo (Mucocutaneous boundary)
- Meatus
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.