Calaguas
Heograpiya | |
---|---|
Mga koordinado | 14°27′N 122°55′E / 14.450°N 122.917°E |
Pamamahala | |
Ang Calaguas, kilala rin bilang Kapuluang Calaguas, ay isang grupo ng mga isla na matatagpuan sa Pilipinong lalawigan ng Camarines Norte sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga pangunahing isla ng Pulo ng Tinaga at Pulo ng Guintinua, ang maliit na Pulo ng Maculabo, pati na rin ang ilang iba pang maliliit na isla. 200 kilometro ang layo ng isla mula sa kabiserang lungsod ng Maynila at maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng mga daungan sa Daet, Camarines Norte.[1]
Nasa ilalim ang karamihan ng mga isla sa administratibong hurisdiksyon ng Vinzons, samantalang nasa ilalim ang islang menor ng Maculabo ng hurisdiksyon ng munisipalidad ng Paracale. Kamakailan lamang, nakararanas ang isla ng Tinaga kung saang matatagpuan ang mga kilalang malaong dalampasigan na tinatawag Mahabang Buhangin[2] ng isang pagdagsa ng mga turista sa kabila ng kawalan ng tuluyan. Dumadalaw ang mga camper at backpacker sa Mahabang Buhangin upang maranasan ang mga maputing buhangin nito.
Umaakit ang kamakailang katanyagan ng Calaguas Island ng mararaming mga turista at manlalakbay, lalo na sa panahon ng tag-init. Ikinatatakot ng ilan sa mga katutubo at lokal ang posibleng paghantong ng pagdaragdag sa turismo at ng pagsasara at muling paglalago ng Boracay noong 2018 sa kapinsalaan ng kapayapaan at katahimikan ng isla. Ito ang dahilan kung bakit lumikha ang lokal na pamahalaan ng isang programa na nagbibigay sa lahat ng pananagutang mag-alaga sa Kapuluang Calaguas. Kabilang ang pamamahala ng basura at trapiko ng mga bangka sa mga pangunahing pinag-aalahanan ng lokal na pamahalaan.
Sinisikap ng lokal na komunidad na pangalagaan at protektahan ang kapakanan ng isla. Hnihikayatt ang mga malalaki at maliliit na mga gabay sa paglilibot na panatilihin ang katahimikan at mapayapang kalikasan ng Kapuluang Calaguas. Tumutulong ang karamihan sa maliliit at lokal na mga gabay sa paglilibot sa isla tulad ng Calaguas Local at iba pang mga gabay sa paglilibot sa paglilipat ng komunidad patungo sa mas mahusay na ekoturismong lokal sa isla.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The search for the next Boracay: Calaguas, Camarines Norte". Nakuha noong 25 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roa, Ana; de Villa, Kathleen (3 Marso 2018). "Summer escapades in the islands". business.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 25 Enero 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)