Castel dell'Ovo
40°49′40″N 14°14′53″E / 40.82778°N 14.24806°E40°49′40″N 14°14′53″E / 40.82778°N 14.24806°E
Ang Castel dell'Ovo (sa Tagalog, Kastilyong Itlog) ay isang kastilyo sa baybayin ng Napoles, na matatagpuan sa dating isla ng Megaride, ngayon ay isang tangway, sa Golpo ng Napoles sa Italya. Ang pangalan ng kastilyo ay nagmula sa isang alamat tungkol sa Romanong makata na si Virgilio, na nagkaroon ng reputasyon noong Gitnang Kapanahunan bilang isang mahusay na mangkukulam at tagahula sa hinaharap. Sa alamat, si Virgilio ay naglagay ng isang mahiwagang itlog sa mga pundasyon upang suportahan ang mga kuta. Ito ay nananatili doon kasama ang kanyang mga buto, at kung ang itlog na ito ay nasira, ang kastilyo ay guguho[1] at isang serye ng mga mapaminsalang pangyayari sa Napoles ang susunod. Ang kastilyo ay matatagpuan sa pagitan ng mga distrito ng San Ferdinando at Chiaia, nakaharap sa Mergellina sa kabila ng dagat.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Di Maggio, Patrizia (1992). Angelillo, Fiorella (pat.). I castelli di Napoli. Elio De Rosa. p. 15.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Castel dell'Ovo sa Wikimedia Commons