Pumunta sa nilalaman

Cebu

Mga koordinado: 10°19′N 123°45′E / 10.32°N 123.75°E / 10.32; 123.75
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cebú)
Lalawigan ng Cebu

Lalawigan sa Sugbo

Province of Cebu
Lalawigan ng Cebu
Watawat ng Lalawigan ng Cebu
Watawat
Opisyal na sagisag ng Lalawigan ng Cebu
Sagisag
Mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang lalawigan ng Cebu
Mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang lalawigan ng Cebu
Mga koordinado: 10°19′N 123°45′E / 10.32°N 123.75°E / 10.32; 123.75
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
Naitatag27 Abril 1565
KabiseraLungsod ng Cebu
Pamahalaan
 • UriLalawigan ng Pilipinas
 • GobernadorHilario Davide III (Partido Liberal)
 • Bise GobernadorAgnes Magpale (Partido Liberal)
Lawak
 • Kabuuan4,943.72 km2 (1,908.78 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawakIka-21 ng 80
 Hindi kabilang ang mga independent cities
Populasyon
 (2010)[2]
 • Kabuuan2,619,362
 • RanggoIka-4 ng 80
 • Kapal530/km2 (1,400/milya kuwadrado)
 • Ranggo sa densidadIka-7 ng 80
 Hindi kabilang ang mga independent cities
Pagkakahati
 • Independent cities3
 • Component cities6
 • Municipalities44
 • Mga Barangay1,066
including independent cities: 1,203
 • Districts1st to 6th districts of Cebu (shared with Mandaue and Lapu-Lapu cities)
including independent cities: 1st and 2nd districts of Cebu City
Sona ng orasUTC+8 (PHT)
ZIP codes
6000 - 6053
Dialing code32
Katutubong WikaCebuano, Filipino, Ingles
Websaytcebu.gov.ph
Ang kapistahan ng Sinulog sa Cebu

Ang Lalawigan ng Cebu ang pinakamatandang lalawigan sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan. Lungsod ng Cebu ang kabisera nito at ito rin ay ang pinakamalaking siyudad sa probinsya.

Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga hotel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.

Siyudad ng Cebu
Badian, Cebu

Ang katutubong pangalan para sa lugar ay Sugbo. Ang pangalang Cebú ay isang pagka-Kastila ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay San Miguel ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang Santo Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús.

Matatagpuan ang Cebu sa silangan ng Negros, sa kanluran ng mga pulo ng Leyte at Bohol. Isang mahabang makitid na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 mi) mula hilaga hanggang timog, na napalilibutan ng 167 maliliit na mga kapuluan, kasama na ang Mactan, Bantayan, Malapascua, Olango at ang Kapuluan ng Camotes. May makitid na dalampasigan, talampas na apog at mga patag na baybayin ang Cebu. Mayroon din mga bulubundukin mula hilaga hanggang timog sa kahabaan ng pulo.

Nasa 1,000 metro (3,300 tal) ang pinakamataas na bundok ng Cebu. Ang kapatagan ay matatagpuan sa lungsod ng Bogo at sa mga bayan ng San Remigio, Medellin at Daanbantayan at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.

Dahil sa heolohikal nitong lokasyon, ang Cebu ay isa sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga pangangalakal bago pa dumating ang mga Espanyol.  Ito rin ang nagsisilbing gateway sa napakaraming tourist destination sa Pilipinas katulad ng Bohol kung saan makikita ang pamosong Chocolate Hills, Boracay Island, Puerto Princesa at marami pang iba. [3]

Tropikal ang klima ng lalawigan ng Cebu. May dalawang panahon sa Cebu, ang tag-araw at ang tag-ulan.[4] Kadalasang tuyo at maaraw sa kabuuan ng taon na may kalat kalat na pag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre. Ang lalawigan ng Cebu ay kadalasang dinadaan ng isang bagyo lamang o minsan naman ay wala.

Higit na inuulan ang hilagang Cebu (mula Pulo ng Bantayan hanggang Lungsod ng Mandaue).[4]

Umaaabot sa 36 °C (97 °F) mula Marso hanggang Mayo ang temperatura sa Cebu, hanggang sa pinakamababang 18 °C (64 °F) sa mga bulubundukin tuwing tag-ulan. Pangkaraniwang 24 hanggang 34 °C (75 hanggang 93 °F) ang temperatura sa Cebu, at hindi gaanong nagbabago maliban na lamang sa buwan ng Mayo, kung saan naitatala ang pinakamainit na temperatura. Pangkaraniwang 70–80 bahagdan ang kahalumigmigan ng Cebu.[5]

Panitikang Cebuano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol, kanlurang Leyte, Negros; sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay bahagya lamang.[6] May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano.[7] Mahusay din manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.

Sa mga Pulo ng Camotes, isang katutubong wikang kaugnay ng Waray-Waray ang tinatawag na Porohon ang sinasalita doon.

sa Santa Rosa, Ang Bisayang Bantayan ang sinasalita.

Ang Wikang Kastila ang kadalasang sinasalita ng mga mestizo, at sa mga pamayanang Kastila. Ang lalawigan ng Cebu ang kauna-unahang lalawigan naimpluwensiyahan ng mga Kastila bago inilipat ang kabisera sa Maynila. Ang Wikang Ingles ang salitang ginagamit sa larangan ng edukasyon, media, komersiyo, kalakalan at pamahalaan; at ang Wikang Intsik ay sinasalita naman sa mga pamayanang Tsino.

Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang pook nito sa Basilika.

Ang "Ceboom", pinaghalong salitang "Cebu" at "Boom", ay ginagamit upang tukuyin ang pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan. Kasama ng maraming magagandang kapuluan, mga dalampasigang may puting buhangin, mga magagarang hotel at mga resorts, mga pook bakasyunan at mga pook pangkasaysayan, ang mataas na pagdagsa ng mga lokal at banyagang turista ang nagpalago sa industriya ng turismo sa Cebu. Nanatiling may malaking bahagi ang Cebu sa mataas na bilang ng turista sa Pilipinas, at nagiging daan pangturismo para sa iba pang mga pook pangturista sa Gitna at Katimugang bahagi ng Pilipinas, dahil sa lokasyon nito.

Tinatayang 80% ng mga tagapamahala ng mga panglokal at pambayagang mga barko at tagapaggawa ng barko sa Pilipinas ay matatagpuan sa Cebu. Ang industriya ng paggawa ng barko sa Cebu ang naglagay sa Pilipinas sa ika-apat na pinakamalaking bansang gumagawa ng barko sa buong daigdig.[8]

Mapang pampolitika ng Cebu

Ang lalawigan ng Cebu ay nahahati sa 44 na bayan at 6 na lungsod. Bagamat kasali ang mga lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu at Mandaue sa probinsya ng Cebu, hindi sila kabilang sa pamahalaang panlalawigan nito.

Mga Mataas na urbanisadong lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2013. Nakuha noong 1 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). 2010 Census and Housing Population. National Statistics Office. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 28 Septiyembre 2013. Nakuha noong 1 Abril 2013. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. Cebu Top na Atraksyon Naka-arkibo 2021-06-02 sa Wayback Machine.: Sa Panahon ng “New Normal”
  4. 4.0 4.1 [1] Naka-arkibo 2013-05-25 sa Wayback Machine. Weather
  5. "Guide to Cebu-Weather in Cebu www.guidetocebu.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-26. Nakuha noong 2013-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Resil Mojares, Cebuano Literature: A Survey of Bibliography with Finding List (Cebu City: University of San Carlos, 1975), p. 5.
  7. "Languages Cebuano language of Philippines". Ethnologue.com.
  8. "Philippines Now the Fourth Largest Shipbuilding Country in the World". Sun Star Cebu. Nakuha noong 25 Hunyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)