Teleponong selular

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cellphone)
Jump to navigation Jump to search
Mga teleponong selular.

Ang teleponong selular (Kastila: teléfono celular, teléfono móvil; Inggles: cellular phone o mobile phone), selpon (mula sa Ingles na cellphone) o selepono,[kailangan ng sanggunian] ay isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong selular (Ingles: cell site) para sa pakikipagtalastasan. Maaaring gamitin ang teleponong selular sa isang malawak na kalawakan, hindi katulad ng mga tradisyonal na teleponong walang kawad, na mas limitado ang sakop ng senyales nito.

Dagdag pa sa tradisyonal na pagtawag, marami ring serbisyo ang sinusuportahan ng mga teleponong selular, tulad ng mabilisang pagmemensahe (text messaging), elektronikong liham, paggamit ng Internet, atbp. Bawat teleponong selular ay mayroon kaukulang numero na nanggagaling sa tapagbigay ng network upang ito ay makontak. Bagama't karaniwang hindi napipili ang mga numero, sa ilang bansa at serbisyong selular ay may opsyon na pumili ng numerong nais o madaling kabisaduhin na tinatawag na vanity number.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.