Pumunta sa nilalaman

Adele

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chasing Pavements)
Adele

Adele smiling
Si Adele sa kanyang concert tour na Adele Live 2016, Marso 2016
Kapanganakan
Adele Laurie Blue Adkins[1]

(1988-05-05) 5 Mayo 1988 (edad 36)
Tottenham, London, Ingglatera
NagtaposBRIT School
Trabaho
  • Mang-aawit
  • manunulat ng awit
AsawaSimon Konecki (m. 2017)
Anak1
Karera sa musika
Genre
Instrumento
  • Vocals
  • guitar
  • drums
  • bass
Taong aktibo2006–kasalukuyan
Label
Websiteadele.com

Si Adele Laurie Blue Adkins [1] (ipinanganak noong 5 Mayo 1988), na higit na kilala bilang Adele lamang, ay isang Inglesang artistang nagrerekord at manunulat ng awitin. Pagkatapos magtapos mula BRIT School para sa Performing Arts and Techonology noong 2006, binigyan si Adele ng isang kontrata ng pagrerekord mula sa XL Recordings pagkaraang ipaskil ng isang kaibigan ang kanyang pagpapamalas o demonstrasyon sa MySpace sa kaparehong taon. Sa sumunod na taon, nakatanggap siya ng "Critics' Choice" (Napili ng mga Manunuri) ng Gantimpalang Brit at nagwagi sa Tunog ng 2008 ng BBC. Ang kanyang debut o pampasinayang album na 19 ay pinakawalan noong 2008 na may katagumpayang pangkumersiyo at pangmanunuri. Ang album nabigyan ng sertipikasyon nang apat na ulit bilang platinum sa Nagkakaisang Kaharian, at doble o dalawang platinum sa Estados Unidos.[4][5] Ang kanyang karera sa Estados Unidos ay ibinunsod at natulungan ng isang paglitaw sa Saturday Night Live noong kahulihan ng 2008. Sa Grammy Awards ng 2009, nakatanggap si Adele ng mga gantimpala bilang Pinaka Mahusay na Bagong Artista at sa pagiging Pinaka Mahusay na Pagtatanghal na Pangtinig ng Pop ng Isang Babae.[6][7]

Noong Abril 4, 2008 nagsimula siyang mag-publish ng kanyang musika sa YouTube, at sa taong 2023, umabot sa 30 milyong subscriber ang kanyang channel sa YouTube at nakakuha ng kabuuang 13.9 bilyong panonood ng video.[8]

Inilabas ni Adele ang kanyang ikalawang album na 21 (Adele album), noong unang bahagi ng 2011.[9][10] Naging mabuti ang pagtanggap ng mga manunuri sa album at nalampasan ang tagumpay na natanggap niya mula sa kanyang pagpapasinaya.[11] Nakatulong ang 21 upang makamit ni Adele ang Gantimpalang Grammy noong 2012 kabilang ang Album ng Taon, na pumapantay sa rekord para sa karamihan ng mga Gantimpalang Grammy na napanalunan ng isang artistang babae sa loob ng isang gabi lamang.[12][13] Nakatulong din ang album upang makatanggap siya ng marami pang ibang mga gantimpala, kabilang na ang dalawang Gantimpalang Brit at tatlong Gantimpalang Pangmusika ng Amerika. Ang album ay nabigyan ng katibayan ng 15 mga ulit bilang platinum sa Nagkakaisang Kaharian;[4] sa Estados Unidos, ang album ay nanatili sa pangunahing puwesto na mas matagal kaysa sa anumang iba pang mga album magmula noong Set Fire to the Rain 1985.[14]

Ang tagumpay ng 21 ay nakapagkamit para kay Adele ng maraming mga pagbanggit sa Guinness Book Of World Records. Siya ang unang artista na nakapagbenta ng mahigit sa 3 milyong mga kopya ng isang album sa loob ng isang taon sa Nagkakaisang Kaharian.[15] Sa pamamagitan ng dalawa niyang album at ang unang dalawang mga singgulo mula sa 21, ang "Rolling in the Deep" at ang "Someone Like You", si Adele ay naging ang pinaka unang artistang nabubuhay na makakamit ng kahanga-hangang gawa na dalawang nangungunang mga patok na pangmusika kapwa sa UK Official Singles Chart at sa Official Albums Chart nang sabayan magmula noong panahon ng The Beatles noon 1964.[16][17] Sa pamamagitan ng ikatlong pagpapakawala mula sa album na "Set Fire to the Rain", na naging pangatlong pang-unang singgulo sa Estados Unidos, si Adele ang naging unang artista sa kasaysayan na manguna sa Billboard 200 na kasabayan ng tatlong mga pang-una na nasa Billboard Hot 100.[18] Si Adele rin ang unang artistang babaeng nagkaroon ng tatlong mga singgulong nasa nangungunang 10 ng Billboard Hot 100 sa gayon ding panahon, at ang unang artistang babae na nagkaroon ng dalawang mga album na nasa nangungunang 5 ng Billboard 200 at dalawang mga singgulong nasa nangungunang 5 ng Billboard Hot 100 na nagsasabayan.[19] Ang 21 ang pinaka matagal na tumatakbong nangungunang album ng isang babaeng artistang nagsosolo sa UK Albums Chart ("Talangguhit ng mga Album ng Nagkakaisang Kaharian")[20] at bilang pinaka matagal na tumatakbong nangungunang album ng isang babae sa kasaysayan ng Billboard.[21] Noong 2011, pinangalanan ng Billboard si Adele bilang artista ng taon.[22]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Frehsée, Nicole (22 Enero 2009). "Meet Adele, the U.K.'s Newest Soul Star" (PDF). Rolling Stone. p. 26. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Nobyembre 2012. Nakuha noong 19 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cairns, Dan (1 Pebrero 2009). "Blue-eyed soul: Encyclopedia of Modern Music". The Sunday Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Adele: New Record is 'Quite Different'". Spin. 2 Nobyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2015. Nakuha noong 8 Mayo 2011. {{cite journal}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Certified Awards Search". British Phonographic Industry. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2010. Nakuha noong 1 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Gold & Platinum - 19 Pebrero 2011". Naka-arkibo 5 January 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine. RIAA. Nakuha noong 19 Marso 2012
  6. "Brits on top: Duffy, Adele and Coldplay clinch top awards as they lead British winners at Grammys". Daily Mail. London: Associated Newspapers. 9 Pebrero 2011. Nakuha noong 12 Hulyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Coldplay, Robert Plant, Radiohead, Duffy and Adele win at Grammy Awards, Daily Mirror, Nakuha noong 21 Pebrero 2011
  8. "Adele YouTube stats and analytics". ThoughtLeaders (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-06-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Adele: New Record is 'Quite Different'". Spin Magazine. 2 Nobyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2015. Nakuha noong 8 Mayo 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Adele to Release '21' Sophomore Album in February Billboard 2 Nobyembre 2010". Billboard. 14 Setyembre 2009. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "British soul singer Adele preps summer U.S. tour". Los Angeles Times. 8 Pebrero 2011. Nakuha noong 8 Mayo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Grammy Awards 2012: Adele wins six awards tying with Beyoncé for most trophies won in one night The Telegraph. Nakuha noong 23 Pebrero 2012
  13. I just want to say, mum... your girl did good! Adele's touching tribute as she scoops SIX Grammys Daily Mail. Nakuha noong 23 Pebrero 2012
  14. Caulfield, Keith (29 Pebrero 2012). "Adele's '21': Longest-Running No. 1 Album Since 'Purple Rain'". Billboard. Nakuha noong 1 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Kaufman, Gil (14 Setyembre 2011). "Adele, Lady Gaga, Justin Bieber Land New Guinness Records". MTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-23. Nakuha noong 23 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Adele beats Lady Gaga to No 1... and matches Beatles for two top five singles and two top five albums in the same week", Daily Mail (UK), Nakuha noong 21 Pebrero 2011
  17. "Adele's 'Someone Like You' Tops UK Singles Chart" Naka-arkibo 2011-02-24 sa Wayback Machine., MTV, Nakuha noong 21 Pebrero 2011
  18. Adele Makes Billboard History After 'Set Fire To The Rain' Tops US Chart Capital FM. Nakuha noong 31 Enero 2012
  19. Trust, Gary (23 Pebrero 2012). "Analysis: How Adele Scored Two Titles Each in the Hot 100 & Billboard 200's Top Five". Billboard (magazine). Nakuha noong 2012-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Adele makes music history again with album chart record BBC News Online 4 Abril 2011
  21. Adele breaks Houston's chart record ABC. Nakuha noong 23 Pebrero 2012
  22. Keith Caulfield (9 Disyembre 2011). Adele Makes History, Billboard. Nakuha noong 31 Enero 2011