Cherry picking
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Cherry picking (pagpitas ng seresa), pagsupil ng ebidensiya o palasiya ng hindi kumpletong ebidensiya ang akto ng pagturo sa mga indibidwal na kaso o mga datos na tila kumukumpirma sa isang partikular na posisyon habang hindi pinapansin ang mahalagang bahagi nito o mga kaugnay na datos nito na maaaring sumasalungat sa posisyong ito. Ito ay isang uri ng palasiya ng pagpili ng pagbibigay pansin na ang pinakakaraniwang halimbawa ang pagkiling sa kompirmasyon. Ang cherry picking ay maaaring gawin nang sinasadya o hindi.
Ang katagang cherry picking ay batay sa pagpitas ng prutas na seresa na ang pumipitas ay inaasahang pipili lamang ng pinakahinog at pinakamalusog na mga prutas. Dahil dito, ang nagmamasid na nakakakita lamang ng napitas na prutas ay maling magbibigay konklusyon na ang karamihan o kahit lahat ng prutas ay nasa gayong mabuting kondisyon. Ito ay nagbibigay sa mga nagmamasid ng maling impresyon ng kalidad ng prutas sa puno.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.