Chowking
Uri | Public (PSE: JFC) |
---|---|
Industriya | Restoran |
Itinatag | 1985 |
Punong-tanggapan | 5th Floor, Jollibee Plaza, Emerald Ave. Ortigas Center, Pasig City, Metro Manila, Philippines |
Pangunahing tauhan | Robert Kuan, Founder Tony Tan Caktiong, Chairman |
Produkto | Oriental Fast food |
Kita | PhP 10.1 billion (2007) |
PhP 1 billion | |
Magulang | Jollibee Foods Corporation |
Website | Chowking Official Website |
Ang Chowking ay isang pampublikong kainan na naka-rehistro sa gobyerno ng Pilipinas at isa sa mga kilalang kompanya na gumagawa ng siopao. Ito ay itinatag noong 1985 ni Robert Kuan bilang katapat ng isang pampublikong kainan na McDonald's. Ang kainan ay binili ng Jollibee Foods Corporation noong 2000.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang kompanya noong 1985 ng magsimulang dumami ang makakanlurang kainan sa Pilipinas. Noong 1989, nagsimulang magdagdag ng mga kainan ang Chowking kahit na alam nilang mahina ang pagtanggap ng tao dito. Nang buksan nila sa mga pribadong mamumuhunan ang kompanya, ito ang naging paraan nila upang makarating sa mga lalawigan ang kanilang kainan. Noong 1 Enero 2000, ito ay naging buong pag-aari na ng Jollibee Foods Corporation, ang pinakamalaking at pinakamaraming kainan sa buong Pilipinas. Ang pagbabago ng pag-aari ay nagdulot sa pagbago ng anyo at pagbabago ng disenyo (logo) ng kainan.
Upang masiguro ang patuloy na paglago, sinubok ng Chowking na magtayo ng kainan sa labas ng bansa. Noong 2008, mayroon ng 400 tindahan ang Chowking sa Pilipinas at sa ibang bansa gayang: Estados Unidos, Gitnang Silangan at Indonesya. Patuloy pa rin pinalalawak ng Chowking ang kanilang sangay sa buong Pilipinas. Upang mapanatili ang kasariwaan ng mga produkto, nagpakalat ng mga komisaryo ang Chowking sa Lungsod ng Muntinlupa at sa Sucat, Paranaque at mga maliliit na lugar sa Iloilo, Cebu, Cagayan De Oro, Davao at Pangasinan. Sa Dubay, pinasisislbihan ng komisaryo ang sampu nitong mga tindahan at pinapalawak pa sa ibang lubar.
Pagpapalawak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2008, inihayag ng Chowking ang pagtatapos ng kanilang makabagong programa na nagkakahalag ng 270 milyong piso (5.65-milyon dolyar ng Estados Unidos), na makakatulog sa patuloy na paglago ng kompanya. Tinaguriang “Project DMSSM” (pagbigkas ay “dimsum”) na dadaloy sa pamamahagi at paggawa. Ang dalawang taong program na sinimulan noong 2006 ay patungkol sa pagpapalawak ng mga Gusaling Pansitan ng Chowking, tinaasan ang antas ng pagiging otomatiko at tinaasan ang antas ng pag-gawa ng produkto sa dalawa nitong komisaryo sa Muntinglupa.