Chuck E. Cheese's

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Chuck E. Cheese's (dating Chuck E. Cheese's Pizza Time Theatre at Chuck E. Cheese's Pizza) ay isang chain ng mga restawran at mga sentro ng libangang pampamilya na mula sa Estados Unidos. Ang pangunahing tatak ng chain ay ang CEC Entertainment, Inc. na may himpilan sa Irving, Texas. Naghahain ang establisyimento ng pizza ang ibang pagpipiliang pagkain, habang mayroon itong mga larong arcade, panlibangang mga sasakyan, at pagpakita ng animatroniko bilang isang pagtuon sa pampamilyang libangan. Hinango ang pangalan ng tatak nito mula sa pangunahing tauhan na animatroniko na si Chuck E. Cheese, isang daga na nagpapatawa, umaawit at may interaksyon sa mga panauhin ng establisyimento.