Pumunta sa nilalaman

Cirio Panganiban

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika.

Sa kanyang pagiging kuwentista ay naiambag niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng Kasalanan na nalathala sa Taliba noong 1920. Ito ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin ang naging dahilan upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway.

Sa larangan ng dula ay napabantog ang kanyang iisahing yugtong dula na may pamagat na Veronidia noong 1927 kung saan ginamit niya ang sagisag sa panulat na Crispin Pinagpala. Itinanghal ang dulang ito sa Dulaang Zorilla sa pamamahala ng Samahang Ilaw at Panitik. Sinasabi ng mga kritiko na ang Veronidia ay nagpasigla at nagbigay-halaga sa dulang Tagalog. Ang Sa Kabukiran ay isang dulang-awit na mula rin sa panulat ni Cirio H. Panganiban.

Bilang makata kung saan siya higit na klnilala ay naipamana niya ang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat sa isang aklat na binlgyan ng pamagat na Salamisim na pinagsikapang ipalathala ni Teodoro Gener nang si Cirio H. Panganiban ay patay na.

Naging alagad siya ni Balagtas sa pagsulat ng tula. Tradisyunal ang istilo nlya sa pagbuo ng tula subalit ng malaunan ay nagbago na rin ng istilo. Unang nakita ang pagbabagong anyo sa kanyang tula sa kanyang mga tulang Manika, Sa Habang Buhay at Three O'Clock in the Morning.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.