Claire de la Fuente
| Claire de la Fuente | |
|---|---|
| Pangalan noong ipinanganak | Clarita Crisostomo Dela Fuente |
| Kapanganakan | 28 Disyembre 1958 |
| Kamatayan | 30 Marso 2021 (62 taong gulang) Las Piñas, Pilipinas |
| Genre | OPM |
| Taong aktibo | 1978–2021 |
| Label | Dyna Viva Records |
| Websayt | clairedelafuente.com |
Si Clarita Crisostomo Dela Fuente-De Guzman, na kilala sa propesyon bilang si Claire dela Fuente.[1] (Disyembre 28, 1958 – Marso 30, 2021). Lumabas si Claire de la Fuente sa ilang pelikula at palabas sa telebisyon, bagaman higit siyang kilala bilang isang tanyag na mang-aawit ng OPM at negosyante.[2] Unang nakilala si Dela Fuente sa pag-awit ng jingle para sa isang patalastas ng sigarilyong Hope noong 1978. , at kalaunan ay sa pag-awit ng awiting "Sayang".[3]
Maagang yugto ng buhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dela Fuente ay nagmula sa Caloocan at isinilang noong Disyembre 28, 1958. Noong siya ay siyam na taong gulang at medyo mataba, si Dela Fuente ay tinukso dahil sa kanyang timbang. Noong siya ay nag-aaral sa mataas na paaralan, nagbenta siya ng pabango, mga kosmetiko, at shampoo na kinuha niya sa Divisoria at Quinta sa kanyang mga kaklase. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Silangan (en. Univerwsity of the East; U.E).[1][4]
Karera sa pag-aawit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dela Fuente ay 15 taong gulang nang manalo siya ng grand prize sa isang paligsahan sa pag-awit sa U.E. Inawit niya ang "Love Me for What I Am" ng sikat na grupong Carpenters. Natuklasan siya ni George Canseco, na punong hurado ng kumpetisyon.[4]
Pinadali ni Canseco ang unang pagpapakita ni Dela Fuente sa pambansang telebisyon nang awitin niya ang jingle para sa isang patalastas ng sigarilyong Hope noong 1978.[5][4][3][6]
Noong una, ginamit niya ang kanyang estado bilang "Hope girl" para makakuha ng mas maraming proyekto. Ang kanyang mga rekording ng "This Girl Has Turned into a Woman" at "Take My Hand For Awhile" ay hindi gaanong nagtagumpay.[3]
Sumali siya sa Dyna Records kung saan nakilala siya sa kanyang pag-awit ng awiting "Sayang". Ang awiting ito ay adaptasyon ng isang awiting Malaysian. Ipinakilala ni Marilyn Villapando ang mga titik sa Tagalog upang malikha ang "Sayang".[3]
Si Dela Fuente ay madalas na ikinukumpara sa Amerikanong mang-aawit na si Karen Carpenter.[5][7]
Binigyan siya ng iba't-ibang bansag tulad ng "Asia's Sweetest Voice" at "Queen of Tagalog Songs". Itinuring din siyang "Reyna ng Jukebox" (en. Jukebox Queen), isang pagkilalang binigay rin kina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Didith Reyes.[7]
Lumabas si Dela Fuente sa pagreretiro noong 2006 matapos siyang mabalo.[3] Noong 2008, nakipagtulungan siya kay Richard Carpenter para sa kanyang internasyonal na album na Something in Your Eyes kung saan inawit niya ang cover ng awit na may kaparehong pamagat.[8][9]
Karera sa negosyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagretiro si Dela Fuente mula sa industriya ng paglilibang noong siya ay nasa kalagitnaan ng edad na 20s. Noong 1993, itinatag niya ang King of Kings Transport na isang nabigong negosyo. Noong 1997, tumulong siya sa pagtatatag ng kumpanya ng transportasyong bus na pagmamay-ari ng pamilya, ang Philippine Corinthian Liner. Noong 2000, si dela Fuente ay nahalal bilang pangulo ng Integrated Metro Bus Operators Association.[4]
Pinangunahan ni Dela Fuente ang isang welga sa transportasyon noong 2003 upang tutulan ang pagpapataw ng number coding scheme sa Metro Manila para sa mga pampublikong sasakyan.[4]
Noong 2011, kinansela ang mga prangkisa ng 129 na yunit ng Philippine Corinthian Liner.[10]
Nagtatag din siya ng isang chain ng restawran ng ihawan at pagkaing-dagat sa Pasay. Nakipagsosyo siya sa isang chef na Thai na nakabase sa Lungsod ng Davao upang itayo ang Asian Noodle Co. ni Chef Off noong 2011.[7]
Personal na buhay at pagpanaw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Dela Fuente ay ikinasal sa negosyanteng si Moises "Boy" de Guzman. Siya ay 19 taong gulang at si de Guzman naman ay 29 na taon nang sila ay ikinasal; at sila ay may dalawang anak na lalaki. Nabiyuda si Claire Dela Fuente kay de Guzman noong 2006 sanhi sa karamdaman. Pumawi naman si Dela Fuente noong Marso 30, 2021 sa edad na 62, dahil sa cardiac arrest na nagmula sa mga komplikasyon ng COVID-19. Siya ay ipinasok sa Pope John Paul II Hospital and Medical Center sa Las Piñas,[11][12] kung saan siya naka-ospital matapos mag-positibo sa COVID-19.[13] Siya ay may iba pang mga naunang kondisyong medikal tulad ng hypertension at diabetes.[14]
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pamagat |
|---|---|
| 1980 | Nang Bumuka ang Sampaguita |
| 1982 | Moral |
| 2017 | I Can See Your Voice |
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga album
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Titulo | Mga detalye ng album | Sertipikasyon |
|---|---|---|
| Sayang |
|
|
| Mga Bulong ng Pag-ibig |
|
|
| Nangingiti ang Puso Ko |
|
|
| Claire |
|
|
| Ikaw ang Simula |
|
|
| The Christmas Album |
Mga kompilasyon na album
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Titulo | Mga detalye ng album | Sertipikasyon |
|---|---|---|
| Claire: Greatest Hits |
|
|
| The Best of Claire |
|
PARI: Gantimpalang Platinum (x2) |
| Sayang |
|
|
Mga single
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Baliw"[15]
- "'Di Magbabago"
- "Ibulong Mo sa Hangin"
- "Ikaw ang Simula"
- "Kailangan Ko'y Ikaw"
- "Makikita Mo"
- "Marupok Ka Man"
- "Mga Bulong ng Pag-Ibig"
- "Mga Nakaw na Sandali"
- "Minsan Minsan"
- "Nakaw na Pag-Ibig"
- "Nangingiti ang Puso Ko"
- "Pag-Ibig Mo... Langit Ko"
- "Sa Dulo ng Landas"
- "[[Something in Your Eyes" (likha ni Richard Carpenter)
- "Sayang"
- "Unang Pag-Ibig"
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 "Singer Claire Dela Fuente, 62". BusinessWorld. 30 March 2021. Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ "Claire Dela Fuente".
- 1 2 3 4 5 "OPM icon Claire De la Fuente: 'I was there at the right place at the right time'". ABS-CBN Entertainment. 1 April 2021. Nakuha noong 22 August 2025.
- 1 2 3 4 5 Salaverria, Leila (26 May 2003). "From songbird to transport leader". www.inq7.net. Inquirer News Service. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 November 2005. Nakuha noong 22 August 2025.
- 1 2 "De la Fuente is RP's 'Karen Carpenter'". Balita.com. Balita Media Inc. 22 January 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 November 2007. Nakuha noong 25 August 2025.
- ↑ "Claire dela Fuente: Still with an audience". PEP.ph (sa wikang Ingles). Philippine Entertainment Portal, Inc. 30 January 2009. Nakuha noong 22 August 2025.
- 1 2 3 Baclig, Cristina Eloisa (30 March 2021). "Who was Claire dela Fuente?". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ Lo, Ricky (7 December 2007). "Claire to record original Carpenter song". The Philippine Star. Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ Lo, Ricky (15 October 2008). "Claire: The soundtrack of her life". The Philippine Star. Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ Montecillo, Paolo G. (9 November 2011). "LTFRB cancels franchise of Claire de la Fuente's bus line 'permanently'". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ Requintina, Robert (March 30, 2021). "Claire dela Fuente passes away". Manila Bulletin. Nakuha noong March 30, 2021.
- ↑ Dumaual, Mario (March 30, 2021). "Claire de la Fuentes' son Gigo rues her sudden passing: 'Ang last thought niya ayaw niya akong iwanan'". ABS-CBN News. Nakuha noong March 30, 2021.
- ↑ Felipe, MJ (March 30, 2021). "OPM icon Claire dela Fuente passes away". ABS-CBN News. Nakuha noong March 30, 2021.
- ↑ Biong, Ian (30 March 2021). "Claire dela Fuente, OPM icon, passes away at 63". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 August 2025.
- ↑ Songs of Claire Dela Fuente