ClariS
Ang ClariS ay isang Hapon na idol unit mula sa Hokkaido. Una sila nakilala bilang "Alice Clara" sa website na Nico Nico Douga, kung saan gumawa sila ng mga cover ng mga kanta galing sa mga anime at kinanta ng mga Vocaloid.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Oktubre 2010, inilabas ng ClariS ang kanilang unang single, ang "irony", na ginamit bilang opening theme ng anime na Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai.[2] Ang kanilang pangalawang single, ang "Connect", ay inilabas noong Pebrero 2, 2011 at ginamit sa anime na Puella Magi Madoka Magica. [3] Ang kanilang pangatlong single, ang "Nexus", ay inilabas noong Setyembre 14, 2011.[4], habang ang kanilang pang-apat na single, ang "Naisho no Hanashi" (ナイショの話, "Liham na Pag-uusap") ay inilabas noong Pebrero 2, 2012 at ginamit sa anime na Nisemonogatari. Inilabas nila ang kanilang unang album, ang Birthday, noong Abril 11, 2012. Inilabas nila ang "Wake Up", ang kanilang pang-limang single, noong Agosto 15, 2012.[5] Ang "Wake Up" ay ginamit sa anime na Moyashimon Returns. Ang kanilang pang-anim na single, ang "Luminous" ay inilabas noong Oktubre 10, 2012 at ginamit sa mga pelikula ng Puella Magi Madoka Magica. Ang kanilang pang-pitong single, ang "Reunion", ay ilalabas sa Abril 17, 2013 at gagamitin sa pangalawang season ng Ore no Imōto ga Konna ni Kawaii Wake ga Nai.[6]
Sa kasalukuyan, hindi naglalabas ang ClariS ng kanilang mga litrato o lumalabas sa publiko upang hindi maka-apekto ang kanilang karera sa kanilang pag-aaral.[7][8][9] Sa halip, may mga ilustrador na gumuguhit ng kanilang mga larawan.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "アリス★クララ さんの公開マイリスト" [Alice Clara's Public My List] (sa wikang Hapones). Nico Nico Douga. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-13. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "irony(通常盤)【初回限定仕様】" (sa wikang Hapones). Sony Music Entertainment Japan. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "コネクト (通常盤)【初回限定仕様】" (sa wikang Hapones). Sony Music Entertainment Japan. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nexus" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Wake Up" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ClariS to Perform Oreimo's 2nd Season Opening". Anime News Network. Enero 25, 2013. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ClariS、着うた(R)でいきなり1位の大金星". Barks (sa wikang Hapones). IT Media. Oktubre 9, 2010. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ClariSの2人が中学校を卒業、これからは現役高校生ユニットに" (sa wikang Hapones). Marso 15, 2012. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 Arimoto, Kazuki (Setyembre 10, 2010). "異例づくめ!現役女子中学生2人組「ClariS(クラリス)」が『俺の妹が…』OP曲でデビュー" (sa wikang Hapones). NEC Biglobe. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-24. Nakuha noong Abril 2, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |