Coco Levy Fund Scam
Ang Coco Levy Fund Scam ay isang kontrobersiya noong mga 1970 at 1980 sa Pilipinas na kinasasangkutan ni Pangulong Ferdinand Marcos at kanyang mga crony.
Sa ilalim ni Marcos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinasabing sina Marcos, Danding Cojuangco,[1] Juan Ponce Enrile at Lobregat[2] ay nagsabwatan upang buwisan ang mga magsasaka ng buko na nangangako sa kanila ng pagpapaunlad ng industriya ng buko at isang bahagi sa mga pamumuhunan ng pondong nalikom. Sa loob ng 10 taon mula 1971 sa tinawag na Coconut Investment Fund (CIF), ang mga magsasaka ng buko ay nagbayad ng P0.55 kada 100 kilo ng copra na kanilang ibinenta sa mga maggigiling at mga tagapagluwas. Noong 1973, ang Coconut Consumers Stabilization Fund (CCSF) ay nilikha at sa loob ng siyam na taon, ang magsasaka ng buko ay binuwisan ng karagdagang P15 kada 100 kilo ng copra. Sa mga sumunod na taon, ito ay tumaas ng P100 kada 100 kilos ng copra ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ang nalikom na buwis ay nagkakahalagang P9.7 bilyong piso at tinantiyang lumago na nagkakahalaga ngayong mga P100-150 bilyon. Sa paglipas ng panahon, ang mga magsasaka ay pinagkaitan ng benepisyo mula sa mga coco levy fund. Sinasabing ang pondo ng buwis ng buko ay ginamit sa pansariling kapakinabangan kabilang ang pagbili ng administrador ng coco levy fund na si Danding Cojuangco ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na siya ang naging pangulo at pagbili ng 47 porsiyento ng San Miguel Corporation (SMC) na gumagawa kay Cojuangco na chair ng SMC. Gamit ang coco levy fund, ang mga gilingan ng buko at mga kompanya ng kalakalan ay binili upang bumuo ng isang monopolyo ng indstriya ng buko na tinawag United Coconut Oil Mills na si Cojuangco ang pangulo. Ang isang kontrata ay isinagawa sa pagitan ni Cojuangco bilang pangulo ng UPCB at administrador ng coco levy fund at sa kanyang sarili bilang may ari ng Agriculture Investment Inc. (AII) na isang maliit na kompanya na may simulang kapital lamang na 100,000 piso. Ang kontrata ay paghahatid ng 100 milyong hybrid seedling ng buko sa Philcoa/UPCB sa loob ng limang taon. Ang kontrata ay sinasabing nagkakahalaga ng 980 milyong piso na kinuha mula sa coco levy fund. Noong 1976, inisyu ni marcos ang Presidential Decree 961 na nag-aamiyenda sa mga nakaraang decree at nagdedeklarang ang coco levy ay isang pribadong pondo na kabilang sa mga magsasaka ng buko sa kanilang pribadong kapasidad. Ito ay upang pigilan ang Commission on Audit(COA) na iaudit ang coco levy fund.[3] Noong 1980, inilabas ni Marcos ang Presidential Decree 1699 na nagdedeklara sa coco levy fund tax burden at naglilipat ng burden mula sa mga magsasaka ng buko hanggang sa manggigiling at nagpapanatili ng pribadong kalikasan ng coco levy fund. Ang Presidential Decree 1699 ay epektibong nag-aalis ng pag-aari ng coco levy fund mula sa mga magsasaka ng buko, pamahalaan at mga manggigiling. Dahil wala na sa pag-aari ang coco levy fund ng sinuman, naging madali para ilagay ang mga ito sa pangalan ni Marcos at kanyang mga crony gaya ng natuklasan ng Commission on Audit(COA) noong 1986.[3] Noong 1982, si Marcos ay naglabas ng Executive Order 828 na nag-aangat ng koleksiyon ng coco levy at pagbabawal ng pagluluwas ng mga produktong buko maliban sa pamamagitan ng Unicom na pag-aari ni Cojuangco.
Sa ilalim ni Corazon Aquino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino, ang 100 opisyal ng Cocofed na pinangunahan nina Cojuangco at Lobregat ay kinasuhan ng pakikipagsabwatan sa coco levy scam[1] at ang 100 bilyong piso ng coco levy fund ay sinamsam ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa ilalim ni Ramos
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Pangulong Fidel Ramos ay naglabas ng mga Executive Order 277 at 481 na nagdedeklara sa coco levy funds bilang mga pondong pampubliko. Gayunpaman, pinigilan ng korte ang pagpapatupad ng dalawang mga Executive Order ni Ramos. Nakipag-usap ang Bise-Presidente sa panahong ito na si Joseph Estrada sa Punong Mahistradong si Andres Narvasa na paantalahin ang desisyon ng korte suprema ng Pilipinas sa coco levy funds bilang mga pondong pampubliko.
Sa ilalim ni Estrada
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada, ang pag-aari at kontrol ng coco levy funds ay ibinalik ni Estrada kay Cojuangco sa kabila ng mga nakabinbing kaso laban sa kanya.[1] Ang isang "compromise settlement" sa pagitan ng mga magsasaka at ni Cojuangco ay sinimulan rin. Ang Executive Order 313 ay inilabas ni Estrada na naghahayag sa coco levy funds bilang pribado at nagbigay autorisasyon sa paggamit ng mga proceed upang bayaran ng buo ang mga nagpautang na aktuwal na mga crony o dummy ng mga stockholder.[1]
Sa ilalim ni Arroyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniulat na nakipagkasundo si Pangulong Gloria Arroyo kay Cojuangco na hikayatin ang mga magsasaka ng buko na makipag-ayos sa labas ng korte kung saan ang kalahati ng mga pondo ay ibibigay sa mga magsasaka ng buko pagkatapos bayaran ang mga nagpautang.[1]
Sa ilalim ni Noynoy Aquino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa desiyon ng Korte Suprema noong Enero 24, 2012, idineklara ng Korte Suprema na ang mga pag-aari ng San Miguel Corporation sa ngalan ng 14 mga holding company na itinayo sa ilalim ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) at Oil Mills Group (OMG) ay binili gamit ang coco levy funds at kaya ay pag-aari ng pamahalaan na gagamitin para sa kapakinabangan ng lahat ng mga magsasaka ng buko at pagpapaunlad ng industriya ng buko. Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng sandiganbayan noong Mayo 2004 na nagkakaloob ng 27 porsiyento ng 51 porsiyentong bahagi ng San Miguel Corportation sa pamahalaan ng Pilipinas. Noong Abril 2011, ang isa pang 20 porsiyento ng bahagi San Miguel Corporation na nagkakahalagang P58 bilyon ay pinagkaloob ng Korte suprema kay Danding Cojuangco.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 http://www.pcaph.org/docs/When%20Marcos%20was%20deposed%20status%20of%20coco%20levy%20funds.pdf[patay na link]
- ↑ http://www.questia.com/library/1G1-110169047/cojuangco-lobregat-enrile-charged-with-coco-levy[patay na link]
- ↑ 3.0 3.1 http://news.google.com/newspapers?id=AH42AAAAIBAJ&sjid=hCUMAAAAIBAJ&pg=2767,10050417