Coffea arabica
Coffea arabica | |
---|---|
Mga bulaklak ng Coffea arabica | |
![]() | |
Bunga ng Coffea arabica | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Gentianales |
Pamilya: | Rubiaceae |
Sari: | Coffea |
Espesye: | C. arabica
|
Pangalang binomial | |
Coffea arabica |
Ang Coffea arabica ( /əˈræbɪkə/), kilala rin bilang kapeng Arabika, ay isang uri ng halamang namumulaklak na kabilang sa pamilya ng kape at madder, ang Rubiaceae. Pinaniniwalaang ito ang unang uri ng kape na nilinang at ito rin ang nangingibabaw na kultibar, na kumakatawan sa humigit-kumulang 60% ng pandaigdigang produksiyon.[2] Ang kape mula sa mas maasido, mas mapait, at mas kapeinadong butil ng robusta (C. canephora) ay bumubuo sa karamihan ng natitirang produksiyon ng kape. Limitado ang mga natural na populasyon ng Coffea arabica sa kagubatan ng Timog Etiyopiya at Yemen.[3][4]
Taksonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang inilarawan ang Coffea arabica sa agham ni Antoine de Jussieu, na pinangalanan itong Jasminum arabicum matapos pag-aralan ang isang ispesimen mula sa Mga Harding Botaniko ng Amsterdam. Inilagay ito ni Linnaeus sa sarili nitong henera, Coffea, noong 1737.[5]:14
Ang Coffea arabica ay isa sa poliploydeng espesye ng henerang Coffea, dahil nagdadala ito ng apat na kopya ng labing-isang kromosoma (44 sa kabuuan) sa halip na 2 kopya tulad ng sa mga diploydeng espesye. Sa partikular, ang Coffea arabica ay bunga mismo ng paghihibrido sa pagitan ng mga diploydeng Coffea canephora at Coffea eugenioides,[6] kaya ito ay maituturing na isang alotetraployde, na may tigalawang kopya ng dalawang magkaibang henoma. Tinatantiyang naganap ang paghihibridong pinagmulan ng Coffea arabica sa pagitan ng 1.08 milyon at 543,000 taon na ang nakalipas, at ito’y inuugnay sa nagbababagong mga kalagayang pangkalikasan sa Silangang Aprika.[7][8]
Distribusyon at tirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Endemiko sa timog-kanlurang kabundukan ng Etiyopiya,[9] itinatanim ang Coffea arabica sa dose-dosenang bansa sa pagitan ng Tropiko ng Kaprikorn at Tropiko ng Kanser.[10] Karaniwan itong ginagamit bilang palumpong sa ilalim ng mas matataas na punongkahoy. Narekober din ito mula sa Talampas ng Boma sa Timog Sudan. Matatagpuan din ang Coffea arabica sa Bundok Marsabit sa hilagang Kenya, ngunit hindi tiyak kung ito'y tunay na katutubo o nanaturalisa lamang; ayon sa mga kamakailang pag-aaral, ito ay nanaturalisa.[11][5]:20 Malawakan itong nanaturalisa sa mga lugar sa labas ng katutubong pinagmulan nito, sa maraming bahagi ng Aprika, Amerikang Latino, Timog-silangang Asya, Indiya, Tsina, at sari-saring pulo sa Karibe at Pasipiko.[12]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kauna-unahang nakasulat na tala tungkol sa kape na gawa sa binusang butil (o binhi) ng kape ay nagmula sa mga Arabeng iskolar, na nagsabing nakatutulong ito sa pagpapalawig ng kanilang oras ng pagtatrabaho. Mula sa Yemen, kumalat ang inobasyong Arabe ng paggawa ng inuming kape mula sa binusang mga butil, una sa mga Ehipsyo at Turko, at kalaunan ay lumaganap sa buong mundo. Pinaniniwalaan ng ilang iskolar ang halamang kape ay ipinakilala mula sa Yemen, batay sa isang tradisyong Yemeni na nagsasabing kapwa itinanim ang mga punla ng kape at qat sa Udein ('ang dalawang sanga') sa Yemen noong panahong pre-Islamiko.[13]
Paglinang at paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kumakatawan sa 60% ng pandaigdigang produksiyon ng kape ang Coffea arabica.[2][14]
Kaya ng halaman ang mababang temperatura, ngunit hindi ang hamog na nagyelo, at pinakamainam ito sa karaniwang temperaturang nasa pagitan ng 15 at 24 °C (59 at 75 °F).[15] Kadalasang lumalaki lamang ang mga komersiyal na kultibar hanggang humigit-kumulang 5 m, at madalas na pinuputol hanggang 2 m upang mapadali ang pag-aani. Hindi tulad ng Coffea canephora, mas gusto ng C. arabica na lumago sa bahagyang lilim.[16]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Moat, J.; O'Sullivan, R.J.; Gole, T.W.; Davis, A.P. (2020). "Coffea arabica". IUCN Red List of Threatened Species. 2020: e.T18289789A174149937. doi:10.2305/IUCN.UK.2020-2.RLTS.T18289789A174149937.en. Nakuha noong 19 Nobyembre 2021.
- ↑ 2.0 2.1 "Coffee: World Markets and Trade" [Kape: Mga Pandaigdigang Merkado at Kalakalan] (PDF) (sa wikang Ingles). United States Department of Agriculture – Foreign Agricultural Service. 16 Hunyo 2017. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Disyembre 2017. Nakuha noong 8 Disyembre 2017 – sa pamamagitan ni/ng Cornell University.
- ↑ Meyer, Frederick G. (1965). "Notes on wild Coffea arabica from Southwestern Ethiopia, with some historical considerations" [Mga tala tungkol sa ligaw na Coffea arabica mula sa Timog-kanlurang Etiyopiya, na may ilang makasaysayang konsiderasyon]. Economic Botany (sa wikang Ingles). 19: 136–151.
- ↑ Söndahl, M. R.; van der Vossen, H. A. M. (2005). "The plant: Origin, production and botany" [Ang halaman: Pinagmulan, produksiyon at botanika]. Sa Illy, Andrea; Viani, Rinantonio (mga pat.). Espresso Coffee: The Science of Quality [Kapeng Espresso: Ang Agham ng Kalidad] (sa wikang Ingles) (ika-Second (na) edisyon). Elsevier Academic Press. p. 21. ISBN 978-0-12-370371-2.
- ↑ 5.0 5.1 Charrier, A.; Berthaud, J. (1985). "Botanical Classification of Coffee" [Botanikal na Pag-uuri ng Kape]. Sa Clifford, M. H.; Wilson, K. C. (mga pat.). Coffee: Botany, Biochemistry and Production of Beans and Beverage [Kape: Botanika, Biyokimika at Produksiyon ng Mga Butil at Inumin] (sa wikang Ingles). Westport, Connecticut: AVI Publishing. ISBN 978-0-7099-0787-9.
- ↑ Lashermes, P.; Combes, M.-C.; Robert, J.; Trouslot, P.; D'Hont, A.; Anthony, F.; Charrier, A. (1999-03-01). "Molecular characterisation and origin of the Coffea arabica L. genome" [Molekular na karakterisasyon at pinagmulan ng henoma ng Coffea arabica L.]. Molecular and General Genetics (sa wikang Ingles). 261 (2): 259–266. doi:10.1007/s004380050965. ISSN 0026-8925. PMID 10102360.
- ↑ Yves Bawin, Tom Ruttink, Ariane Staelens, Annelies Haegeman, Piet Stoffelen, Jean-Claude Ithe Mwanga Mwanga, Isabel Roldán-Ruiz, Olivier Honnay, Steven B. Janssens (2020). "Phylogenomic analysis clarifies the evolutionary origin of Coffea arabica" [Pagsusuring pilohenomiko, nililinaw ang pinagmulang ebolusyon ng Coffea arabica]. Journal of Systematics and Evolution (sa wikang Ingles). 59 (5): 953–963. doi:10.1111/jse.12694.
{{cite journal}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Salojärvi, Jarkko; Rambani, Aditi; Yu, Zhe; Guyot, Romain; Strickler, Susan; Lepelley, Maud; Wang, Cui; Rajaraman, Sitaram; Rastas, Pasi; Zheng, Chunfang; Muñoz, Daniella Santos (2024). "The genome and population genomics of allopolyploid Coffea arabica reveal the diversification history of modern coffee cultivars" [Ang henoma at henomiko ng populasyon ng alopoliploydeng Coffea arabica, ibinubunyag ang kasaysayang pagkasari-sari ng mga modernong kultibar ng kape]. Nature Genetics (sa wikang Ingles). 56 (4): 721–731. doi:10.1038/s41588-024-01695-w. PMC 11018527. PMID 38622339.
- ↑ Martinez-Torres, Maria Elena (2006). Organic Coffee [Organikong Kape] (sa wikang Ingles). Ohio University. ISBN 9780896802476. Nakuha noong 26 Enero 2016.
- ↑ Hoffmann, James (2018). The World Atlas of Coffee 2nd Edition [Ang Pandaigdigang Atlas ng Kape Ika-2 Edisyon] (sa wikang Ingles). Great Britain: Mitchell Beazley. p. 12. ISBN 978-1-78472-429-0.
- ↑ Moat, J.; O'Sullivan, R. J.; Gole, T.; Davis, A. P. (2020). "Coffea arabica". IUCN Red List of Threatened Species. 2020: e.T18289789A174149937. doi:10.2305/IUCN.UK.2020-2.RLTS.T18289789A174149937.en.
- ↑ Kew World Checklist of Selected Plant Families, Coffea arabica
- ↑ Western Arabia and the Red Sea [Kanlurang Arabya at ang Dagat Pula] (sa wikang Ingles), Naval Intelligence Division, London 2005, pa. 490 ISBN 0-7103-1034-X
- ↑ Marchant, Andrew (Pebrero 4, 2023). "Intro to Arabica Coffee - Is 100% Arabica the Best Coffee?" [Panimula sa Kapeng Arabika - 100% Arabika Ba ang Pinakamagandang Kape?]. Make Espresso (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 1, 2023. Nakuha noong Marso 1, 2023.
- ↑ Taye Kufa Obso (2006). Ecophysiological Diversity of Wild Arabica Coffee Populations in Ethiopia: Growth, Water Relations and Hydraulic Characteristics Along a Climatic Gradient [Ekopisyolohikal na Pagkakaiba-iba ng mga Populasyon ng Ligaw na Kapeng Arabika sa Etiyopiya: Pagtubo, Ugnayan sa Tubig, at mga Katangiang Hidroliko sa Isang Klimatikong Gradyente] (sa wikang Ingles). Cuvillier Verlag. p. 10. ISBN 978-3-86727-990-1.
- ↑ Prado, Sara Guiti; Collazo, Jaime A.; Stevenson, Philip C.; Irwin, Rebecca E. (2019-05-14). "A comparison of coffee floral traits under two different agricultural practices" [Isang paghahambing ng mga katangiang bulaklakin ng kape sa ilalim ng dalawang magkaibang kasanayan sa agrikultura]. Scientific Reports (sa wikang Ingles). 9 (1): 7331. Bibcode:2019NatSR...9.7331P. doi:10.1038/s41598-019-43753-y. ISSN 2045-2322. PMC 6517588. PMID 31089179.