Coffea canephora
Kapeng robusta | |
---|---|
![]() | |
Mga bunga ng Coffea canephora | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Asterids |
Orden: | Gentianales |
Pamilya: | Rubiaceae |
Sari: | Coffea |
Espesye: | C. canephora
|
Pangalang binomial | |
Coffea canephora Pierre ex A.Froehner
| |
Kasingkahulugan | |
Coffea robusta L.Linden |
Ang Coffea canephora (lalo na ang C. canephora var. robusta, na mas laganap sa pagtatanim kaya't kadalasang tinatawag lamang na Coffea robusta, o karaniwang kapeng robusta) ay isang uri ng halamang kape na nagmula sa gitna at kanlurang bahagi ng sub-Saharyanang Aprika. Isa itong espesye ng halamang namumulaklak sa pamilyang Rubiaceae. Bagama't malawak na kilala bilang Coffea robusta, ang halaman ay siyentipikong kinikilala bilang Coffea canephora, na may dalawang pangunahing uri: robusta at nganda.[2]
Kumakatawan ang Coffea robusta ng 40% hanggang 45% ng pandaigdigang produksiyon ng kape, at Coffea arabica ang bumubuo sa karamihan ng natitirang bahagi.[3][4] May ilang pagkakaiba sa komposisyon ng mga butil ng kape mula sa C. arabica at C. robusta.[5][6] Ang mga butil mula sa C. robusta ay may mas mababang asididad, mas matinding kapaitan, at mas makahoy at di-gaanong prutas na lasa kumpara sa mga butil ng C. arabica. Ginagamit ang karamihan nito para sa agarang kape.
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang robusta ay isang espesye ng halamang namumulaklak sa pamilyang Rubiaceae. Bagama't malawak na kilala sa katawagang Coffea robusta, ang halaman ay kasalukuyang kinikilala sa agham bilang Coffea canephora, na may dalawang pangunahing uri: C. c. robusta at C. c. nganda.[2] May mababaw na sistema ng ugat ang halaman at tumutubo ito bilang isang matibay na puno o palumpong na umaabot sa mga 10 metro (33 tal) ang taas. Hindi regular ang pamumulaklak nito, at tumatagal ng humigit-kumulang 10-11 buwan bago mahinog ang mga beri, na namumunga ng mga butil na hugis-itlog.
Mas mataas ang ani ng halamang robusta kaysa sa arabika, naglalaman ito ng mas maraming kapeina (2.7% kumpara sa 1.5% ng arabika), [7] at mas kaunti namang asukal (3-7% kumpara sa 6-9% ng arabika).[8] Dahil hindi ito gaanong tinatablan ng mga peste at sakit kumpara sa arabika,[9] mas kaunti ang kinakailangang herbisidyo at pestisidyo.
Katutubong distribusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katutubong tumutubo ang C. canephora sa Kanluran at Gitnang Aprika mula Liberya hanggang Tansanya, at patimog sa Angola. Hindi ito kinilala bilang isang espesye ng Coffea hanggang noong 1897,[10] mahigit isang daang taon matapos makilala ang Coffea arabica.[11][7] Naturalisado rin umano ito sa Borneo, Polinesyang Pranses, Kosta Rika, Nikaragwa, Hamayka at sa mga Antilas Menores.[12] Noong 1927, may natuklasang hibrido ng robusta at arabika sa Timor. Kalaunan, ginamit ang lahing ito sa pagpaparami ng mga halaman na lumalaban sa kalawang ng kape.[13]
Paglinang at paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang robusta ay may pinagmulan sa gitna at kanlurang bahagi ng sub-Saharyanong Aprika.[2] Madali itong alagaan, mas mataas ang ani, halos doble ang taglay nitong kapeina at mas marami rin itong antioksidante,[14] at hindi gaanong madaling kapitan ng sakit kumpara sa arabika. Kumakatawan ito sa 43% ng pandaigdigang produksiyon ng kape, kung saan bumubuo ang arabika sa natitira, maliban sa 1.5% na kinakatawan ng Coffea liberica.[15]
Kadalasang itinatanim ito sa Biyetnam, kung saan ipinakilala ito ng mga kolonistang Pranses noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Gayunman, itinatanim din ito sa Indiya, Aprika, at sa Brasil, kung saan malawak na nililinang ang uring conilon.[16] Ang Biyetnam, na pangunahing nagtatanim ng robusta, ay naging pinakamalaking tagaluwas ng kapeng robusta sa buong mundo, na bumubuo sa higit sa 40% ng kabuuang produksiyon.[15] Nahigitan nito ang Brasil (25% ng pandaigdigang produksiyon), Indonesya (13%), Indiya (5%), at Uganda (5%).[15] Pinakamalaking prodyuser pa rin ng kape sa buong mundo ang Brasil, na gumagawa ng halos isang-katlo ng pandaigdigang produksiyon ng kape, ngunit 69% nito ay C. arabica.[15]
Dahil mas madaling alagaan ang robusta at mas marami ang ani kumpara sa C. arabica, mas mura itong iprodyus.[17] Ang binusang butil ng robusta ay gumagawa ng matapang at buong-katawang kape na may natatanging malupang lasa, ngunit karaniwang mas mapait kaysa sa arabika dahil sa nilalaman nitong pirasina.[18][19]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Mga palumpong na Robusta sa Kodagu
-
Malapitang larawan ng mga bulaklak
-
Hilaw na (o 'berdeng') butil ng robusta
-
Tradisyonal na pagpapatuyo ng mga butil ng kape sa Kalibaru, Indonesya
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chadburn, H.; Davis, A.P. (2017). "Coffea canephora". IUCN Red List of Threatened Species. 2017: e.T18290186A18539466. doi:10.2305/IUCN.UK.2017-3.RLTS.T18290186A18539466.en. Nakuha noong 19 Nobyembre 2021.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 J. Dagoon (2005). Agriculture & Fishery Technology Iv [Teknolohiya ng Agrikultura at Pangingisda Iv] (sa wikang Ingles). Rex Bookstore, Inc. p. 58. ISBN 9789712342233. Nakuha noong 22 Hulyo 2011.
- ↑ "World Robusta coffee production 2022" [Pandaigdigang produksiyon ng kapeng Robusta noong 2022]. Statista (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-19.
- ↑ "World Arabica coffee production 2022" [Pandaigdigang produksiyon ng kapeng Arabica noong 2022]. Statista (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-19.
- ↑ R Urgert and M B Katan (1 Nobyembre 1996). "The cholesterol-raising factor from coffee beans" [Ang salik na nagpapataas ng kolesterol mula sa mga butil ng kape.]. Journal of the Royal Society of Medicine (sa wikang Ingles). 89 (11): 618–623. doi:10.1177/014107689608901107. PMC 1295997. PMID 9135590.
- ↑ Gaia Vince (16 Nobyembre 2005). "Decaffeinated coffee may be harmful to heart" [Kapeng di-kapeinado, maaaring makapinsala sa puso]. New Scientist (sa wikang Ingles). Mukhang may pagkakamali itong artikulo sa paggamit ng salitang "dipteno" sa halip na "diterpeno", at tila sumasalungat din sa sanggunian sa itaas.
- ↑ 7.0 7.1 Mark Nesbitt (2005). The Cultural History of Plants [Ang Kasaysayang Kultural ng mga Halaman] (sa wikang Ingles). Taylor & Francis. pp. 176–177. ISBN 978-0-203-02090-6. Nakuha noong 22 Hulyo 2011.
- ↑ "Understanding the Difference: Arabica vs Robusta" [Pag-uunawa sa Pagkakaiba: Arabica k. Robusta] (sa wikang Ingles). The Coffee Barrister. 31 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Agosto 2016. Nakuha noong 2 Agosto 2016.
- ↑ Benoit Daviron; Stefano Ponte (2005). The Coffee Paradox: Global Markets, Commodity Trade and the Elusive Promise of Development [Ang Balintuna ng Kape: Mga Pandaigdigang Merkado, Kalakalan ng Paninda at ang Mailap na Pangako ng Pag-uunlad] (sa wikang Ingles). Zed Books. p. 51. ISBN 978-1-84277-457-1.
- ↑ Adolf, Engler (1895–1918). "Notizblatt des Königlichen Botanischen Gartens und Museums zu Berlin" (sa wikang Aleman). In Commission bei Wilhelm Engelmann.
- ↑ Linné, Carl von; Lars, Salvius (1753). Caroli Linnaei ... Species plantarum (sa wikang Ingles). Bol. 1. Impensis Laurentii Salvii.
- ↑ "World Checklist of Selected Plant Families: Royal Botanic Gardens, Kew" [Pandaigdigang Tseklist ng mga Piling Pamilyang Halaman: Royal Botanic Gardens, Kew]. apps.kew.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-08-01.
- ↑ Penarredonda, Jose Luis (6 Nobyembre 2017). "The disease that could change how we drink coffee" [Ang sakit na maaaring magbago kung paano tayo umiinom ng kape]. BBC: In depth, Food (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Nobyembre 2017.
- ↑ Vignoli, J. A.; Bassoli, D. G.; Benassi, M. T. (2011). "Antioxidant activity, polyphenols, caffeine and melanoidins in soluble coffee: The influence of processing conditions and raw material" [Aktibidad ng antioksidante, polipenol, kapeina at melanoydina sa natutunaw na kape: Ang impluwensya ng mga kondisyon ng pagproseso at hilaw na materyal]. Food Chemistry (sa wikang Ingles). 124 (3): 863–868. doi:10.1016/j.foodchem.2010.07.008.
- ↑ 15.0 15.1 15.2 15.3 "Coffee: World Markets and Trade" [Kape: Mga Pandaigdigang Merkado at Kalakalan] (PDF) (sa wikang Ingles). United States Department of Agriculture – Foreign Agricultural Service. Disyembre 2019. Nakuha noong 8 Mayo 2020.
- ↑ A. Rami Horowitz (2004). Insect pest management: field and protected crops [Pagkontrol sa mga insektong peste: mga pananim sa bukirin at protektadong lugar] (sa wikang Ingles). Springer. p. 41. ISBN 978-3-540-20755-9. Nakuha noong 23 Agosto 2011.
- ↑ Miyanari, Walter (2008). Aloha Coffee Island [Aloha Pulo ng Kape] (sa wikang Ingles). Savant Books & Publications. p. 7. ISBN 978-0-615-18348-0. Nakuha noong 13 December 2011.
- ↑ Andrew J. Taylor, Robert Linforth (2010). Food Flavour Technology [Teknolohiya ng Lasa ng Pagkain] (sa wikang Ingles). John Wiley and Sons. p. 68. ISBN 978-1-4443-1778-7. Nakuha noong 13 December 2011.
- ↑ Wintgens, Jean Nicolas (2009). Coffee: Growing, Processing, Sustainable Production: A Guidebook for Growers [Kape: Pagtatanim, Pagpoproseso, Sustenableng Produksiyon: Isang Aklat Panggabay para sa mga Nagtatanim] (sa wikang Ingles). Wiley-VCH. p. 799. ISBN 978-3-527-32286-2. Nakuha noong 13 Disyembre 2011.[patay na link]