Pumunta sa nilalaman

Digmaang Malamig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cold War)
Ang dating Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan (nasa kaliwa) at ang dating Pangulo ng Unyong Sobyet na si Mikhail Gorbachev.
Pinagmulan ng Digmaang Malamig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Komprehensyang Digmaan
Silangang Harang
Kurtinang Bakal
Digmaang Malamig (1947–1953)
Digmaang Malamig (1953–1962)
Digmaang Malamig (1962–1979)
Digmaang Malamig (1979–1985)
Digmaang Malamig (1985–1991)

Ang Digmaang Malamig[1] (Ingles: Cold War) ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng mga politiko, at tensiyong militar, ang "digmaan" ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasáma ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasáma ang mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang "Digmaang Malamig" ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong si Bernard Baruch[kailangan ng sanggunian] sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.

Ang paghihirap ng Digmaang Malamig ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanán ito ng ideolohiya at tinawag na Digmaang Malamig dahil walang naganap na putúkan o tuwirang komprontasyon (ang mga proxy war ay hindi tuwiran) sa pagitan ng dalawang bansa.

Namuo ang ang Digmaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito at sa kabiláng panig ang mga pangkat ng mga Bansa sa pamumuno ng Unyong Sobyet. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa. Sa halip, umiral ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa.

Tunghayan ang balangkas ng mga pagkakaiba sa pananaw ng dalawang bansa:

Estados Unidos Unyong Sobyet
Hayaan ang mga bansa sa Silangang Europa na maging malaya Kontrolin ang mga bansa sa silangang Europa upang magsilbing

buffer state o proteksiyon ang bansa sa ano mang banta

Palakasin ang ekonomiya ng Kanlurang Alemanya Kunin ang yaman ng Alemanya bílang bayad-pinsala nito noong

digmaan at gawing mahina ang Alemanya

Demokrasya at Kapitalismo Komunismo
Magkaroon ng kontrol sa mga yaman ng Europa Gamiting ang yaman ng mga bansa sa Silangang Europa

upang ibangon ang ekonomiya nito

Sa simula, nakasentro ang Digmaang ito sa paggamit ng lakas-militar ng Unyong Sobyet at ang pagtatatag ng komunistang pamahalaan sa Silangang Europa. Bunsod ng epektibong paggamit ng proganda ng US at USSR ay lumaganap ang pangamba, tákot, at pagkamuhi sa daigdig. Sa Estados Unidos ay nagdulot ito ng tákot at pangamba sa marami na baká gawing komunista ang Kanlurang Europa pagkatapos makontrol ang Silangang Europa. Tinawag itong "Red Scare" (Filipino: Tákot sa Pula). Habang sa USSR naman ay kinilala ang mga Amerikano bílang mga racist at mararahas na tao.

Pagkasangkot ng Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumawak ang pagkakaiba sa politika ng dalawang panig dahil sa hidwaan sa ideolohiya. Naniniwala ang mga pinúnong Marxist-Leninist na wawasakin ng kapitalismo ang sistemang Sobyet. Ang Estados Unidos naman ay may paniniwala at hinala na magpapalawak ng teritoryo at sasakupin ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) ang mundo.

Pagkatapos ng mahabang panahong pagkakaibigan, nag-away ang Estados Unidos at Rusya tungkol sa mga suliranin sa Asya. Nagsimula ang kanilang alitan noong 1917 nang agawin ng mga komunista ang kapangyarihan at itinatag ang Unyong Sobyet at nagpahayag ng digmaang ideolohikal laban sa mga kapitalistang bansa sa kanluran.

Nakialam ang Estados Unidos sa Unyong Sobyet sa pagpapadalá ng 10,000 tropa sa pagitan ng 1918 at 1920 at tumangging kilalanin ang bagong Estado hanggang noong 1933. Nagtulong ang dalawang bansa laban sa Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong ika-4 hanggang 11 Pebrero 1945, nagpulong sina Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos, Púnong Ministro Winston Churchill ng Britanya at Joseph Stalin ng USSR sa dating palasyo ni Czar Nicholas II sa Crimea sa timog dalampasigan ng Dagat Itim upang pag-usapan ang kapalaran ng daigdig.

Ang "Big Three" sa Yalta Conference, Winston Churchill, Franklin D. Roosevelt at Joseph Stalin

Napagkasunduan na mananatili ang impluwensiya ng USSR sa mga pook na sinakop ng Hukbong Pula sa Silangang Europa. Bukod doon, mahahati ang Alemanya sa apat na sona na nasa pangangasiwa ng Britanya, Estados Unidos at Pransiya sa kanluran at ang Unyong Sobyet sa silangan. Hinati rin ang Berlin na nasa loob ng sona ng Soviet sa ganitong paraan.

Sakop ng Unyong Sobyet

Nakakapangyari ang Komunismo sa mga pangangasiwa sa Silangang Alemanya, Rumanya, Bulgarya, Poland, Czechoslovakia, Hungary, at Albanya. Naging komunista na rin ang pamahalaan ng Yugoslavia. Subalit tiniwalag ito ni Stalin noong 1948. Sa bagong Silangang Europa, pinigilan ang lahat ng kontra sa komunismo at nabawasan ang maraming kalayaang tinatamasa ng mga mamamayan. Dito nahati ang Europa at sinimulan ang pagtatayo ng Iron Curtain.

Nagwakas ang pagtutulungan ng Estados Unidos at USSR sa pagitan ng 1944-1945 nang gamitin ni Stalin ang Hukbong Pula upang kontrolin ang Silangang Europa. Tinutulan ni Pangulong Harry S. Truman ang patakaran ni Stalin. Kumilos siya upang pag-isahin ang Europa sa pamumuno ng Amerika. Nawalan ng tiwala sa isat-isa ang dalawa nang hindi nila tinupad ang kasunduan sa Digmaan. Hindi sinunod ni Stalin ang pangakong magkakaroon ng Halalan sa Silangang Europa. Hindi naman tinupad ni Pangulong Truman ang pangakong Reparasyon upang itayong muli ang Unyong Sobyet na nasira noong digmaan.

Nagsimula ang labanan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet sa pagkontrol sa Alemanya at ibang estratehikong lugar tulad ng Dardanelles at ang mga kipot na magkakarugtong sa Dagat Itim, Dagat Aegean, at Dagat Mediterranean. Noong Marso 1946, ipinahayag ni Pangulong Truman na magbibigay ang Estados Unidos ng tulong pangkabuhayan at militar sa mga bansa na susuporta sa mga mamamayan na nakikipaglaban sa pagtatangka ng mga armadong minorya na supilin nila. Tinawag ang patakarang ito na Truman Doctrine. Sa taong din ito ginawang popular ng mamamahayag na si Walter Lippman ang terminolohiyang Cold War.

Paglawak ng Digmaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1948 inlunsad ang 13 bilyong dolyar na Marshall Plan na naglalayong itayong muli ang kanlurang Europa. sinagot ito ni Stalin sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Europa. Dahil dito, nanganib ang kalagayan ng Kanluranin sa Germany. Kumilos naman si Pangulong Truman at tumulong sa pagtatatag ng alyansang militar, ang North Atlantic Treaty Organization(NATO), at sa pagtatatag ng malayang West Germany. Nang iminungkahi ng mga makakapanalig sa Kanluran ang pagbabago sa pananalapi sa sinakop na Germany, hindi sumangayon ang USSR. Gayunpaman, sinimulan ito ng West Germany sa mga sinakop nilang Sona. Bilang ganti, isinara ng Unyong Sobyet ang lahat ng daanang lupa patungong Kanlurang Berlin noong Hunyo 1948. Subalit nagpadala ang Estados Unidos at United Kingdom ng mga suplay sa Kanlurang Berlin sa pamamagitan ng eroplano. Nagwakas ito noong Mayo 1948.

Hanggang 1989, tanging Romania, Albania, Yugoslavia lamang ang nakawala sa kamay ng Moscow.Kapag nagtangka ang ibang mga bansa sa silangang Europa na ipatupad ang malayang patakaran, kaagad iginigiit ng USSR ang kanyang sariling patakaran. Dalawang halimbawa nito nang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan ng Hungary noong 1956 at sa Czechoslovakia noong 1968. Nilusob ang mga ito ng militar at noong 1981 ideneklara ang Batas Militar upang masawata ang malayang kalakalang unyon.

Lumawak ang Digmaang Malamig noong 1949-1950 nang pinasabog ng Unyong Sobyet ang kanyang unang Bombang Atomika. Pinaalis ng mga komunista sa Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong ang pamahalaang Nasyonalista ni Chiang Kai-shek at nagtatag ng bagong pamahalaan Sila ay nakipagalyansa kay Stalin. Samantala, hindi kinilala ng Estados Unidos ang pamahalaan ni Mao. Sa Hapon, pinabilis ang pagunlad ng ekonomiya upang salungatin ang komunismo sa Asya.

Digmaan sa Korea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para sa detalyadong impormasyon, puntahan ang Digmaan sa Korea

Humantong ang unang bahagi ng Digmaang Malamig sa paglusob ng Hilagang Korea sa Timog Korea noong 26 Hunyo 1950. Dito nasangkot ang Estados Unidos sa Digmaan sa Asya. Nahati ang Korea sa 38th parallel sa dalawa noong 1948. Nagtatag ang bawat panig ng pamahalaan-komunista sa Hilaga at maka-Estados Unidos naman sa Timog. Noong Hunyo 1950, nilusob ng Hilagang Korea ang Timog Korea. Nagpadala ang United Nations ng hukbong sandatahan upang tulungan ang Timog Korea. Tumulong din ang Estados Unidos at lumaban kasapi ng Timog Korea, sa pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur. Itinaboy ng magkasanib na puwersa ang mga taga-Hilagang Korea sa hangganan ng Tsina. Dito kumilos kaagad si Mao Zedong.

Gumawa ng surpresang paglusob ang Tsina hanggang maitaboy ang hukbo ng mga Nagkakaisang Bansa at maibalik ang lumang hangganan noong 1951. Nagpatuloy pa ang labanán sa loob ng dalawang taon. Nang magbanta ang Estados Unidos ng Sandatang nuklear, saka lamang nilagdaan ang tigil putukan. Naibalik sa Korea ang dating kalagayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit nagpatuloy ang Digmaang Malamig at pumasok sa bagong anyo. Namatay si Stalin at natapos ang panunungkulan ni Pangulong Truman subalit nagpatuloy ang dalawang panig sa kanilang pakikipaglaban tungkol sa Europa.

Labanan Sa Dalawang Panig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinikap ng USSR na bigyan ng proteksiyon ang nababawasang populasyon ng komunistang East Germany sa pamamagitan ng pagtatayo ng Berlin Wall noong 1961. Sinikap din ng bawat panig na maimpluwensiyahan ang mga bagong bansa sa Asya, Africa, Central America, South America at Latin America.

Pag-anib ng Cuba Sa USSR

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng krisis noong 1962 nang maglagay ang USSR ng mga missile sa Cuba, ang bago nilang kaanib. Nagbanta si Pangulong John F. Kennedy ng ganting nuklear. Inalis ng Sobyet ang mga missile kapalit ng pangako ni Pangulong Kennedy na hindi lulusubin ang Cuba. Humina ang Unyong Sobyet nang humiwalay ang Tsina sa Moscow. Kasabay pa nito ang lumalaking impluwensiya ng Nasyonalismo kaysa Komunismo.

Digmaan Sa Biyetnam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Para sa detalyadong impormasyon, puntahan ang Digmaang Biyetnam

Isang NLF activist na inaresto habang nagaganap ang pagatake ng mga Amerikano sa isang base ng Amerika malapit sa Cambodian Border.

Sa kabilang dako, nakipaglaban ang Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam kung saan 57,000 Amerikano ang namatay sa layong mapanatili ang Timog Biyetnam. Nariyan pa ang Estados Unidos sa pangunguna sa ekonomiya na sinundan ng Hapon at West Germany.

Mga Estratehiya ng Dalawang Panig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang mahirapan ang bawat hamon, gumamit ng mga estratehiya ang Unyong Sobyet at Estados Unidos. Tinawag na Containment ang estratehiya ng Estados Unidos kung saan sinasagot ang pang-aapi o pagpipilit ng Unyong Sobyet saanman ito nagaganap. Gumamit naman ang Kremlin ng estratehiyang pangganti laban sa Containment ng Estados Unidos.

Noong dekada-50, gumamit ng lakas-militar ang Estados Unidos upang mahadlangan ang komunismo. Nagtatag ito ng mga bagong alyansa tulad ng Southeast Asian Treaty Organization(SEATO) at sa Gitnang Silangan, ang Central Treaty Organization(CENTO) at nagbigay ng tulong militar at pangkabuhayan sa anumang bansa na nasa panganib ng paglusong ng pwersang komunismo.

Noong 1956, gumamit ang USSR ng dalawang bagong istratehiya. Ang una ay pangkabuhayan at militar na kompetisyon laban sa Estados Uinidos. Ang pangalawa ay ang paghahati ng mga makapangyarihang bansa sa kanluran sa pamamagitan ng pagpupumilit ng Unyong Sobyet na paalisin ang mga kanluranin sa Berlin. Noong 1955, itinatag ang Kasunduan ng Varsovia bilang kasagutan sa pag-aarmas ng Kanlurang Germany. Dahil dito, nagkaroon ng bagong komprontasyon ang Estados Unidos at USSR. Naging mas mapanganib ang mundo dahil kapwa may mga Sandatang nuklear ang dalawang panig. Higit na naging mapanganib nang magkaroon ng krisis sa Berlin at Cuba.

Karakterisasyon ng Digmaang Malamig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panahon ng digmaan, kakaiba ang kalagayan ng mundo. Sa dalawang panig, may paulit-ulit at dumarami silang away nagbabantaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paniniktik gamit ang intelligence agencies, elektronikong kasangkapan, matataas na lipad ng eroplano at spacecraft. Naapektuhan din ang mga mamamayan dahil sinisira ang karapatan nila sa pamamagitan ng pahayagan, propaganda, radyo at telebisyon.

Talababa at malayuang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Davis, Simon, and Joseph Smith. The A to Z of the Cold War (Scarecrow, 2005), encyclopedia focused on military aspects
  • Friedman, Norman (2007). The Fifty-Year War: Conflict and Strategy in the Cold War. Naval Institute Press. ISBN 1591142873.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Gaddis, John Lewis (1990). Russia, the Soviet Union and the United States. An Interpretative History. McGraw-Hill. ISBN 0075572583. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Gaddis, John Lewis (1997). We Now Know: Rethinking Cold War History. Oxford University Press. ISBN 0198780702.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Gaddis, John Lewis (2005). The Cold War: A New History. Penguin Press. ISBN 1594200629. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Garthoff, Raymond (1994). Détente and Confrontation: American-Soviet Relations from Nixon to Reagan. Brookings Institution Press. ISBN 0815730411. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Haslam, Jonathan. Russia's Cold War: From the October Revolution to the Fall of the Wall (Yale University Press; 2011) 512 pages
  • Hoffman, David E. The Dead Hand: The Untold Story of the Cold War Arms Race and Its Dangerous Legacy (2010)
  • Hopkins, Michael F. "Continuing Debate and New Approaches in Cold War History," Historical Journal, Disyembre 2007, Vol. 50 Issue 4, pp 913–934, historiography
  • Johnston, Gordon. "Revisiting the cultural Cold War," Social History, Agosto 2010, Vol. 35 Issue 3, pp 290–307
  • Lüthi, Lorenz M (2008). The Sino-Soviet split: Cold War in the communist world. Princeton University Press. ISBN 0691135908.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • LaFeber, Walter (2002). America, Russia, and the Cold War, 1945-2002. McGraw-Hill. ISBN 0072849037. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Leffler, Melvyn (1992). A Preponderance of Power: National Security, the Truman Administration, and the Cold War. Stanford University Press. ISBN 0804722188. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Leffler, Melvyn P. and Odd Arne Westad, eds. The Cambridge History of the Cold War (3 vol, 2010) 2000pp; new essays by leading scholars
  • Lewkowicz, Nicolas (2010). The German Question and the International Order, 1943-48. Palgrave Macmillan. ISBN 9780230248120. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Lundestad, Geir (2005). East, West, North, South: Major Developments in International Politics since 1945. Oxford University Press. ISBN 1412907489.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • McMahon, Robert (2003). The Cold War: A Very Short Introduction. Oxford University Press. ISBN 0192801783.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Lüthi, Lorenz M (2008). The Sino-Soviet split: Cold War in the communist world. Princeton University Press. ISBN 0691135908.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Malkasian, Carter (2001). The Korean War: Essential Histories. Osprey Publishing. ISBN 1841762822. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Mastny, Vojtech. The Cold War and Soviet insecurity: the Stalin years (1996) online edition
  • Fedorov, Alexander (2011). Russian Image on the Western Screen: Trends, Stereotypes, Myths, Illusions. Lambert Academic Publishing,. ISBN 978-3843393300.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  • Miller, Roger Gene (2000). To Save a City: The Berlin Airlift, 1948-1949. Texas A&M University Press. ISBN 0890969671. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Njolstad, Olav (2004). The Last Decade of the Cold War. Routledge. ISBN 071468371X. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Nolan, Peter (1995). China's Rise, Russia's Fall. St. Martin's Press. ISBN 0312127146.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Pearson, Raymond (1998). The Rise and Fall of the Soviet Empire. Macmillan. ISBN 0312174071. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Plokhy, S.M. (2010). Yalta: The Price of Peace. Penguin?. ISBN 0670021415. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Porter, Bruce; Karsh, Efraim (1984). The USSR in Third World Conflicts: Soviet Arms and Diplomacy in Local Wars. Cambridge University Press. ISBN 0521310644.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Puddington, Arch (2003). Broadcasting Freedom: The Cold War Triumph of Radio Free Europe and Radio Liberty. University Press of Kentucky. ISBN 0813190452. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Roberts, Geoffrey (2006). Stalin's Wars: From World War to Cold War, 1939–1953. Yale University Press. ISBN 0300112041. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Stone, Norman (2010). The Atlantic and Its Enemies: A History of the Cold War. Basic Books Press. ISBN 0465020437.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Taubman, William (2004). Khrushchev: The Man and His Era. W. W. Norton & Company. ISBN 0393324842. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link); Pulitzer Prize
  • Tompson‏, William J (1997). Khrushchev: A Political Life. Palgrave Macmillan. ISBN 0312163606. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Tucker, Spencer, ed. Encyclopedia of the Cold War: A Political, Social, and Military History (5 vol. 2008), world coverage
  • Walker, Martin. The Cold War: A History (1995), British perspective
  • Wettig, Gerhard (2008). Stalin and the Cold War in Europe. Rowman & Littlefield. ISBN 0742555429. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Zubok, Vladislav; Pleshakov, Constantine (1996). Inside the Kremlin's Cold War: From Stalin to Khrushchev. Harvard University Press. ISBN 0674455312. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  • Zubok, Vladislav M. A Failed Empire: The Soviet Union in the Cold War from Stalin to Gorbachev (2008)

Primaryang pinagkuhanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Pag-unawa sa ICC" (PDF). www.icc-cpi.int. International Criminal Court. Nakuha noong 2024-09-10. Noong 1990, pagkatapos ng Digmaang Malamig, ang mga hukuman katulad ng Internasyonal na Hukumang Pangkrimen...{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Arkibo
Bibliyograpiya
Balita
Edukasyonal na pinagkuhanan
Terminolohiya