Pumunta sa nilalaman

Mga Kumpederadong Estado ng Amerika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Confederate States of America)
Ang Watawat ng Kumpederadong States of America. Ginagamit sa loob ng tatlong taon mula 1861 hanggang 1863.

Ang Mga Kumpederadong Estado ng Amerika[1] o Confederate States of America (tinatawag ding Confederacy, Confederate States at CSA) ay isang pamahalaang binuo ng labing-isang estadong na katimugan ng Estados Unidos mula noong 1861 hanggang 1865.

Idineklara ng pitong estado ang kanilang kalayaan mula sa Estados Unidos bago italaga si Abraham Lincoln bilang Pangulo; apat na estado rin ang gumawa nito matapos sumiklab ang Digmaang Sibil ng Amerikano sa Labanan ng Kuta Sumter. Itrinatong ilegal ng Estados Unidos (Ang "Unyon") ang sesesyon at tumangging kilalanin ang Confederacy. Bagama't walang Europang bansa ang kumilala sa CSA, ipinagbili ng mga Inglaterang komersyo ang kanilang mga barkong pandigma at nagpatakbo sa mga mahahabang blakada para paglaanan ang CSA.

Tuluyang bumagsak ang CSA nang sumuko si Robert E. Lee at iba pang mga heneral noong Abril 1865. Naganap ang huling pulong ng kabinete sa Georgia noong Mayo. Halos sumuko lahat ng puwersa ng Kumpederasyon sa katapusan ng Hunyo. Isang prosesong tumagal ng isang dekada, ang Rekonstruksiyon, ay pansamantalang nagbigay ng karapatang sibil at karapatang bumoto sa mga pinalayang alipin, nagtanggal ng mga dating pinuno ng Kumpederasyon sa opisina, at muling nagbigay ng representasyon sa Kongreso sa mga estado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Literal na salin ng Confederate States of America


Estados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.