Corbin Bleu

Si Corbin Bleu, ipinanganak na Corbin Reivers (Pebrero 21, 1989 ) ay isang Amerikanong artista, modelo, mananayaw at mang-aawit. Isinilang siya sa Brooklyn, New York. Ang kanyang ama na si David Reivers ay Jamaican-American at ang kanyang ina na si Martha Reivers (née Callari) ay Italian-American. Tiyuhin ng kanyang ina si Joseph Callari, isang manunulat at artista na umarte sa mga palabas tulad ng Criminal Minds at Modern Family.
Kilala si Bleu sa kanyang pagganap sa Catch That Kid, High School Musical, Jump In!, High School Musical 2 at sa teleseryeng Flight 29 Down. Umarte din siya sa Hannah Montana, gayundin sa High School Musical 3. Ginampanan niya ang papel ni Jeffrey King sa soap opera na One Life to Live. Sinimulan niya ang seryeng iyon noong Abril 29, 2013. [1]
Sa pelikulang High School Musical siya ay gumaganap bilang si Chad Danforth. Sa musikal na pelikulang ito ay kumanta siya sa mga awit na Get'ya Head in the Game, Stick to the Status Quo, at We're All in This Together.
Sa High School Musical 2 siya ay nagbalik bilang si Chad Danforth, at kumanta siya sa What Time Is It? (summertime), Work This Out, I Don't Dance, at All For One.
Sa Flight 29 Down siya ay gumaganap bilang si Nathan, isa sa mga pinakasikat na lalaki sa isang klase sa paaralan na ang eroplano ay bumagsak. Kasama ang 9 na iba pang tao, napunta sila sa isang walang nakatirang isla, kung saan kailangan nilang subukang mabuhay.
Para sa pelikulang Jump In, gumawa si Corbin ng sarili niyang music video sa kantang Push It To The Limit.
Personal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2011, nagsimulang makipag-date si Bleu sa aktres na si Sasha Clements. Noong Oktubre 15, 2014 naging engaged sila, at sila ay ikinasal noong Hulyo 23, 2016.[1]
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rice, Lynette (March 14, 2013). "'High School Musical' star joins 'One Life to Live'". Entertainment Weekly. Time Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 maart 2013. Nakuha noong March 14, 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)