Pumunta sa nilalaman

Cougar (salitang balbal)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang cougar ay isang salitang Ingles na balbal na tumutukoy sa isang babae na nakikipagrelasyon o kaya naman ay itinuturing na kaaya-aya ng mga mas nakababatang lalaki.

Kadalasan, and salitang ito ay ginagamit para tumukoy sa mga babaeng may edad 35 o higit pa na pinipiling makipagdate sa mga lalaking mas bata sa kanila ng pitong taon o higit pa.[1] Kung saan ang pinanggalingan ng terminong ito ay pinagdidiskursuhan pa, subalit ito ay pinaniniwalaang unang nailathala sa Canadian dating website na Cougardate.com,[2] at saka naman ginamit sa mga palabas pantelebisyon, pag-aanunsiyo at pelikula. Ang pelikulang Cougar Club na ipinalabas noong 2007 ay dedikado sa paksang ito, at noong tagsibol ng taong 2009 nagpalabas ang TV Land ng isang reality show na may pamagat na The Cougar. Ang sitcom na Cougar Town ay nagpapakita ng buhay at mga problema ng maraming mga tinatawag na "cougars".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://abcnews.go.com/Primetime/Health/story?id=731599#.T97YJVIsQh8
  2. http://thestar.com.my/english/story.asp?file=/2007/10/17/lifefocus/19059904&sec=lifefocus