Bunganga (heolohiya)

Ang bunganga (Ingles: crater) ay isang anyong-lupa na binubuo ng isang butas o paglubog sa ibabaw ng isang planeta, na karaniwang dulot ng alinman sa pagtama ng isang bagay sa ibabaw o ng heolohikal na aktibidad sa planeta. Ang isang bunganga ay karaniwang inilalarawan bilang "isang hukay na hugis-mangkok na nalilikha ng isang bulkan, pagsabog, o pagtama ng taeng-bituin o meteorito". Sa Daigdig, ang mga bunganga ay "karaniwang bunga ng mga pagsabog ng bulkan", samantalang ang mga bunganga dulot ng banggaan ng meteorito ay karaniwan sa Buwan subalit bihira sa Daigdig.[1]
Isang artikulo sa New Scientist noong 1961 na nagsasapantaha sa kalaunang tinalikdang teorya na ang mga bunganga sa Buwan ay maaaring may pinagmulan sa bulkanismo ang nagsaad na ang "mga bunganga na nalikha ng bulkanismo ay may mga kalamangan sa anyong-lupa at mineralisasyon na hindi matatagpuan sa mga bunganga dulot ng banggaan".[2] Ang isang bunganga ay maaaring maging lawa kung aangkop ang mga kalagayan.[3] Kinakailangan nito na ang bunganga ay may relatibong pantay at matibay na mga gilid, at may pinagkukunan ng tubig tulad ng baha, ulan, niyebe, mga bukal, o iba pang tubig sa lupa.[4][5]
Mga klase ng bunganga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bunganga ng epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bunganga dulot ng banggaan ay tinatawag sa butas na mula sa pagbagsak ng isang bulalakaw. Ito ay isang klase ng heolohiyang tampok na nakikita sa mga asteroyd, likas na satelayt, at mga planeta.
Ito ang karaniwang uri ng bunganga, dahil maraming dumadaloy na asteroyd sa paligid nila. Dahil dito, mayroong mas marami sa 5000 na bunganga sa sistemang solar na lumilipas sa 2500 kilometro (Palangganang TImog Pole-Aitken) sa 24 na metro (Bungangang Dalgaranga).
Bungangang bulkaniko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bungangang bulkaniko ay isang paglubog ng lupa na dulot ng aktibidad ng bulkan, at karaniwang matatagpuan sa ibabaw ng lagusan ng bulkan.[6] Sa panahon ng pagsabog ng bulkan, ang tunaw na magma at mga gas na bulkaniko ay umaakyat mula sa isang silid ng magma sa ilalim ng lupa, dumadaan sa isang daluyan, hanggang sa marating ang lagusan ng bunganga, kung saan nakalalabas ang mga gas patungo sa atmospera at ang magma ay iniluluwa bilang lava.
Ang isang bungangang bulkaniko ay maaaring may malaking lawak at, kung minsan, ay may malaking lalim. Sa ilang uri ng paputok na pagsabog, maaaring maubos ang laman ng silid ng magma ng isang bulkan nang sapat upang ang bahaging nasa ibabaw nito ay gumuho, na bumubuo ng isang mas malawak na uri ng paglubog na tinatawag na kaldera. Ang maar ay isang malapad at mababang anyong-lupang bungangang bulkaniko na dulot ng isang erupsyong preatomagmatiko (isang pagsabog na nagaganap kapag ang tubig sa lupa ay nakipag-ugnayan sa mainit na lava o magma). Ang isang maar ay karaniwang napupuno ng tubig at nagiging isang relatibong mababaw na lawa sa bunganga ng bulkan na maaari ring tawaging maar.[7] Ang mga lawang ito ay maaaring maging lawang soda, na marami sa mga ito ay kaugnay ng mga aktibong sonang tektoniko at bulkaniko.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Crater". Young People's Science Encyclopedia (sa wikang Ingles). 1978. p. 456.
- ↑ Green, Jack (1961-02-23). "Geology for the man on the Moon". New Scientist (sa wikang Ingles). Bol. 9, blg. 223. p. 465. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-10-21. Nakuha noong 2022-10-21.
- ↑ John Arthur Thomson, Mountain and Moorland (1921), p. 33. (sa Ingles)
- ↑ Scott, William Berryman (1922). Physiography: The Science of the Abode of Man (sa wikang Ingles). New York: P.F. Collier & Son. p. 101. OCLC 7015885.
- ↑ Science and Technology Encyclopedia (sa wikang Ingles). University of Chicago Press. 2000. pp. 78, 131.
- ↑ "Volcanic Craters". nps.gov (sa wikang Ingles). National Park Service. Nakuha noong 2022-10-21.
- ↑ Thomas, David S.G.; Goudie, Andrew (2000). The Dictionary of Physical Geography (sa wikang Ingles). Oxford: Blackwell. p. 301. ISBN 0-631-20473-3.
- ↑ Kempe, Stephan; Kazmierczak, Józef (Enero 2011a). "Soda Lakes". Mula sa Joachim Reitner and Volker Thiel (pat.). Encyclopedia of Geobiology (sa wikang Ingles). pp. 824–829. doi:10.1007/978-1-4020-9212-1_192.