Pumunta sa nilalaman

Cresenciano C. Marquez Jr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Cresenciano C. Marquez, Jr. o CC Marquez ay isinilang sa Maragondon, Cavite taong 1930. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Far Eastern University at Arellano University.

Isa siyang likas na makata. Nakilala siya dahil sa kahusayan sa pagbigkas at maging sa pagsulat ng mga tula.

Nang mamatay si Emilio Mar Antonio (Hari ng Balagtasan) si CC Marquez ang itinanghal na Hari ng Balagtasan. Premyado siyang makata ng Palanca Memorial Awards, CCP Literary Contest, Talaang Ginto at marami pang iba.

Naging reporter siya ng Taliba, Associate Editor ng People's Tonight at Managing Editor ng Balita.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.