DXKX
| Simulcast of DYIO Cebu | |
|---|---|
| Lungsod ng Davao | |
| Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar |
| Frequency | 91.5 MHz |
| Tatak | 91.5 Red Hot Radio |
| Pagproprograma | |
| Format | Top 40 (CHR), OPM |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | Primax Broadcasting Network |
| Pinamamahala | Y2H Broadcasting Network |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere | 1995 |
Dating pangalan |
|
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Power | 10,000 watts |
Ang DXKX (91.5 FM), sumasahimpapawid bilang 91.5 Red Hot Radio, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Primax Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa kahabaan ng Broadcast Ave., Shrine Hills, Brgy. Matina Crossing, Lungsod ng Davao.[1][2][3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1995 bilang K91 na may Adult Top 40 na format. Noong 1998, naging kaanib ito ng Raven Broadcasting Corporation na nakabase sa Maynila at muli ito inilunsad bilang City Lite 91.5 na may smooth jazz na format. Noong unang bahagi ng 2000, pagkatapos nitong kumalas sa RBC, naging Smooth FM 91.5 ito. Nawala ito sa ere noong 2013.
Noong unang bahagi ng 2015, kinuha ng Brigada Mass Media Corporation ang mga operasyon ng himpilang ito. Noong Agosto 10, 2015, bumalik ito sa ere bilang Brigada News FM. Sa oras ng ika-30 Kadayawan Festival, noong Agosto 23, 2015, pormal itong inilunsad.
Noong Enero 2024, sinimulang iriley ng 93.1 FM na pagmamay-ari ng Mareco ang talapihitang ito bilang bahagi ng paglipat. Nakatakdang matapos ang kasunduan ng Brigada sa Primax ngayong taon. Noong Marso 17, 2024, matapos nung lumipat ang Brigada News FM sa 93.1 FM, ginawa itong riley hanggang Abril 14, nung namaalam ito sa ere.
Noong Hulyo hanggang Setyembre 2024, nagbalik ito sa ere, sa pagkakataong ito ay nagpapalabas ng automated na musika na may limitadong oras ng pag-broadcast (6:00 am hanggang 6:00 pm). Ngunit nag-off-air ito nang walang katiyakan noong huling bahagi ng Setyembre 2024.
Noong Mayo 26, 2026, muli itong nagbalik sa ere sa ilalim ng bagong pamamahala na Y2H Broadcasting Network Inc. Noong Hulyo 9, makalipas ng 2 buwan ng panloob na automated music, naging riley ito Y101 na nakabase sa Cebu bilang Red Hot Radio.