Pumunta sa nilalaman

DYGB

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Power 91 FM (DYGB)
Dumaguete
Lugar na
pinagsisilbihan
Katimugang Negros Oriental at mga karatig na lugar
Frequency91.7 MHz
TatakPower 91 FM
Pagproprograma
WikaCebuano, Filipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
Mga KaakibatRadio Mindanao Network
Pagmamay-ari
May-ariGold Label Broadcasting System
Kaysaysayan
Unang pag-ere
10 Agosto 1991 (1991-08-10)
Dating frequency
95.7 MHz (1991)
Kahulagan ng call sign
Gold Label Broadcasting
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
ClassC, D, E
Power5,000 watts
ERP10,000 watts

Ang DYGB (91.7 FM), sumasahimpapawid bilang Power 91 FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Gold Label Broadcasting System, Inc. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Dy Chiao Kiao Bldg., Gov. M. Perdices St. cor. San Juan St., Dumaguete.[1][2][3][4][5]

Itinatag ang himpilang ito noong Agosto 10, 1991 bilang Power 95 FM. Noong panahong yan, nasa 95.7 MHz ang talapihitang ito at umere ito ng Top 40 na format. Hindi nagtagal at naging pinakapinakikinggan na himpilan sa buong lalawigan ng Negros Oriental ang Power 95 FM.

Sa parehong taon, nagsampa ng kaso ang Negros Broadcasting and Publishing Inc., ang may-ari ng DYEM, sa GLBSI dahil sa pagsahimpapawid ng DYGB malapit sa talapihitan ng DYEM na nasa 96.7 MHz. Kalaunan ay lumipat ang himpilang ito sa kasalukuyang talapihitan na 91.7 MHz at naging Power 91 FM.

Noong kalagitnaan ng 1994, muli ito inilunsad na may halong balita at musika sa format nito. Mula noon, nananatili itong pinakapinakikinggan na himpilan sa buong lalawigan ng Negros Oriental. Naging kaanib din ito ng Radio Mindanao Network para sa mga balita.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]