Daang Bonifacio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

AH26 (N120) sign.svg

Daang Bonifacio
Bonifacio Drive
Impormasyon sa ruta
Haba: 1.6 km  (1.0 mi)
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga: N120 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg N120 / AH26 (Daang Marcos) sa Tondo
  Abenida Andres Soriano Jr.
Dulo sa Timog N120 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg N120 / AH26 (Bulebar Roxas) at N150 (Philippines).svg N150 (Abenida Padre Burgos) sa Ermita
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Ang Daang Bonifacio (Ingles: Bonifacio Drive) ay isang daang may haba na 1.6 kilometro (o 1 milya) at dumadaan mula hilaga pa-timog sa pagitan ng Intramuros at Pantalan ng Maynila sa Maynila, Pilipinas. Isa itong tagapagpatuloy ng Bulebar Roxas sa hilaga mula Abenida Padre Burgos sa Liwasang Rizal hanggang Tulay ng Roxas (dating Tulay ng Del Pan) sa ibabaw ng Ilog Pasig. Binabagtas nito ang Abenida Andres Soriano Jr. (dating Calle Aduana), ang pangunahing daan papuntang Intramuros, sa pamamagitan ng rotondang Bilog ng Anda na pinangalanan sa Kastilang gobernador-heneral na si Simon de Anda y Salazar. Paglampas ng ilog, tutuloy ang Daang Bonifacio bilang Daang Marcos (ng R-10) na papuntang Hilagang Daungan (North Harbor) at distrito ng Tondo.

Ilan sa mga kilalang establisimiyento na makikita sa daan ay ang Manila Hotel, gusali ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at ang pambansang punong-tanggapan ng Philippine Red Cross.

Pangalan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinangalanan ito kay Andres Bonifacio (1863–1897), ang pambansang bayani ng Pilipinas, ang Supremo ng Katipunan, at sa gayon ang ama ng 1896 Rebolusyong Pilipino laban sa Imperyo ng Espanya.

Dati itong tinawag na Kalye Malecon (Malecón Drive) noong panahon ng mga Amerikano.[1] Noong panahon ng mga Kastila, kilala ito bilang Malecón (o kung minsan, Calle Malecón; salitang Kastila para sa waterfront esplanade), sapagkat dati itong lakaran sa may baybayin ng Look ng Maynila bago ang pagtambak ng lupa sa bahaging ito para sa South Harbor noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Dati din ito tinatawag na Paseo de María Cristina, mula sa noo'y Rehiyente ng Espanya na si Maria Cristina.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°21′08″N 120°34′53″E / 14.3522°N 120.5815°E / 14.3522; 120.5815