Daang Palibot Blg. 2

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Daang Palibot Blg. 2
C-2
Pandacan-jesusstreet.jpg
Tayuman Street.jpgLacson Avenue.jpg
Quirino Avenue Paco Manila.jpgQuirino Avenue.jpg
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Ang sangandaan ng Abenida Quirino at Kalye Jesus sa Pandacan; Abenida Tayuman; Abenida Lacson; Abenida Quirino sa Paco; Abenida Quirino sa Malate.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Tondo
Katimugang dulo: Bulebar Roxas sa Malate

Ang Daang Palibot Bilang Dalawa (Ingles: Circumferential Road 2, na itinakda bilang C-2) ay isang pinag-ugnay na mga daan na bumubuo sa ikalawang daang palibot ng Sistemang Daang Arteryal ng Kamaynilaan. Isa ito sa dalawang daang palibot na matatagpuan sa loob ng nasasakupan ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Dumadaan ito sa mga distrito ng Tondo, Sampaloc, San Miguel/Santa MesaPaco, Ermita, at Malate.

Binubuo ito ng Kalye Capulong, Kalye Tayuman, Abenida Lacson, at Abenida Quirino.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Sapagkat binubuo ito ng apat na mga lansangan, ang pinag-isang kasaysayan ng buong Daang Palibot Blg. 2 ay hindi na matitiyak.

Ang pinaka-unang bahagi na naitayo ay ang Calle Canonigo (Quirino Avenue Extension ngayon), na itinayo noong panahon ng mga Kastila at nag-uugnay ng mga distrito ng Paco at Pandacan. Kalaunan, pinahaba ito hanggang sa maabot nito ang Calle Herrán (Kalye Pedro Gil ngayon). Ang bahaging nasa dakong itaas, Calle Tayuman, ay itinayo noong malapit na matapos ang panahon ng mga Kastila. Ang bahagi naman ng kasalukuyang Abenida Quirino mula Calle Canonigo hanggang Nagtahan ay sa tinawag na Calle Luengo sa mga panahong iyon, at isa pa lamang itong makipot na kalye.

Pagpasok ng panahon ng mga Amerikano, itinayo ang Calle Governor Forbes na nagdurugtong ng Calle Tayuman at Calle Nagtahan. Pinangalanan itong Governor Forbes sapagkat itinayo ito noong panahon ng panunungkulan ni Gobernador-Heneral William Cameron Forbes.

Sa panahon ni dating Pangulo Ferdinand Marcos, alinsunod sa mga panukala ng kanyang sinundan na pangulo, pinag-ugnay ang mga nasabing daan at lansangan upang mabuo ang Daang Palibot Blg. 2 (C-2). Ang C-2 ay binubuo ng Calle Capulong, Calle Tayuman, Calle Governor Forbes, Calle Nagtahan, Calle Canonigo/Luengo, at Harrison Boulevard, isang lansangan na nagdudurugtong ng Calle Canonigo/Luengo sa Bulebar Admiral Dewey (Bulebar Roxas ngayon). Sa mga panahong din iyon itinayo ang Tulay ng Nagtahan na itinuturing pinakamalawak na tulay na tumatawid sa Ilog Pasig sa mga panahong iyon (bago itinayo ang Tulay ng Guadalupe ng Makati). Noong 1967, binigyan ito ng bagong pangalan na Tulay ng Mabini.[1]

Kalaunan, binigyan na ng mga bagong pangalan ang mga bahagi ng C-2. Ang Calle Canonigo, kasama na ang Calle Luengo at Harrison Boulevard, ay naging Abenida Quirino (Pres. Quirino Avenue), mula kay dating Pangulo Elpidio Quirino. Ang Calle Governor Forbes naman ay naging Abenida Lacson (Arsenio H. Lacson Avenue) noong 1971, mula kay Arsenio Lacson, dating alkalde ng Maynila.[2] Ang Calle Nagtahan (o Nagtahan Boulevard) naman ay pinagsama na sa Abenida Quirino.

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 2[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalye Capulong (Capulong Street)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ay kilala rin bilang C-2 Road. Nagsisimula ito sa Daang Marcos at nagtatapos sa Kalye Juan Luna. Isa itong pangunahing lansangan ng distrito ng Tondo ng Maynila. Paglampas ng Juan Luna, tutuloy ito bilang Kalye Tayuman.

Kalye Tayuman (Tayuman Street)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Kalye Tayuman

Ang Kalye Tayuman ay isang pangunahing daanan ng mga distrito ng Tondo at Santa Cruz. Mayroon itong apat na linya na nagsisimula sa Kalye Juan Luna at nagtatapos sa sangandaan ng Abenida Lacson at Kalye Consuelo.

Abenida Lacson (Lacson Avenue)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida Lacson

Ay nagsisimula sa sangandaan ng Kalye Tayuman/Consuelo at nagtatapos sa Tulay ng Mabini.

Abenida Quirino (Quirino Avenue)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida Quirino

Ay ang pangunahing bahagi ng C-2 na nag-uugnay ng Abenida Lacson (sa pamamagitan ng Tulay ng Mabini) sa Bulebar Roxas.[3] Dumadaan ito sa mga distrito ng Paco, Pandacan, at Malate ng Maynila.[4][5][6] Ang dating Bulebar Nagtahan ay isa nang bahagi ng Abenida Quirino.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]