Daang Palibot Blg. 3

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Daang Palibot Blg. 3
C-3
05858jfBarangays Caloocan City Avenue LRT Stationsfvf 10.jpg Gregorio Araneta Avenue.jpg
South Avenue Makati.jpg GilPuyatLRTjf1278 10.JPG
Mula itaas, kaliwa-pakanan: 5th Avenue mula sa estasyong 5th Avenue ng LRT; Abenida Gregorio Araneta; Abenida South; Abenida Gil Puyat.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Navotas
Katimugang dulo: Bulebar Macapagal sa Pasay

Ang Daang Palibot Bilang Tatlo (Ingles: Circumferential Road 3) ay ang ikatlong daang palibot (circumferential road) ng Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Navotas, Kalookan, Lungsod QuezonSan Juan, Makati, Pasay, at sa hinaharap (pag-naitayo na ang Metro Manila Skybridge, mga lungsod ng Mandaluyong at Pasig).

Mga bahagi ng Daang Palibot Blg. 3[baguhin | baguhin ang batayan]

Daang C-3 (C-3 Road)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ay nahahati sa dalawa: ang Kanlurang Daang C-3 (C-3 Road West) at Silangang Daang C-3 (C-3 Road East). Ang kanlurang bahagi ay dumadaan mula Daang Radyal Blg. 10 hanggang 5th Avenue ng Caloocan, habang ang silangang bahagi ay dumadaan mula 5th Avenue hanggang Abenida Sarhento Rivera sa panulukan ng Abenida Bonifacio.

5th Avenue[baguhin | baguhin ang batayan]

Ay bahagi ng C-3 sa Caloocan sa pagitan ng Kanlurang Daang C-3 (sa panulukan ng Kalye Baltazar) at Silangang Daang C-3 (sa panulukan ng Abenida Rizal). Maaari na isalin ito nang literal bilang Ika-5 Abenida. Sa kasalukuyan, dalawa pa lamang ang mga linya ito at isang lamang ang direksyon nito (pa-silangan). Kasalukuyang pinapalawak ang 5th Avenue (upang maging anim ang linya, tatlo sa bawat direksiyon) para maikasya (at maidugtong) ang dalawang bahagi ng Daang C-3 sa parehong pa-silangan at pa-kanlurang daloy ng trapiko.

Abenida Sarhento Rivera (Sergeant Rivera Avenue)[baguhin | baguhin ang batayan]

Paglampas ng Abenida Bonifacio at pagpasok ng Lungsod Quezon, magiging Abenida Sarhento Rivera ang C-3. Isa itong pangunahing daan sa nasabing lungsod na may anim na linya. Magiging Abenida Gregorio Araneta ito pagliko nito pa-timog paglampas ng panulukan ng Abenida Santo Domingo.

Abenida Gregorio Araneta[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida Gregorio Araneta

Mula sa panulukan ng Kalye Toctokan (paglampas ng Abenida Sto. Domingo) hanggang sa panulukan ng Kalye Nicanor Domingo (paglampas ng Bulebar Aurora), magiging Abenida Gregorio Araneta ang C-3. Kilala ang nasabing abenida sa bansag na "Hilera ng mga Punerarya" ("Funeral Home Row") dahil dito nakahimpil ang ilan sa mga pinakaprominenteng punerarya ng Kamaynilaan katulad ng Arlington Memorial, La Funeraria Paz, at The Sancturaium. Maliban dito, ang ligid ng Ilog San Francisco del Monte mula Kalye Toctokan hanggang Abenida Quezon ay kilala bilang sonang bahain sapagkat isa ang abenida sa mga pinakamababang bahagi ng C-3 at madalas bumabaha rito (pag-umaapaw ang sapa) tuwing tag-ulan.

Mapuputol nang biglaan ang C-3 paglampas ng Kalye Nicanor Domingo sa San Juan. Tutuloy lamang ang daang palibot sa Makati bilang Abenida South.

Metro Manila Skybridge[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Metro Manila Skybridge

Ang Metro Manila Skybridge ay isang ipinapanukalang mabilisang daan na mataas (elevated expressway) na mag-uugnay sa malaking puwang ng C-3 sa pagitan ng Abenida Araneta at Abenida South sa Makati. Magkakaroon ito ng mga labasan.[1] Kaiba ang Skybridge sa Skyway Stage 3 na kasalukuyang itinatayo sa Abenida Araneta (at sa mga abenida ng Sarhento Rivera at Bonifacio).

Abenida South (South Avenue)[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida South

Ang Abenida South ay isang abenida na matatagpuan sa pagitan ng Abenida J.P. Rizal at Abenida Metropolitan sa Makati. Dumadaan ito sa kanlurang hangganan ng Manila South Cemetery. Paglampas ng Abenida Metropolitan, magiging Abenida Ayala ang C-3.

Abenida Ayala[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida Ayala

Ay isang kilalang lansangan ng Makati na binansagang "Wall Street of the Philippines" dahil dito nakahimpil ang mga maraming kompanya, korporasyon, at negosyo. Dumadaan ito sa tinatawag na Sentrong Ayala na isa sa mga distritong sentral ng negosyo ng Pilipinas. Ang mga dulo nito ay ang Abenida Metropolitan sa kanluran (kung saan tutuloy ito bilang Abenida South) at EDSA sa silangan (kung saan tutuloy ito bilang Daang McKinley. Ang bahagi ng Abenida Ayala sa pagitan ng Abenida Metropolitan/South at Abenida Gil Puyat ay naitakdang bahagi ng C-3.

Abenida Senador Gil J. Puyat[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Abenida Gil Puyat

Mula sa sangandaan ng Abenida Ayala, tutuloy ang C-3 pakanluran bilang Abenida Gil Puyat, ang pinakahuling bahagi ng daang sirkumperensyal. Ang nasabing daan ay nagsisimula sa Bulebar Roxas sa Pasay at nagtatapos sa EDSA sa Makati. Katulad ng Abenida South at Abenida Ayala, dumadaan ito sa Sentrong Ayala ng Makati. Ang bahagi ng abenida mula Bulebar Roxas hanggang Abenida Ayala ay naitakdang bahagi ng C-3. Dalawa sa mga pangunahing lansangang bumabagtas rito ay South Luzon Expressway at Abenida Taft, kung saan makikita ang mga estasyon ng mga bus panlalawigan.

Mga sangandaan (ng bahaging Daang C-3 at 5th Avenue)[baguhin | baguhin ang batayan]

Sangandaan o panulukan Lokasyon Karagdagang detalye
Daang Marcos/panulukan ng Daang Radyal Blg. 10 North Port, Navotas Ang hilagang dulo ng Daang C-3. Papuntang Maynila ang daan.
Abenida Dagat-Dagatan Malabon Ang nasabing abenida ay papuntang Daang C-4.
Krosing ng Linyang Kahel ng PNR Kalookan
Kalye Baltazar Kalookan Ang kanlurang dulo ng 5th Avenue.
Abenida Rizal Kalookan Ang silangang dulo ng 5th Avenue. Papuntang Maynila pag-patimog, habang Monumento/EDSA) naman pag-pahilaga.
Abenida Bonifacio Lungsod Quezon Patimog ay papuntang Maynila, pahilaga ay papuntang EDSA at NLEX.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]