Daang Radyal Blg. 8
Katimugang dulo: Bulebar Quezon sa Maynila Hilagang dulo: Daang Pugo–Rosario sa Rosario, La Union |
Ang Daang Radyal Bilang Walo (Ingles: Radial Road 8), o mas-kilala bilang R-8, ay isang pinagugnay na mga daan at tulay na pag-pinagsama ay bumubuo sa ikawalong daang radyal ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas.[1]
Dumadaan ito mula hilaga patimog sa hilagang Kalakhang Maynila at inuugnay nito ang Maynila sa mga lungsod ng Lungsod Quezon, Caloocan, at Valenzuela, at mga hilagang lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at La Union. Ang bahagi ng R-8 sa pagitan ng Guiguinto at Balintawak ay itinakda bilang bahagi ng pinagugnay na Pan-Philippine Highway (o AH26).
Ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Radyal Blg. 8:
Bulebar Quezon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagitan ng Tulay ng Quezon sa ibabaw ng Ilog Pasig sa Quiapo at Kalye Lerma sa Sampaloc, kilala ang R-8 bilang Bulebar Quezon. Pangunahing lansangan ito ng Quiapo na dumadaan mula hilaga patimog at sa gayon din nama'y timog pahilaga. Nakakonekta rin ito sa Daang Radyal Blg. 7 (R-7) sa pamamagitan ng isang tunel patungong Kalye Lerma.
Kalye Alfonso Mendoza
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kalye Alfonso Mendoza (dating Calle Andalucía) ay isang tagapagpatuloy ng Bulebar Quezon sa pagitan ng Kalye Lerma at Abenida Lacson sa hangganang Sampaloc–Santa Cruz. Liliko ang R-8 pa-silangan sa Abenida Lacson sa ilang metro at liliko pahilaga sa Kalye Dimasalang.
Kalye Dimasalang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagitan ng Abenida Lacson at Daang Blumentritt sa hangganan ng Sampaloc's at Lungsod Quezon, kilala ang R-8 bilang Kalye Dimasalang. Dumadaan ito sa bulaklakan ng Dangwa sa katimugang dulo nito at tutungo patungong Manila North Green Park at ang pangunahing tarangkahan ng Manila North Cemetery sa hilagang dulo nito bago nito tumbukin ang Abenida Bonifacio.
Abenida Bonifacio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dinadala ng Abenida Bonifacio ang bahagi ng R-8 sa pagitan ng Daang Blumentritt at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos) sa mga hangganan ng distrito ng Santa Cruz ng Maynila at Lungsod Quezon at Caloocan. Babagtasin nito ang Abenida Del Monte at 5th Avenue bago nito tumbukin ang Palitang Balintawak sa may EDSA at North Luzon Expressway.
North Luzon Expressway
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangunahing bahagi ng R-8 ay ang North Luzon Expressway (NLEx). Nagbibigay ito ng daan sa mga motorista palabas ng Kalakhang Maynila patungong mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga ng Gitnang Luzon. Ang bahagi ng NLEx sa pagitan ng Palitan ng Santa Rita sa Guiguinto at Palitan ng Balintawak sa Lungsod Quezon ay isa ding ruta ng Pan-Philippine Highway (o AH26) mula Lansangang Doña Remedios Trinidad hanggang EDSA. Tatapos ang daan sa isang palitan sa hilaga ng Labasang Santa Ines sa Mabalacat, hilagang Pampanga. Itinayo ito noong dekada-1960, panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Subic–Clark–Tarlac–Expressway
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinokonektahan ng NLEx ang Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx) sa pamamagitan ng isang palitan sa Mabalacat. Dinadala nito ang R-8 pahilaga patungong TPLEx sa Lungsod ng Tarlac, Tarlac. Binuksan ito sa mga motorista noong 2008.
Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagitan ng Lungsod ng Tarlac at sa hilagang dulo nito sa Daang Kennon/Daang Pugo–Rosario sa Rosario, kilala ang R-8 bilang Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEx). Pinag-uugnay nito ang mga lalawigan ng Tarlac, Pangasinan, at La Union.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Metro Manila Infrastructure Development" (PDF). University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2017-08-10. Nakuha noong 12 Hulyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)