Abenida Dr. Arcadio Santos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daang Sucat)
Jump to navigation Jump to search

N63 (Philippines).svg

Abenida Dr. Arcadio Santos
Dr. Arcadio Santos Avenue
Daang Sucat (Sucat Road)
Abenida Dr. A. Santos malapit sa Palitan ng Sucat ng SLEX
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)
Haba:4.8 km (3.0 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa Kanluran:N195 (Philippines).svg N195 (Abenida Ninoy Aquino) sa La Huerta
 
  • Karugtong ng Daang Palibot Blg. 5
  • Abenida A. Canaynay
  • Abenida N. Lopez
  • Abenida Filipinas
  • President's Avenue
Dulo sa SilanganE2 (Philippines).svgAsian Highway 26 PH sign.svg E2 / AH26 (South Luzon Expressway) sa Sucat
Lokasyon
(Mga) Pangunahing lungsod:Parañaque
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Abenida Dr. A. Santos malapit sa President's Avenue na tanaw mula sa SM City BF Parañaque sa BF Homes.

Ang Abenida Dr. Arcadio Santos (Ingles: Dr. Arcadio Santos Avenue), na dating tinawag na (at mas-kilala ng mga lokal na residente bilang) Daang Sucat (Ingles: Sucat Road), ay isang pangunahing lansangang silangan-pakanluran sa Parañaque, katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang kanlurang dulo nito ay sa Kalye Victor Medina sa hangganan ng La Huerta - San Dionisio, bilang karugtong ng Abenida Ninoy Aquino, at ang silangang dulo nito ay sa South Luzon Expressway, sa may hangganan ng lungsod sa Sucat, Muntinlupa, kung saan magiging Daang Meralco ito paglampas patungong Estasyon ng Sucat ng PNR. Ang haba nito ay 4.8 kilometro (3.0 milya).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Dating tinawag na Sucat Road ang daan, mula sa pangalan ng baryo sa Muntinlupa at sa estasyong daangbakal nito kung saan tinutunguhan ito. Ang kasalukuyang pangalan nito ay mula kay Dr. Arcadio Santos, isang taga-Parañaque na gobernador ng Rizal mula 1920 hanggang 1922, kung kailan bahagi pa ng lalawigan ang noo'y bayan ng Parañaque.[1]

Noong Setyembre 2013, isang panukalang-batas ang isinulat sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na naglalayong bigyan ng bagong pangalan na President Cory Aquino Avenue (Abenida Pangulong Cory Aquino) ang abenida. Ang panukalang-batas na ito, na isinulat ni Rep. Eric Olivarez, ay nakabinbin pa rin sa Komite ng Pagawaing Bayan at Lansangan ng Senado mula Oktubre 2013.[2]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Coordinates: 14°28′1″N 121°0′53″E / 14.46694°N 121.01472°E / 14.46694; 121.01472