Dahon ng saging
Ang dahon ng saging ay dahon ng halamang saging, na namumunga ng hanggang 40 dahon sa isang siklo ng paglaki.[1] Magagamit ang mga dahon sa mararaming paraan dahil sila ay malalaki, nababaluktot, di-tinatagos ng tubig at dekoratibo. Ginagamit ang mga ito sa pagluluto, pagbabalot,[2] at paghahain ng pagkain sa maraming iba't ibang lutuin sa mga tropikal at subtropikal na lugar. Ginagamit ang mga ito bilang dekorasyon at para sa mga simbolikong layunin sa mga mararaming seremonya ng Hinduismo at Budismo. Sa tradisyonal na pagtatayo ng bahay sa mga tropikal na lugar, ang mga atip at bakod ay pang-atip na gawa sa tuyong dahon ng saging.[3] Sa kasaysayan, pinagsulatan ang mga dahon ng saging at palma sa maraming bansa sa Timog at Timog-silangang Asya.
Paggamit sa lutuin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga dahon ng saging ay malalaki, nababaluktot, at hindi tinatagos ng tubig.[4] Nakakadagdag ito ng amoy sa pagkain na niluluto sa loob nito o inihahain sa ibabaw nito. Kapag nagpapasingaw naman na may dahon ng saging, nadaragdagan ang pagkain ng banayad na matamis na lasa at bango.[5] Hindi kinakain mismo ang dahon at itinatapon kapag nakain na ang pagkain sa loob nito.[4]
Bukod sa pagdaragdag ng lasa, napapanatili ng dahon ang katas at napoprotektahan din ang pagkain mula sa pagsunog, kagaya ng foil.[6]
Sa Tamil Nadu (Indiya) ganap na pinatutuyo ang mga dahon at ginagamit bilang pambalot sa mga pagkain, at ginagawa rin itong tasa para sa mga likido. Ang mga pinatuyong dahon ay tinatawag na 'Vaazhai-ch- charugu' (வாழைச் சருகு) sa wikang Tamil. Sa mga ilang resipi sa Timog Indiya, Pilipinas, at sa mga Khmer, ipinambabalot ang mga dahon ng saging kapag nagpiprito. Tinatanggal ang mga dahon kapag tapos na. Sa lutuing Biyetnames, ipinambabalot ang mga dahon ng saging ng mga pagkain tulad ng cha-lua.
Mga lutuin sa mundo ayon sa bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa lutuing Indiyano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging kaugalian ang paghahain ng pagkain sa dahon ng saging sa lutuing Timog Indiyano at lutuing Bengali, lalo na sa mga estado ng Andhra Pradesh, Telangana, Tamil Nadu, Karnataka, Kerala, Odisha, Kanlurang Bengal at pati na rin sa Sri Lanka. Sa mga rehiyong ito, karaniwang inihahain ang pagkain sa dahon ng saging sa mga kapistahan, at kalimitang bahagi ang saging sa mga inihahaing pagkain. Sa Maharashtra, tuwing may espesyal na okasyon kagaya ng Ganesh chaturthi, pinagkakainan ang mga dahon ng saging. Pambalot din ng isda ang mga dahong ito, na maaaring pasingawan pagkatapos.
Sa lutuing Bengali, ginagamit ang dahon ng saging sa paghahanda ng Paturi. Isa itong sariwang isda na tinanggalan ng buto, ibinababad sa timpla, niluluto sa loob ng dahon ng saging at kinakain mismo roon. Madalas ginagamit ang mga isdang Bhetki at Ilish sa paggawa ng Paturi.
Sa lutuing Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang dahon ng saging ay tradisyonal na paraan sa paghahain ng pagkain sa lutuing Pilipino, kung saan nakalatag ang kanin at ibang ulam sa mga malalaking dahon ng saging (isang salo-salo) at lahat nakikikain gamit ang kani-kanilang mga kamay (kamayan).[7][8] Mayroon isa pang tradisyonal na paraan sa paghahain ng pagkain kung saan nilalagyan ang isang bilao ng dahon ng saging. Karaniwan, ginagamit ang bilao sa mga sakahan para tanggalin ang ipa mula sa butil, ngunit mayroon nang mga mas maliit na bilao sa mga Pilipinong restawran na ginagamit sa paghahain ng pagkain.[9][10] Ginagamit din ang mga dahon ng saging sa pagbalot ng pagkain (binalot), at pinahahalagahan dahil sa bango na ibinibigay nila sa pagkain.[11] Kabilang sa mga lutuing Pilipino na gumagamit ng dahon ng saging ang suman at bibingka.[12][13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Why Won't a Banana Plant's Leaves Open?" [Bakit Hindi Mabubuksan Ang Mga Dahon ng Halamang Saging?]. SFGate (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 5, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nace, Trevor (Marso 25, 2019). "Thailand Supermarket Ditches Plastic Packaging For Banana Leaves" [Supermarket sa Thailand, Nagsantabi ng Plastic Packaging para sa Dahon ng Saging]. Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 26, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Molina, A.B.; Roa, V.N.; Van den Bergh, I.; Maghuyop, M.A. Advancing banana and plantain R & D in Asia and the Pacific [Pagsusulong ng R & D sa saging at plantain sa Asya at Pasipiko] (sa wikang Ingles). p. 84. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 12, 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Frozen Banana Leaf [Pinayelong Dahon ng Saging] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo June 30, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine., Temple of Thai Food Store
- ↑ Black Cod Steamed in Banana Leaves with Thai Marinade [Itim na Bakalaw na Pinasingaw sa Dahon ng Saging na may Thai Marinade] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo June 22, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine., Frog Mom
- ↑ "Banana" [Saging] (sa wikang Ingles). Hortpurdue.edu. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 15, 2009. Nakuha noong Abril 16, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elizabeth Ann Quirino (Disyembre 16, 2014). "Have Filipino food, will travel" [Kumain ng pagkaing Pilipino, maglalakbay] (sa wikang Ingles). Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2014. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Margaret Littman. "Authentic Filipino Food Comes to Nashville for One-Night SALO Project Pop-Up" [Tunay na Pagkaing Pilipino Dumating sa Nashville para sa Isang Gabing SALO Project Pop-Up] (sa wikang Ingles). Nola Defender. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What I Ate @ Eureka (Palmeras)" [Anong Kinain Ko sa Eureka (Palmeras)] (sa wikang Ingles). The Hungry Giant. Enero 5, 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Uses of Bilao, Round Bamboo Tray" [Mga Paggamit ng Bilao, Bilog na Bamboo Tray] (sa wikang Ingles). Luntian Laboratory. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rowena Dumlao-Giardina (Oktubre 28, 2014). "Savor the Philippines with this lunch wrapped in banana leaves" [Namnamin ang Pilipinas sa pananghaliang nakabalot sa dahon ng saging] (sa wikang Ingles). SheKnows. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maan D'Asis Pamaran (Disyembre 22, 2014). "Christmas: It's really more fun in the Philippines" [Pasko: Mas masaya talaga sa Pilipinas] (sa wikang Ingles). Manila Standard Today. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vanjo Merano (Disyembre 27, 2010). "Suman sa Lihiya" (sa wikang Ingles). Panlasang Pinoy. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2015. Nakuha noong Enero 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)